-chapter ten-
[Town Central, City of Gaea—]
THE SUN became the witness to everything that was happening in the city. It guided the adventurers in venturing the forests and mountains. It made the adventurers curse and swear from the heat when they're out in the plains. And some would hide from it on abandoned and empty buildings that became their bases.
"Astro! Astro! Nalista ko na ang pangalan natin for the adventurers guild. Tayo ang una."
Isang batang lalaki ang pumasok sa kuwarto. Nakasuot ito ng isang black robe na may green linings. May sout din siya na isang mortar board hat na may green chain design. May hawak itong isang staff na may skull sa dulo. His hair was a light pastel-green in color and his eyes were jade green.
Masaya itong lumapit sa isang binata na nakaupo. Ang puti nitong buhok ay abot sa balikat at nakatali. Natatago ang isang kulay-abo na mata dahil sa buhok. Nakasuot ito ng isang white and black na armor robe. Hawak-hawak nito ang isang samurai. He lifted his emotionless eyes to look at the newcomer.
"They haven't listed their guild, yet?" tanong nito.
Umiling ang bagong-dating. "Ang alam ko ay hinihintay ni Halcyon na maglevel 20 ang kanilang kasama. Si Rio naman ay... hindi ko alam kung ano ang dahilan."
"I thought Irusu will be the first one to create a guild. Well, no worries." tumingin ito sa gilid. "Chaska, are there players worthy of our name?"
Lumabas mula dito ang isang babaeng may blonde na buhok. Nakasuot ito ng isang short brown and white croset dress na may dalawang large yellow rose sa ends. Nasa likod nito ang isang puti at dilaw na bow and arrow. She had a smug smile on her face.
"I found a priest, druid specifically, that is suitable for our party~" wika nito sa mabagal na boses.
"That's good. Should we go now?"
"So impatient as ever, Astro. Did that slayer player threaten you so much?" saad ng panibagong boses.
Nakaupo ito sa kabilang sulok ng kwarto. Ang napakalaking espada at kalasag ay nasa likod. Nakadekuwatro ito at may iniinom na alak. Magulong-magulo ang abo nitong buhok at ang asul na mga mata ay nakatitig lamang sa tatlo.
"Hindi ko hinihingi ang opinyon mo, Filter." delikado ang boses ni Astro. "Isa pa, that player's not the slayer... yet. Hindi ba't kailangan makapatay ito ng limang boss monsters bago makuha ng permamente ang titulo?"
Pwede pa rin itong makuha kahit na permanente na nga. Kailangan lang mas marami pa ang mapapatay na boss monsters ng mga player. Naningkit ang mata ni Astro. Ngunit ang kaniyang pinoproblema ay ang posibleng resulta na ito ang magiging kauna-unahang slayer.
Hindi iyon pwedeng mangyari.
"That's right~" pagsang-ayon ni Chaska. "I bet that player was only lucky. She can't kill three more in just a day~"
Hindi na lang sumagot si Filter sa kanila. Alam niya na ang ugali ng mga kasama. Hindi ito madaling sumuko. Lalo na si Astro na gagawin ang lahat upang makamit ang gusto. Hindi naman sa ayaw niyang makuha ni Astro ang titulo. Ang totoo ay ayaw niyang umalis sila kaagad dahil tinatamad siya.
Nailipat ni Filter ang tingin kay Ceres, ang mukhang bata nilang kasama, na hawak ang tiyan at nakanguso. Magkasing-edad lang sila pero parang bata talaga ito kung umasta.
"Gutom ka na, Res?" tanong niya. Naramdaman niya ang masamang tingin na iginawad ni Astro.
"Mm." tumango si Ceres habang nakanguso.
BINABASA MO ANG
Welcome, Player
Adventure[A VIRTUAL REALITY MMORPG STORY] An unsuspecting, online-game-hater finds herself inside the newly-launched Arth Online because of her brother's trickery. Despite her impatience to complete the required log-out level, her perspective on games might...