Kabanata 17

332 11 0
                                    

(Read at your own risk.)
R18+


  "Wow. Meet the parents agad-agad?" I joked.

Natawa siya sa tinuran ko kaya binitawan niya ang mukha ko. Sumandal siya sa backrest ng couch habang nagmukhang problemado. Kanina ko pa siya napapansing ganito, parang wala sa focus kahit maging noong nagdi-dinner kami sa isang restaurant. Hindi ko lang alam kung ano ang dahilan.

There was something in his eyes that I couldn't fathom. And it made me wonder why.

"Before that, something happened in Negros, ano?" I suddenly asked.

Carrick sighed.

Still, he didn't take a glimpse of me. Doon ko na talaga nahimigan na may kakaiba sa kaniya. Pansin kong kahit sa opisina ay medyo wala siya sa sarili.

Hindi ko inalis ang aking tingin.

"It's not new," he mimicked.

Nagdiwang ako sa loob-looban ng aking kaibuturan sa kadahilanang nalihis ko ang tanong niya.

"Ang alin?" Patay-malisya ako.

"The pairing," walang gana niyang sagot.

My mouth formed an 'o' shape. Alam ko na agad kung ano ang ibig niyang sabihin. Dahil na naman ito sa plano ng mga magulang niya sa kaniya.

Sabagay, nasa tamang edad na rin naman si Carrick kaya hindi niya masisi ang kaniyang mga magulang. Gusto nilang mag-settle na siya—preparation para sa future na rin.

"Siguradong iniisip lang nila ang kapakanan mo. Ang future mo, Carrick."

Kasi alam kong kahit gano'n kahigpit si daddy, maaaring may rason siya kung gayong grabe siya kung pahalagahan ako. Isang reyalisasyon para sa akin na ngayon lang sumagi sa aking isipan.

"Uhuh. So should I follow them, Sandra?" Carrick's voice broke. Parang may bahid na pait.

Napakurap-kurap ako at nag-iwas ng tingin.

I felt the sharp stab on my chest.

"Kung ano sa tingin mo ang mas makakabuti."

Kaya nga ako umalis na ng bahay kasi alam kong ito ang mas makakabuti. If I didn't, I don't think I'll have this chance with him.

Minsan, sadyang may mga bagay lang talaga na kahit ano ang gusto ng iba para sa 'yo, kung ayaw mo, hindi mo talaga masusunod.

I sometimes asked for some opinion from my friends about what dress to wear, but 'twas funny 'cause I ended up picking the dress I wanted the first place. Para saan pang nagtanong ako 'di ba?

Pero may mga taong napipilitan lang din, but deep inside, hindi naman talaga nila gusto. Mayro'n ring wala nang choice kun'di ang sumunod. Mayro'n din na nagco-coincide ang thoughts.

But as long as Carrick wanted me to stay, I will fight for him. Pero kung umabot na sa puntong wala na talaga kaming choice kun'di harapin ang kasalukuyan, wala na akong magagawa ro'n. Kahit masakit.

Sinulyapan ko si Carrick na gano'n pa rin ang ayos ngunit pikit na ngayon ang mga mata at malalim ang naging paghinga. Doon na napirmi ang tingin ko sa kaniyang leeg.

A Night To A LifetimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon