WAKAS

614 24 3
                                    

"You cheater! Ayusin mo nga ang pag-ikot ng bote, Ric. Hinihinaan mo para saktong sa amin mapunta!" bulyaw ng pinsan kong si Melody.

Sa kabila ng malakas na dagundong ng musika sa loob ng club na ito ay ang mapangahas niyang boses na umatake sa kaloob-looban ng tainga ko. Mapangwasak.

Nasa tabi ko ang nakangising pinsan kong si Alastair, aliw na aliw sa mukha ng pikon naming pinsan na babae. Though we're years older than Melody, she was the only cousin who has the audacity to simply snarl nor curse us all.

Ugaling kaniyang namana kay Tita Corine, ang kaniyang mommy. Like her mom, she looked menacing and dark yet, very beautiful. Her chinky eyes were filled with deadly glares preparing to burry me alive. Iyon ang mas lalong ikinasaya ko.

"Asshole!" aniya sabay bawi sa hawak kong bote.

"Melody. Watch your words."

"Why would I? Carrick is playing the game his own way. Come on, Seb. No one can trick me!" she proudly uttered.

Nagkatinginan kami ng kapatid kong si Sebastian. Matanda lang sa 'kin ng dalawang taon. Kunot-noo niyang sinipat ng tingin si Melody at maya-maya lang ay kagat-labing nagpigil ng tawa. I smirked.

Lahat naman yata kami ganito ang reaksyon kapag nagmumukhang tigre ang pinsan namin.

"So you dropped the 'Kuya' huh? You forgot that they're years older than us, Mel," si Chantice.

"Kuya Alas! Palit nga tayo. Ako diyan sa tabi ni Kuya Carrick."

Mula sa gitna nila Melody at Chantice tumayo ang kapatid kong si Eiya. Napawi lang ang ngiti niya nang mukhang ayaw pang umalis ng gago kong pinsan sa tabi ko. Mandedemonyo pa nga sana kaso tinulak ko na siya para pagbigyan ang bunso namin.

"Why aren't we doing anything anyway? I'll probably hunt girls with big booty and with a body like this..." 

Alas moved his hand drawing the woman's body he was talking about in the air with sparkling eyes while grinning like an idiot. I licked my lips before it slightly tugged to a smirk.

The moment my sister nudged my shoulder, I cleared my throat and acted like I wasn't into my cousin's games. Humalakhak si Chantice sabay tingin kay Eiya na parang alam niya ang pakay nito kaya ito tumabi sa 'kin.

Sina Melody, Jade, Chantice, at Eiya ay magkasing-edad. Si Sebastian at Alastair ay gano'n din tapos ako lang walang tuwang sa edad. Kulang kami, wala ang kambal dahil mga bata pa at si Jade... kinakailangan niyang magpakalayo-layo dahil sa nangyari sa kaniya.

"Puro ka kalokohan, Alas. Mamaya na at baka may bulkang sasabog," saway ni Sebastian sabay sulyap sa nakangusong si Melody.

Nagka-ayaan kaming magpipinsan para mag-club. Ito na rin kasi ang madalas naming ginagawa tuwing gusto naming magkasiyahan. Hindi ko lang alam kung ano itong kalokohan ni Melody dahil hindi kaming mga lalaki pinapaalis sa aming lounge dahil sa larong gusto niyang laruin namin.

Kanina pa nakasunod ang mata ko sa legs ng mga sexing babae sa lugar na ito. Hindi nga lang ako maka-score ngayon dahil nandito ang kapatid kong binabantayan ang bawat galaw ko.

Tinungga ko ang bote ng beer nang tanaw ang isang babaeng petite na kanina pa tingin nang tingin sa akin at paniguradong nang-aakit. Nag-taas pa ito ng kopita bago ako kinindatan.

A Night To A LifetimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon