Mag dadalawang linggo na akong nakatigil lang sa bahay. Hindi ako lumalabas alam kong nagtataka na rin si Dad pero hindi siya nagtatanong sakin. Si Deanna text parin nang text noong unang linggo pero netong nakaraan ay hindi na.
Pumunta pa siya dito sa bahay at kinausap ang daddy ko at sinabing gusto niya akong makita at makausap pero sinabi ko kay Dad na paalisin na muna siya.
Sa unang pag kakataon ay nag open din ako nang social media accounts ko. Marami akong namiss tulad nang birthdays nang mga kaibigan ko, teammate ko at kung ano pang event pero hindi ako pumunta.
Maraming beses ko rin sinubukang kausapin si Bei pero masyado siyang mailap kahit isang text o tawag ko ay wala siyang sinasagot. Kaya pinilit kong huwag na muna gumamit nang phone kaya ayon ang nangyari.
Ngayon na nga lang ulit ako lumabas. Inaliw ko ang sarili sa paglalaro sa arcade ngayong araw. Mag gagabi na rin pero hindi pa ako umuuwi nandito ako sa paborito namin ni Bei na ice cream parlor. Namimiss ko na siya lalo na si Deanna. Alam kong naging selfish ako kasi hindi ko manlang naisip ang nararamdaman ni Deanna, siguro dahil alam kong naiintindihan niya ako.
Nakatulala at nakapangalumbaba lang ako habang nakaupo at kumakain nang ice cream. Ni hindi ko nga naririnig ang mga ingay sa paligid ko. Parang ako lang ang tao dito sa mall. Ganun siguro kapag marami kang iniisip.
"Rule #16 if your best friend is angry, just give her ice cream to make her feel better." napatingin ako sa taong nagsalita at naupo sa harapan ko. "Where is my ice cream?" inilahad niya ang palad sakin na hinihingi nga ang ice cream niya.
Saglit akong natahimik, nagugulat kasi ako sakanya. Ang daming tanong sa isip ko kung bakit siya nandito. Kung galit parin ba siya sakin.
"Titingnan mo nalang ba ako? Kung nandito ang kapatid ko nasapak na ako non." Tumayo ako agad at umorder nang paborito niyang flavor nang ice cream.
Habang iniintay yun ay doon lang nag sink in sa isip ko ang huli niyang sinabi. Napangiti ako nang konti sa naiisip ko.
Pagbalik ko sa table namin ay ibinigay ko sakanya agad ang inorder ko at tsaka ako naupo ulit. Ngiting ngiti siya na parang bata na napagbigyan sa request niya.
Pinanooran ko siyang kumuha nang isang scoop nang spoon sa cup nang ice cream niya at sinubo niya ito. Pikit mata niyang ninamnam ang lasa nang ice cream niya. Doon ko napansin ang pasa sa gilid nang labi niya. Hindi ito mapula medyo ube na maitim ang kulay pero hindi na ganoon kahalata sa malayo. Sa tingin ko ay may ilang araw na ang pasa niya.
"Ahh.. this is sooo good. Thanks J." napangiti ako nang nakangiti niyang sabihin yon sakin. Feeling ko ang tagal kong hindi nakita sakanya yon. "I haven't been in this mall since.. you know what happened."
Bahagya akong napatungo kinagat ko ang labi ko at tsaka nag angat ulit nang tingin sakanya. "I'm sorry Bei.. I didn't mean to.."
She cut me. Hinawakan niya ang kamay ko na nasa ibabaw nang lamesa at sumenyas na tumahimik ako.
"Naiintindihan na kita. I was so selfish when it comes to you." ngumiti siya nang mapait. "Sa lahat kasi nang meron ako ikaw ang pinaka pinahalagahan ko. Kaya ganun nalang siguro ako nagalit nang malaman kong kayo na nang kapatid ko."
Pinagmamasdan ko lang siya habang seryoso sa sinasabi niya. Gusto kong magsalita pero parang walang gustong lumabas sa bibig ko.
" I admit na nagkamali rin ako kasi hindi ko manlang naisip na hindi habambuhay ako nalang palagi ang kasama mo. Na hindi habambuhay ay saakin lang iikot ang mundo mo." huminga siya nang malalim. "You know naman how jealous I am with my sister. She has everything... pati ikaw nasa kanya na."
BINABASA MO ANG
Kissing Booth
FanfictionThis story is based on the movie that I watched. For me it's cute so I try to write a story about it. Binago ko lang po ang version ginawang GxG. Kung may wrong grammar, typhos and any kind of error please bear with me people! Hope y'all like this...