Chapter Forty: The Walls That Separates

5.2K 404 38
                                    

Solace hiding in her cloak. Huwag niyo po kasi siyang palibutan!

-chapter forty-
____________________

ISANG DAGUNDONG ang narinig sa buong dungeon. The walls vibrated and the stone ceilings trembled. Napakalakas ng pwersa na nagpayanig sa buong dungeon. But no one knows where it comes from.

"Hala. Hala. Hala..." kinakabahang sambit ni Feyre habang nakakapit sa haligi na sinasandalan. "Ano 'yon? Bakit parang ang lapit at tsaka nasaan na ako?!"

Dahil napagod sa paglalakad kanina ay sumandal siya sa isang pader. Gusto niya lang naman magpahinga muna at kumain ng mansanas, pero bigla itong gumalaw at nahulog siya patalikod, papunta doon. Before her friends could help her, nagsara na ang haligi at naiwan siya sa dilim. It was narrow that she can stretch her hands and feel the two walls. At kanina pa siya naglalakad dito ngunit parang wala itong katapusan.

"Poro, may nakikita ka ba?" tanong niya sa alagad kaagad na nag-hiss bilang sagot. She used the snake as her eyes on front dahil hindi masyadong maliwanag ang ilaw na nagmula sa cloak niya.

She frowned when she remember where she got it. Nascam siya nang merchant na 'yon! 100 gold pa ito! Sinabi sa kaniyang iilaw daw ang buong cloak kapag kailangan mo pero parang nagmukha lang siyang neon cloak ngayon! Hindi talaga mapapagkatiwalaan ang mga merchants!

The ceiling trembled again and the floor shuddered upon another powerful impact. Nahulog siya sa sahig dahil sa pagyanig ng paligid. May naisip na siyang tao sa likod nito, isang taong nahihirapang ikontrol ang lakas na lumalabas sa kaniya. Ngunit hindi niya alam ang dahilan kung bakit ito gagawa ng ganoong atake.

Kailangan niya nang makabalik sa kanila.

"THERE'S NO other person who can deal this much damage," sambit ni Hex habang nakatingin sa gumagalaw na ceiling. "It's Sol..."

"Malay mo si Astro 'yon, nakita si Apo," sagot ni Voldmir.

"Mula iyon sa pinanggalingan natin. Huwag mong sabihing nandoon din si Astro?"

Minerva gasped. "Paano po if that was Ate Sol and the berseker guy?"

"E'di may nasira na..."

"Kuya! Kuya!" tawag ni Priamos na nasa likuran nila. Lumilinga-linga ito sa paligid. "Hindi na po sumunod si Kuya Hiraeth!"

Napahilamos si Hex ng mukha. Unang nawala si Feyre, sunod si Sol at ngayon naman wala na din si Hiraeth sa grupo nila. Tumingin siya sa apat na nakatitig sa kaniya.

"Don't stray from the path and don't lean on the walls, okay?" paalala niya. "Malapit na tayo."

"Hindi... ba talaga natin... sila tutulungan...?" tanong ni Vesta.

Napabuntong-hininga si Hex. "Gusto ko din naman silang tulungan pero hindi natin alam kung nasaan sila ngayon. Hindi din natin mabuksan ulit ang mga pader. Sa ngayon ay kailangan nating bumalik at mahahanap din natin sila mamaya. They're all capable of defending themselves."

The last thing he wants is them to be even more seperated. Feyre will always find a way back and Sol has nothing to be afraid of. Si Hiraeth naman ay hindi niya masyadong kilala pero malalaman ang lakas nito sa tingin pa lang. Kaya nagtitiwala siyang makakabalik ng buhay ang mga ito.

Welcome, PlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon