____________________
-chapter fifteen-"Our primary concern right now is Priamos, Hex' brother. We need to take him back."
[Town Central, City of Gaea—]
NASA KANAN ko si Feyre na busangot ang mukha habang ang blankong si Hiraeth naman ay nasa kaliwa ko. Yes, I had to walk between them because of their constant bickering. Okay lang sana kung kagaya ito ng bangayan nila ni Hex pero hindi. Hiraeth looked so pissed at Feyre na nakakatakot na.
"Are you really going with us?" tanong ko sa lalaki. Sumunod lang kasi ito sa'min.
He glanced at me. "Yes."
"Wala ka bang kasama?"
Hiraeth stared. "Yes. You."
Napakaganda talaga nitong kausap.
Hinayaan ko na lang siya at pinanood ang mabibilis na hakbang ni Hex. Medyo malapit na kami sa Cathedral at kanina pa siya lingon ng lingon sa paligid. Hindi naman namin siya matulungan dahil hindi namin alam ang itsura ng kapatid niya. The 'he wears armor' clue is not very helpful.
"Hex," tawag ko. "Hinayaan lang ba siyang umalis ng mga kasama niya?"
"Hindi. He made an excuse so that he can run away from them," lumingon siya sa'min. "He needs to get out now before they list him in their guild."
"Bakit?" tanong ni Feyre habang kumakain ng mansanas. "Anong problema kung makapasok siya sa guild?"
"More trouble. If he becomes part of their guild, getting him out will be harder. Baka dumami pa ang members at atakehin tayo. Then they'd use my brother as a hostage so that we can't fight back. It will be a quick defeat. It's better if we move now."
"Soro, aminin mo nga. Palanood ka ng drama, 'no?"
Hex sighed loudly. "At bakit naman naisip pa 'yan ng nag-iisang brain cell mo, pusa?"
"Ang lawak kasi ng imahinasyon mo. Pwede namang sabihin mo na kailangan mo nang makasama ang kapatid mo dahil miss mo na siya at worried ka-"
"Bakit? Ano bang mali doon sa paliwanag ko, ha, pusa? Tama naman na mangyayari 'yon ha!"
"Aba! Lumalaban ka na?! Poro! Kagatin mo 'to!"
Nauna akong maglakad at hinayaan silang magbangayan sa gitna ng kalsada. Sumunod si Hiraeth at sumabay sa paglalakad ko. Napakunot ang noo ko dahil sa matatalim niyang tingin sa suot kong cloak.
"What?" I asked when his stare did not waver.
"Why do you hide your beautiful face?" aniya.
I frowned. Bakit parang nagiging iba ang 'beautiful' kapag siya na ang nagsabi?
"Gusto ko lang."
Hiraeth frowned. "I don't like it. I can't see you."
Ngumiwi ako. Pinagsasabi nito?
"Ang arte mo-ah!"
I suddenly bumped into something hard causing me to lose my balance. Mabuti na lang at mabilis akong nasalo ni Hiraeth. His left hand supported my back to keep me from falling. Dahil sa pagkawala ng balanse ay nahulog ang hood ko. My white hair cascaded down. Instantly, I felt people's eyes on me.
Tumingala ako para tingnan kung ano ang nabunggo. I stiffened from the large figure that looms over me. Isa itong tao na nakapaloob sa isang malaking armor. May hawak itong isang malaking espada at isang sobrang laki ding kalasag. Instinctively, my feet took a step back. Napakurap-kurap ako lalo na nang gumalaw ito.
BINABASA MO ANG
Welcome, Player
Adventure[A VIRTUAL REALITY MMORPG STORY] An unsuspecting, online-game-hater finds herself inside the newly-launched Arth Online because of her brother's trickery. Despite her impatience to complete the required log-out level, her perspective on games might...