Tahimik ang naging byahe papunta sa bahay niya. Inside my mind, I cursed many times. Am I dreaming? Am I?
Lutang pa rin ako at hindi makapaniwala sa mga nangyari ngayon. Kasabay ng pag-agos ng kasiyahan sa puso ko ay ang pag-agos din ng pagkalakas-lakas na ulan. Hindi ko alam kung may nagdiriwang ba sa langit o inilabas lang nito ang kaninang nararamdaman ko.
Napatingin ako sa windshield ng pintuan sa tabi at muli ring ibinalik ang mga mata sa sa harapan. Mahaba ang naging traffic at halos 'di na kita ang daan—nag fo-fog ang glass dahil sa lamig. Mabuti na lang at may wiper sa front.
Nagpakawala ako ng isang buntong hininga. Sumulyap ako sa 'king tabi't gamit ang aking daliri ay iginuhit ko sa bintana ang pangalan ko ngunit dahil sa ulan na pumapatak sa labas kaya unti-unti itong naglaho.
Ngumiti ako sa sarili sabay sikop sa buhok kong nagulo papunta sa kabilang balikat.
At the corner of my eyes, I saw Carrick pouting his lips. Bumaling ako sa kan'ya't tinaasan siya ng kilay.
"May problema ba? Para kang tanga riyan."
"Is that how you talk to your boss?"
Napakurap-kurap ako. Oo nga pala, siya na 'yong boss ko ngayon.
"Sorry," I mumbled.
'Twas awkward.
Umirap ako nang biglang tumugtog sa radyo ang kantang 'I won't Give Up.' I shifted my position facing the window again. Dahil bored ako, gumuhit na lang ako ulit doon ng maliit na hugis puso.
Narinig ko siyang tumikhim ngunit 'di ko iyon pinansin.
Nag-red 'yong traffic light kaya huminto ang sasakyan. Umirap ulit ako at humalukipkip tapos nag-ayos rin ng upo.
"So, Sandra.." he trailed.
Tumaas ang kilay ko sabay ngisi. Tinignan ko si Carrick na ngayon ay na sa 'kin ang buong atensyon.
"Bakit?"
Tinaasan niya ako ng kilay. Ang kamay niya ay mahigpit na nakahawak sa kambyada ng sasakyan. Hilaw siyang ngumisi.
"Did my cousin inform you about this one?"
"Oo. Ni-text niya ako kanina. Babalik pa ba siya rito?"
I didn't mean to sound curious but actually, I was just wondering how she's doing. The last time we saw each other, she wasn't on a good state.
Bumalik tuloy sa 'kin 'yong mga mata ni Carrick na puno ng galit noong araw na 'yon.
"I'm not sure. She's fine there with our cousins. Bawi na rin sa tatlong taon niyang hindi pag-uwi," he answered.
I nodded.
"Salamat nga pala sa tulong ninyo ni Jade."
"It's my cousin's request. Sa kaniya ka magpasalamat. I'm giving her the favor she asked."
"Holy! Tunog napilitan pa," bulong ko sabay iwas ng tingin.
Napangiwi ako.
Nabalik kami sa daan nang mag go signal na. Nanuyo ang lalamunan ko dahil tunog hindi niya gusto ito. So bakit pa niya ako sinundo 'di ba? Kung may choice lang ako, 'di talaga ako sasama sa kaniya.
BINABASA MO ANG
A Night To A Lifetime
RomanceMadrigal Series # 1 Cassandra Ashely Garcia, a strayed soul met a playboy one fateful night. Hard to reach like a star from the popular clan of Madrigal. However, does one night last a lifetime? [amcrumpledsheet 2017]