Because we reached 500 reads, I prepared a special chapter narrated by our feisty cat, Feyre! Ano nga ba ang ginagawa nila kapag wala si Solace?
-special chapter-
• Feyre •
____________________KINAGAT KO ang ibabang labi at sumulyap sa likod. Nakatayo ako sa isang sanga at natatago ng malaking kahoy. Behind me is Voldmir who's busy looking around the place. May itinatago ito sa likod niya na gusto kong malaman kung ano. Kanina pa ito nagiging weirdo, at isa iyong weird na bagay dahil weird na nga siya at naging weird pa. At dahil ako ang dakilang si Feyre, ang pinakamagaling na rogue dito sa game, maniwala man sila o hindi, hindi makakalampas sa'kin ang tinatago niya!
Walang may matatago sa'kin! Dahil lagi ko silang minamanmanan. Nyahahaha-
"You're being a creepy stalker again, pusa." isang nakakairitang boses sa aking gilid.
Sinamaan ko ng tingin ang pesteng soro na sunmunod sa'kin. Nakita niya akong tahimik na naglalakad para sundan sana si tatlong mata, kaya naman sumama siya! At wala na siyang ibang ginagawa kung hindi ibuka ang bibig at magshare ng opinion na hindi ko naman hinihingi!
"Pakialam mo?" pabulong kong singhal. "Sasama-sama ka na lang, soro, puro ka pa reklamo! Pasalamat ka nga hinayaan kitang sumama!"
"Salamat." mabilis niyang sagot kaya hinampas ko siya sa balikat.
Binalik ko ang tingin sa ama ni Cerberus na nasa ilalim. He breathed a sigh of relief after seeing that no one is around. Ha! Akala niya! Mabuti na lang at mataas ang stealth ko kaya hindi niya ako napansin. Akala niya din siguro sa soro na ito na isa lamang ito sa mga hayop na nasa gubat.
Unti-unti niyang inilabas ang itinatago sa likod kaya hinanda ko ang chains. At nang maliwanagan ng sikat ng araw ang bagay na iyon, ay tumulo ang laway ko at agad akong sumunggab! I threw my chain-dagger at the apple in his hand, my knife piercing through the fruit. Dumaan ang gulat sa mukha niya at agad akong tumalon pababa.
"Oh shit!" sigaw niya sa takot at gulat.
I laughed loudly when my feet landed on the ground. Binawi ko ang chain-dagger at nilaro-laro ang mansanas na nandito. It looked so delicious with it's color that's as red as blood.
"Come on!" reklamo ni poorito. "That's my apple!"
With a blank face, I raised it near my mouth and took a bite. "Not anymore."
Ang saraaap niyaaa! I almost purred when the delicious apple juice travelled down my throat! Sigurado akong isa ito sa mga special apples sa market na nagkakahalaga ng fifty gold!
Yes, bruh! I saved a whole fifty gold and got to eat a special apple! Praise my teammates with golden hearts.
"Sana sinabi mo na lang na gusto mo palang kumain ng mansanas, pusa." siyempre, lalabas ang ever-killjoy na healer. "Hindi mo naman kailangang magnakaw sa iba."
"Hex! Fifty gold din 'yon!" reklamo ng ambisyosong hari ng underworld sa soro. "Ang mahal ng mansanas na 'yan tapos kukunin niya lang?!"
"It's called training," sagot ko habang ngumunguya.
Sinamaan niya ako ng tingin. "Isusumbong kita kay Sol."
Natigilan ako. Solace is not here because of her school matters and that made this day boring for me. Kaya naman naisipan ko na lang na pagtripan ang ibang mga kasama. Voldmir will surely complain to Solace because he's a brat, and there's Hex as witness because he's a bastard. Kaya naman magagalit sa'kin si Solace.
BINABASA MO ANG
Welcome, Player
Adventure[A VIRTUAL REALITY MMORPG STORY] An unsuspecting, online-game-hater finds herself inside the newly-launched Arth Online because of her brother's trickery. Despite her impatience to complete the required log-out level, her perspective on games might...