9

1.1K 57 2
                                    

I'm here in Bei's car papunta kami sa school. Akala ko sesermonan ako nito dahil nawala ako bigla sa party kagabi pero mukhang alam naman niya yung nangyari kasi di siya nagtatanong.



Pumikit lang ako kasi antok na antok
pa ako. Hindi ako nakatulog nang maayos kagabi dahil sa kakaisip sa ginawa ko kay Deanna. Anong mukha ang ihaharap ko sakanya kapag nakita ko siya.



Di ko na namalayan na nakatulog ako sa kotse ni Bei. Nagising lang ako sa pagyugyog niya sa balikat ko. Nakababa na siya sa sasakyan nasa may pinto ko siya.




"Get up J nandito na tayo sa school kanina pa kita ginigising." Sabi niya. Kinusot kusot ko ang mata ko bago tumingin sa relo ko nanlaki ang mga mata ko kasi nag sisimula na ang klase.




"Oh my god Bei bakit di mo sinabing late na tayo." Sabi ko habang sinasakbit ang bag ko naglakad na kami papunta sa classroom ko.



"Hello! Kanina pa kita ginigising jan. Mukha kang panda Jema hindi ka ba natulog?" Sabi niya habang nakatingin sakin.



"Nag LBM ako kagabi kaya di ako nakatulog." Pagsisinungaling ko. Di ko naman pwedeng sabihin na dahil sa kiss di ba? Ano nalang iisipin niya.




Nang makarating ako sa tapat ng pinto nang room ay huminga ako ng malalim bago ako nagknock at pumasok. Lahat sila nakatingin sakin pati ang prof ko.



"You're late Ms. Galanza." Sabi ng prof ko. Kinagat ko ang pang ibabang labi ko . "I'm sorry Ma'am, I over slept hindi na po mauulit."




"take your seat." Whooh!! Buti nalang goodmood ang prof namin.



Pagkatapos nang boring na klase ko ay nasa cafeteria na ako ngayon binilisan kong makaalis sa room dahil kay Deanna. Iniiwasan ko siya kasi nahihiya ako sakanya. Hayy.




"Hoy kanina kapa tulala Jema ano problema mo bro?" Sabi ni Bei kasama ko siya ngayon kumakain kami dito sa cafeteria.




"Wala ano naman proproblemahin ko bukod sayo?" Sabi ko sakanya sabay subo sa chicken.



"Ewan ko sayo. Pero maiba ako wala ka bang nagugustuhan dito sa school?" She asked me kaya halos mabulunan ako sa kinakain ko.




"H-Ha?" Pagmamaang maangan ko.



"Hakdog!" Sabi niya tapos may kinawayan siya sa may bandang likod ko. Tapos naramdaman kong may nakatayo sa may gilid ko.



"Dito kana kumain." Sabi ni Bei sa taong nasa gilid ko. Busy ako sa kinakain ko kaya di ko ito tinitingnan.



"Sure." Sagot nang kausap niya at doon ako napaangat ng tingin. Wat the pak! Bakit nandito si Deanna!!



Pagkaupong pagka upo niya sa tabi ni Bei ay agad akong tumayo at nagpaalam.



"Gotta go may tatapusin pa pala ako! Bye!" Sabi ko sabay dali daling alis sa cafeteria. Dumiretsyo nalang ako sa office nang dance club. Hindi ko ba nasabi sainyo na officer kami ni Bei sa dance club? Kaya kami nag iisip ng booth para sa fundraiser.




Kissing BoothTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon