-chapter twenty-five-
____________________"Make this your lesson, 'kay guys? Don't break or destroy anything next round. And avoid accidentally killing people."
[Diner, City of Gaia—]
IT WAS an indisputable win by the Night Growlers. Truly, they are the number one guild in Central. Kahit na wala ang guild at deputy leader nila ay naiuwi nila ang panalo.
"They didn't even have to break something." Voldmir commented while we were eating.
Ngumuso ako. "I told you guys already. I didn't mean it."
"Pero, Ate, you're so strong po! Imagine po 'yong nasira ninyo! Wow!" Minerva failed in cheering me up.
Umismid ako at tumayo. My members just laughed at me. Akala ata nila nagd-drama lang ako. Kaya naman nabahala sila nang talikuran ko sila at naglakad.
"Ate! Si Minerva at Voldmir ikick mo na po sa guild, huwag niyo lang po kaming iwan!" Priamos cried loudly.
"Kasalanan niyo 'tong dalawa! Dahil sobrang ingay niyo at hindi kayo matahimik! Oo, there's nothing wrong with telling the truth pero kung aalis lang naman si Sol, magsinungaling na lang kayo," parang mawawalan ako ng malay sa pinagsasabi ni Feyre. "Ika nga nila, think before you speak! Kaya isipin niyo muna ang mangyayari bago kayo magsalita! Kahit totoong kasalanan ni Sol na nasira ang stage at maraming namatay at malapit na tayong madisqualified-"
Hex covered her mouth. "Tama na. Tama na. Pinapalala mo lang ang gulo... Saan ka pupunta, Sol?"
"Iiwan... mo na... kami?" tanong ni Vesta.
I gave them a tired look. "Restroom lang ako."
Natigilan silang lahat. Natulala naman ang mga tao dahil sa ingay na ginawa namin. Si Feyre na tumayo na sa upuan niya ay biglang umupo ulit at pinagpatuloy ang pagkain. Si Hex na hahabulin sana ako ay natestatwa sa kinatatayuan. Si Priamos na umiiyak ay biglang nagpunas ng luha. Si Minerva na nakatayo ay biglang umupo. Si Vesta na may hawak na pagkain at itatapon sana kay Voldmir ay kinain na lang iyon. Si Voldmir naman na lumuluhod at nakadikit ang palad ay bumalik sa pagkakaupo.
"Grabe, akala ko talaga ang guild name lang nila ang weird. Sila din pala..."
"Kahit nga makipaglaban eh sobrang weird nila! Nakita mo ba 'yong ginawa nila sa prelim? Kahit si Astro nabato!"
"Pero ang gaganda at ang gu-guwapo nila~"
"At iba talaga ang ganda ni Solace! Gosh! Isang tingin lang at busog na ako!"
"Napakalakas pa! Tamang-tama talaga sa kaniya ang Goddess of War na nickname!"
"Dancing Desctruction din!"
Napabilis ang lakad ko nang marinig ang pinag-uusapan nila. Seriously? Sino ang nakaisip ng mga pangalan na 'yon? And they told me that I'm bad at names. But Oddcredibles is a good name. It's the very name that can describe us. Tch, wala lang silang creativity.
Impit akong napahiyaw nang may humablot sa kamay ko. I was immediately enclosed in a warm embrace. The arms that held me were strong and familiar. Pero hindi ko makita ang itsura niya dahil sa dilim at tangkad. He smells and feels really familiar!
"Solace?" narinig ko ang boses ni Halcyon. "Beautiful elf?"
Bigla na lang lumabas si Halcyon at lumilinga-linga sa paligid. May sumunod pa sa kaniyang tatlong lalaki na pamilyar din pero hindi ko maalala ang pangalan. Halcyon faced them with an annoyed face after looking around.
BINABASA MO ANG
Welcome, Player
Adventure[A VIRTUAL REALITY MMORPG STORY] An unsuspecting, online-game-hater finds herself inside the newly-launched Arth Online because of her brother's trickery. Despite her impatience to complete the required log-out level, her perspective on games might...