8

1.2K 63 4
                                    

Kinabukasan

Nasa avr room kami kung saan dito nagmi-meeting ang mga officers. Tapos na ang iba sa presentation nila kaya kami na ni Bei. Prinesent namin yung naisip namin. At dahil nandito si Megan hinayaan kong magsalita si Bei pero madalas ako ang nag eexplain.


Nag uusap usap sila kung iaapproved ba ang proposal namin nang biglang magtanong si Megan.



"Deanna will be there right?" Sabi ni Megan. Napatingin ako kay Bei na biglang nagbago ang mukha nakasimangot na siya. Bakit ba kasi lahat nalang si Deanna ang gusto.






"Y-Yes Tulad ng sabi ko sainyo she will be there." Napatili naman ang OMG girls dahil sa sinabi ko.



Bumulong sakin si Bei. "You told them na nandon si Deans?"




"O-Oo kaya pumayag sila na sumali sa booth natin." Alanganin akong ngumiti sakanya iiling iling naman si Bei sakin.



"The heck J! Hindi papayag si Deans paano yan? Hindi yan pipila sa booth natin para magbayad at humalik sa OMG girls!" May point si Bei ayaw naman talaga ni Deans pero wala e para sa booth namin gagawin ko lahat bahala na kung anong mangyari.



"Alam ko okay? Ako na bahala." Sabi ko sakanya kaya bumuntong hininga nalang siya.



Tumaas nang kamay bigla si Nerd Enzo isa sa officer kaya tinanguan ko lang ito giving him permission to asked.



"So Jema kasama ka rin ba sa kissing booth?" Tanong ni Enzo na nakangiti at taas baba pa ang ginagawa sa kilay niya rinig ko naman ang munting tawa ng katabi ko kaya siniko ko siya. Tsaka ako humarap kay Enzo para sagutin ito. "Bei and I will operate the booth kaya hindi kami pwedeng isali."



After nang proposal namin naapproved na nga siya tulad ng sinabi sakin ng OMG girls. Naglalakad kami ni Bei papunta sa field kasi may practice umalis lang ako saglit. Tahimik siya habang naglalakad kami.





"Hey bro are you okay?" Sabi ko sabay akbay sakanya medyo naka tiptoe na nga ako kasi ang tangkad niya. "I'm okay ano ka ba." Sabi naman niya.




"Alam mo hindi ko maintindihan kung bakit ang daming nagkakagusto sa kapatid mo. Alam mo yun? Mahilig makipag away in and out of school, player tapos masungit pa." Alam ko because of Deanna's popularity din dito sa school and ofcourse sa pagiging goodlooking niya. Nagiging gender bender pa siya.




"Because of her bad image kaya gusto siya ng lahat. Alam mo naman ngayon mga bad boy bad girl ba ang hanap. Pero okay lang naman sakin kahit si Megan magkagusto rin sakanya basta ba wag lang ikaw." At doon ako napahinto sa sinabi niya. Hindi ko alam pero the more na hindi ko sinasabi sakanya na crush ko si Deanna ay parang mas nagkakasala ako kay Bei.



Mabuti nalang at nasa field na kami kaya may rason ako para di sumagot sakanya. Nagpaalam na siya sakin kasi may class pa siya ako naman ay wala na training ko nalang. Naglalakad na ako palapit sa mga teammates ko.




"Capt! Abi can't make it today may sakit." Sabi ni Elle isa sa teammates ko. Binaba ko ang bag ko sa tabi ng bag nila sa lapag nang field.







"It's okay valid naman ang reason niya." Kinuha ko ang pang ipit ko para magtali nang buhok. Nang matapos ako ay tinawag ko na sila.





"Form a circle girls warm up na tayo!" Sumunod naman agad sila sakin. Madali naman silang pasunorin e. After mag warm up tumakbo kami ng sampung beses sa oval. Pagkatapos ay pagod na pagod agad sila warm up palang nga.




Kissing BoothTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon