17

1.2K 72 7
                                    

Back to school na ulit kami matapos ang League. Nakakapanibago pero masarap sa pakiramdam na girlfriend na ako ni Deanna ngayon. Hindi man namin ipinapaalam sa iba lalo na sa pamilya namin pero masaya kami pareho.

Napag usapan kasi namin na huwag ipaalam sa iba ang relasyon namin. Humingi ako nang panahon sakanya para ipaalam kay Bei, sa ngayon kasi ay hindi ko pa kayang sabihin sakanya kaya lowkey muna kami.


"Jema nandito na ang sundo mo!" Sigaw ni Dad kaya dali dali na akong bumaba tsaka ako humalik sa kanya para magpaalam.

Lumabas ako at dumiretsyo sa sasakyan ni Bei.

"Wow blooming ka yata ah." Bungad niya sakin nang makasakay ako sa shot gun seat. Ngumiwi lang ako at lumapit sakanya para magbeso.


"Ghad Bro ngayon mo lang ba napansin? Tsk tsk." Flinip ko pa ang buhok ko kaya tumawa naman siya at iiling iling na pinaandar ang sasakyan niya.


"Wait.. hindi mo ba susunduin si Jho?" Sumulyap siya sakin at ngumiti.


"Hindi, ikaw ang sinundo ko di ba?" Nag away ba sila? Tsk. Sabagay siya talaga ang service ko tuwing uuwi at papasok.



"Pero girlfriend mo siya d-dapat siya ang sinusundo mo. Ayos lang naman ako kung mag cocommute o magpahatid kay Daddy." Seryoso kong sabi sakanya. Nangunot ang noo nito at sumulyap sakin bago siya magsalita.


"Yan ang hindi pwede J. Mas pipiliin kong si Jho ang mag commute kaysa ikaw. Best friend kita at girlfriend ko lang siya mas mahalaga ka sakin." Nagulat ako sa sagot niya. Alam kong seryoso siya sa sinabi niya dahil ramdam ko yon. Bigla akong nakaramdam nang guilt. Hayys.



Tumahimik na ako hanggang makarating sa school. Pagbaba ay naghiwalay na rin kami iba na kasi ang way niya kaysa sakin. Ihahatid pa sana ako nito sa room ko pero tumanggi na ako. Habang naglalakad ako sa hallway ay may mga tumitingin sakin at bumabati tanging pagkaway at ngiti lang ang naiganti ko.



Dumaan ako sa locker ko para kunin ang ibang libro ko na gagamitin. Iba pa yung locker ko para sa mga books kaysa sa locker ko sa football baka lang kayo nalilito hehe. Binuksan ko ang locker ko at inilagay na sa bag ang gagamitin ko. Pagkasara ko dito ay bumungad ang mukha ni Deanna na nakasandal sa locker. Ang lawak nang ngiti niya.



"Hi baby I miss you." Malambing niyang bati sakin. Napangiti ako habang inila-lock ang pinto nang locker ko at tsaka ako tumingin sakanya.


"Anong ginagawa mo dito? Baka may makakita satin." Pasimple pa akong lumingon sa likuran ko at sa likuran ni Deanna. Nakahinga lang ako nang maluwag nang wala akong makitang dumadaan dito.


"Hindi mo ba ako namiss?" Nakapout na siya kaya naman natawa nalang ako. Hinawakan ko nang dalawang kamay ko ang pisngi niya at pinisil yun.


"Ang cute cute mo talaga Deanna." Laking gulat ko nang hawakan ni Deanna ang magkabila kong kamay na nasa mga pisngi niya. Dahan dahan niyang inaangat ang mga kamay kong hawak nang dalawang kamay niya at tsaka idinikit sa labi niya para halikan. Ginagawa niya yon nang hindi inaalis ang tingin sakin.

Hindi na ako nakapagsalita yung mga ganito niyang moves ay ang laki nang epekto sakin.

"Gusto kitang ihatid sa room mo pero alam ko namang hindi ka papayag." Ngumiti siya tsaka binitiwan ang kamay ko. "I'll go ahead, see you around baby."


Kumindat pa siya bago umalis. Tinanaw ko ang likuran niya habang naglalakad palayo sakin. Doon lang ako nagkaroon nang pagkakataon para huminga. Bwisit na Deanna huhu.


Kissing BoothTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon