Say hello to Voldmir! Iyang tatlong mata sa likod niya ang ginamit niya noon sa prelims. At, opo, nakapaa lang po siya kasi wala na po siyang pera pambili ng sapin.
-chapter thirty-six-
____________________"I know a shortcut," suhestiyon ni Hiraeth. "I want to come with you and I know a shorter route."
WE LOOK like a bunch of kindergartens on our first field-trip.
Astro agreed to Hiraeth's addition in our party. Dahil sa may alam itong mas mabilis na daan. Kaya naman dumadaan kami sa gitna ng gubat ngayon patungo sa Takara. Leading the way was Astro's guild, naguusap sila ng sila lang. Sa kaliwa ay ang mga kaibigan ni Halcyon na ang ingay. At sa kanan ay ang party ni River na may kanya-kaniyang ginagawa. Nakasunod naman kaming walo sa kanila, hindi naglalakad at nakasakay sa isang malaking magic carpet.
"I can show you the world~" kanta ni Feyre at ibinukas ang mga kamay.
"Shining, shimmering, splendid~" kanta din ni Voldmir na nasa tabi niya at feel na feel ang hangin.
Lumingon si Feyre sa'kin. "Tell me, princess, now when did you last let your heart decide~?"
Natatawa akong napailing. Kanina pa nila kinakanta ang 'A Whole New World'. Simula nang makita namin si Priamos at Minerva na hinahabol ng isang carpet. Nalaman na lang namin na isang special type of mount pala ito.
"Saan mo ba ito nakuha, Priamos?" tanong ko. Napapasulyap na sa'min ang mga nasa unahan dahil sa live karaoke at sa sinasakyan namin.
"Doon po sa binigay niyong Celestia ticket!" sagot niya.
"Mataas siguro luck mo, Priamos?" si River. "Ang alam ko 200 ang pinakamataas na luck points. At baka pwede kang makakuha ng ganiyang klaseng mount kung gano'n."
"Hindi po. 103 lang po luck points ko." sagot ni Priamos.
Napakurap-kurap si River. His habit when he's shocked. "Woah. Bakit ako na 120 ang luck points, potions lang nakukuha?"
"Inubos mo na daw kay Nirvana," malakas na komento ni Halcyon. My twin then proceeded to glare at him by the mention of his pet.
"Dahil ginamit niya ang Celestia tickets ni Sol," tugon ni Feyre habang naglalaro ng imaginary baseball. "Alam niyo naman ang luck ng isang 'yan, 270 points."
"270?!" pasigaw na tanong nila at tumigil pa sila sa paglalakad.
"Woah, the highest luck points I knew was Filter. 189 points..." komento ni Ceres. Ang necromancer ng Night Growlers. "Then, Astro with 176 points..."
"Kaya pala high-ranked mga equipments mo. Your drop must be a real envy." wika ni Irusu.
"That's like the highest luck ever," may pait sa tono ni Chaska. "Must be hard for your rogue who has the worst luck and charisma."
"What are you talking about po?" maarteng sabi ni Minerva. "Ate Feyre's luck is higher than your guild leader."
Feel ko isa na kami sa mga guilds na may highest guts. Noong nakaraan, may paghanga pa sa mga mata ng kasama ko kay Astro. Ngayon wala nang takot ang mga ito kahit sa harap ng lalaki.
BINABASA MO ANG
Welcome, Player
Adventure[A VIRTUAL REALITY MMORPG STORY] An unsuspecting, online-game-hater finds herself inside the newly-launched Arth Online because of her brother's trickery. Despite her impatience to complete the required log-out level, her perspective on games might...