16

1.2K 78 11
                                    

Alas sais nang hapon nang makauwi ako sa bahay mula sa laro nila Deanna. Ngayon ay nakahiga na ako sa kama at nagpapahinga na nang biglang mag ring ang phone ko. Basta ko nalang dinampot sa side table nang kama ko ang phone ko.

"Oh!!" Sigaw ko dito nang hindi manlang tinitingnan kung sino ito.


"Are you shouting at me?" Laking gulat ko nalang nang magsalita ito. Napaupo pa ako sa kama ko at tsaka saglit na tiningnan ang caller kung sino. Si Deanna.


"H-Hindi. Ano ba kasing kailangan mo bakit ka tumawag?" Nakaupo na ako habang pinapaikot ikot ko sa daliri ko ang hibla nang buhok ko.


"Just wanna remind you about our date I'll text you the dits." Medyo naexcite naman ako dahil sa sinabi niya. First time niya yata akong ayain para sa date. Kumakain na rin kami nang magkasama pero kasama namin si Dad at ang parents at kapatid niya so hindi yun date.



"Hoy nakikinig ka ba Jessica?" Sigaw nito kaya napairap ako sa kawalan. Kahit kelan basag imagination ang loko.


"Oo wala kana bang sasabihin?Ibababa ko na." Papatayin ko na sana nang bigla siyang magsalita ulit.


"Iba ka talaga no? Ako na nga itong ultimate crush mo ang tumawag sayo hindi ka manlang masaya?" Ewan ko ba kahit kailan napakahangin niya. Hindi ako umimik kaya narinig ko ang buntong hininga niya.


"Hey don't you dare let me stood up on our date..." hindi na niya natapos ang sasabihin niya dahil pinatay ko na ito. Ang dami niyang sinasabi akala mo naman hindi masungit.


Nahiga na ulit ako at ilang minuto lang nagtext siya at ang daming sinabi dahil sa ginawa kong pagbaba sa tawag. Hindi ko ito nireplyan kaya nang suko na siya ay itinext nalang ang Dits para sa date kunno namin.




Kinabukasan

"Morning Dad." Salubong ko kay Daddy nang makarating ako sa dining area namin. Nagkakape siya at nakatutok sa laptop ang mata.

Lumapit ako at humalik sa pisngi niya tsaka ako naupo sa kabilang dulo nang table.

"Kamusta ang League niyo?" Saglit pang lumingon si Dad sakin matapos magtanong at tsaka ibinalik ang tingin sa laptop niya habang sumisipsip sa kape niya.


"Guess what Dad?" Nakangiti ko siyang tiningnan yung sobrang lapad na ngiti. Itinuon ko pa ang dalawang siko ko sa table at tsaka ipinatong sa magkabila kong palad ang pisngi ko.


Tumingin sakin si Dad nakangiti narin ito. "Still the MVP??"

Marahan akong tumango at ngumiti ulit. Tumayo si Dad at lumapit sakin tsaka ako ginawaran nang yakap at halik sa tuktok nang ulo ko.

"I'm so proud of you Anak." Ang swerte ko sa kanya. Sobrang maalaga si Dad at lahat ibinibigay sakin.

"Thanks Dad." Bumalik na ulit ito sa puwesto niya at busy na ulit sa ginagawa niya.

Bigla kong naalala yung date na sinasabi ni Deanna. Kailangan ko nga palang magpaalam sakanya. Kagat ko ang pang ibabang labi ko habang nakatingin kay Dad na napapakunot pa ang nood habang may kung anong binabasa o tinatype sa kanyang laptop.

Mabait ang tatay mo Jema kaya yan.

"Dad?" Malambing kong sabi dito. Syempre kailangan maglambing sa mgulang kung magpapaalam di ba.

"Mm?" Yan lang ang tanging sagot niya nandoon parin sa ginagawa ang paningin.

"Aalis po ako mamaya, sa labas po ako magdidinner."

Kissing BoothTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon