Hindi ko na nabilang ang mga tinging napunta sa amin matapos ko siyang sampalin. My heart pounded fast, my shoulders moved because of breathing heavily, and eyes filled with rage; eager to give him another one.
Carrick's head moved to the other side because of the impact of my slap. He clenched his jaw. Kanina, kita ko pa ang gulat sa kaniyang mga mata nang tinawag ako ni daddy. Nawala lang no'ng tumama na ang palad ko sa pisngi niya. Mukhang pareho pa kami ang nasorpresa.
Gusto kong tanungin si daddy ngunit nawala sa isipan ko dahil sa napuno ako ng pagkamuhi kay Carrick.
How dare him show his face after everything!
"Cassandra!" Daddy went closer and held my shoulders. He looked sorry for what I did.
May dalawang babaeng humawak sa magkabilang braso ni Carrick. My eyes widened when I saw his mother and his sister looking sophisticated with their dresses and jewelries. His father is looking surprised yet managed to stay calm behind them.
"Carlos Alaric, what's going on in here?" it was her mom.
"Kuya?"
Ang mga mapagtanong mata ni Eiya Madrigal ay pabalik-balik sa amin ng kapatid niya.
Napansin ko si Geoff sa tabi ko at ang mga taong lumapit sa amin na tila inaalam ang mga naganap sa pagitan namin ni Carrick. Nakarinig pa ako ng singhap at bulong-bulungan.
Pakiramdam ko'y binuhusan ako ng malamig na tubig. Suminghap ako.
Bakit nandito ang mga Madrigal?!
Carrick's eyes were like pointed daggers bore into mine. Kung bakit siya ang pa ang galit, hindi ko alam. Tila nasa isang k'weba ako dahil sa madilim niyang tinging tagos hanggang kaluluwa ko.
No one surpassed the intensity of our stares like we wanted to release the fire of anger. If no one could control, I bet there would be a massive explosion.
But then, the last thing I knew is that, I already turned my back and went upstairs straight into my room. The last thing I've heard were whisperings from the visitors and their questioning look. Hindi ko na pinansin ang nawawalang boses ni daddy at ng mga kaibigan ko habang palayo ako.
Great! The party's over!
Nanghihinang umupo ako sa kama habang sinasalo ang naglaglagang mga butil ng luha. Hindi ko alam kung bakit nandito sila at mas lalong hindi ko inasahan na siya ang tinutukoy ni daddy. Baka nagkamali lang ako? Baka imbitado lang sila dahil nandito naman ang lahat ng kasosyo ni daddy sa negosyo.
Sandali pa akong nasa gano'ng posisyon habang nag-iisip nang kung anu-ano. Pumitik ang sentido ko dahil sa dami ng pumasok sa utak ko.
A man like Carrick doesn't deserve my child. Ano 'yon? Kapag magsawa siya, iiwan niya na lang kami? Kahit kailan ay hindi ako nangarap na magkaroon ng gano'ng klaseng pamilya. Isa pa, hinding-hindi ko makakalimutan ang mga sinabi ng pinsan niya sa 'kin.
Hinding-hindi ako papayag hangga't hindi siya nagbabago. Marriage is sacred and not just a game for someone to play with. Hindi basta-bastang gano'n na lang 'yon at mas lalong hindi ko gugustuhing makitang naghihirap ang anak ko.
BINABASA MO ANG
A Night To A Lifetime
RomanceMadrigal Series # 1 Cassandra Ashely Garcia, a strayed soul met a playboy one fateful night. Hard to reach like a star from the popular clan of Madrigal. However, does one night last a lifetime? [amcrumpledsheet 2017]