25

1K 71 5
                                    

"1.2.3.. left.. right iikot ako then saluhin mo ako." Umikot nga ako at pagkasalo niya sakin ay nabitawan niya ako. Kaya napahiga ako sa apakan nang dance machine.


"Sorry..Sorry." Pailang ulit na niya akong nalalaglag. Tinulungan ako nitong tumayo.

"Sinasadya mo na yata Beatriz! Baka bago tayo makabuo nang steps sa sayaw eh puro pasa na ang abutin ko."

"Sorry na nga.. hindi ko lang masabayan  ang bilis mo." Sabi niya habang kakamot kamot sa ulo.

"Tss.. isa pa." Inulit namin ang steps hanggang sa siya naman ay natapilok. Ang tagal niyang bago makatayo nakahiga siya tapos hawak hawak ang paa niya

Kaya naman agad ko itong nilapitan at inalalayan tumayo. Tapos inupo ko siya sa may apakan nang dance machine.

"Akin na yang paa mo iistretch ko." Itinuwid niya ang paa niya para mai-massage ko nga.

"I'm sorry hindi na nga ako makasayaw nang ayos nasprain pa paa ko." Malungkot niyang sabi habang minamasahe ko ang paa niya. "Paano na yung competition para sa pang college mo?"

Tumabi ako sakanya matapos kong imassage ang paa niya. Hinawakan ko ang buhok niya at ginulo.

"Okay lang yun, mas mahalaga ka sakin ayoko namang pilitin mo pa ganyan na nga ang paa mo." Sandali kaming natahimik pareho. At bigla naman siyang tumingin sakin nang nakakaloko.

"I know someone na makakatulong sayo at isa pa sure win ka dito."

Kunot noo ko itong tiningnan "Sino naman aber?"

"Si Lj." Nakangiti nitong sabi na agad kong inilingan.

"Oh! Come on Bei you know how I hate that LJ." Sabi ko sabay tayo para ilagay sa bag ko ang hydro flask ko.

"Basta trust me akong bahala."

Inilingan ko lang ito at itinayo ko na siya para alalayan sa pag uwi namin.



Ang buong weekdays ay mabilis lang na lumipas. Halos paulit ulit lang ang ginagawa sa school. At ngayong araw ang pinakahihintay ko.

Flight

Inihatid ako ni Bei sa airport, ngayon kasi ang flight ko patungo sa boston. Hindi na ako nagpahatid pa kay Dad dahil busy rin ito at isa pa two nights lang ako doon. Hindi pwedeng mag tagal dahil sa may pasok ako at ganun din si Deanna.

"Take care J, balik ka kaagad ha." Sabi nito habang nakayakap sakin. Humiwalay ako at pinalo siya nang mahina sa balikat.

"Sira! Di pa nga ako umaalis balik agad ang iniisip mo?" Ganyan naman yan eh madrama. "May Jho ka naman di ba spend your weekends with her habang wala ako."

Tumango siya at nagpaalam na kami sa isa't isa dahil pasakay na rin ako sa eroplano ko.

Buong byahe akong tulog dahil sobrang haba nito. Kung hindi man ako tulog ay sa labas nang bintana ako nakatingin. Mabuti nalang at hindi ko first time ito dahil kung nagkataon ay mahihirapan akong bumyahe mag isa.


Hindi nagtagal ay nakalapag na kami sa boston. Pagdating sa airport sa loob ay kaliwa't kanan ang nakikita kong nagiintay sa mga kaanak o kaibigan nilang papalabas nang airport. Iginala ko ang paningin ko hanggang sa dumapo ito sa isang taong nakasandal sa may sementadong poste.


Nakahalukipkip ito habang nakasandal ang kaliwang balikat sa poste. May hawak itong maliit na placard na may nakasulat.

Welcome to Boston Jessica.

Kissing BoothTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon