Nasa living room kaming lahat. Magkatabi kaming nakaupo sa isang sofa ni Deanna may maliit na espasyo sa gitna namin na parang takot kaming magdikit pareho dahil sa mga tingin nila saamin.
Sa harap namin nakatayo si Daddy at si Tito. Sa kanang bahagi sa single sofa ay nandoon si Tita at sa kaliwang single sofa ay si Bei na kanina pa nakangisi at parang nagpipigil nang tawa.
Natapos ang pakikiramdaman namin nang tumikhim si Tito. Seryoso siyang nakatingin kay Deanna.
"Mayroon ba kaming hindi nalalaman tungkol sainyo?" Pag uumpisa ni Tito. Hindi ko alam kung dapat ba akong sumagot.
"Baby tell us the truth please." si Tita naman ang nagsalita. Bakas sa mukha niya ang excitement.
Si Daddy naman ay tahimik na nakamasid samin. Hindi naman na niya kailangan magtanong dahil alam na niya diba. Naramdaman kong dumikit sakin si Deanna.
"Mom, Dad... Bei and Tito.." tiningnan niya ang lahat nang may pag galang. Tumayo siya at inilahad ang kamay niya sakin.
Nginitian niya ako at tinanguan and she mouthed "it's okay baby". Kaya naman hindi na ako nag pabebe pa at iniabot ko ang kamay ko sakanya at tsaka ako tumayo.
"This is Jessica Margarette Galanza my girlfriend and soon to be wife." sa pagkakasabi niya ay parang pinana ulit ako ni kupido. Sobrang bilis nang tibok nang puso ko at hindi ko maiwasang kiligin. Yung tawagin niya alng akong gf niya nakakakilig na king ina may pa wife pa edi nalaglag ang panty ko. Jk
Napatingin ako sa kanila si Dad ay seryoso maging si Tito Elmer. Samantalang si Tita ay naitutop pa nag mga kamay sa bibig niya.
Lumapit si Bei samin. Niyakap niya ang kapatid at narinig ko pa ang binulong nito.
"Congrats Bro. Wag mo siyang sasaktan. Yan lang ang hiling ko sayo." nangiti ako sa sinabi ni Bei. Tumango lang dito si Deanna.
Akmang lalapit si Bei sakin para humalik sa pisngi ko nang hinila agad ako ni Deanna palapit sakanya.
"Bei hug lang please." halos matawa kami ni Bei sakanya kaya naman hinug nalang ako nito.
"Possessive nang jowa mo palitan mo na nga yan." sabi niya nang magbitiw kami sa yakap. Pinalo ko siya sa braso niya.
Si Tita naman ang lumapit samin at mangiyak ngiyak pa itong yumakap nang sabay samin ni Deanna.
"I'm happy for the both of you. Sa wakas narinig din ni God ang dasal ko." natawa kami ni Deanna dahil kay Tita.
Pagkatapos naman ay si Dad ang lumapit. Hinarap niya si Deanna.
"You got my girl huh." sabi ni Dad dito. "May tiwala ako sayo Deanna sana huwag mong sirain." tinapik niya sa braso si Deanna at ngumiti siya samin.
Sabay kaming napatingin kay Tito Elmer na nakatingin lang samin. Ang hirap talagang basahin nito.
"Don't hurt her and don't make her cry marami kaming makakalaban mo." seryosong sabi ni Tito kay Deanna. Niyakap ko ito at tsaka siya ngumiti sakin nang maghiwalay kami. "Kapag nagloko o sinaktan ka nang anak ko sabihin mo sakin ha."
Natatawa akong tumango. Napatingin ako kay Deanna na masama ang tingin sa Daddy niya kunot na kunot pa ang noo.
"Come on guys, I'm inlove with this girl hinding hindi ko siya sasaktan. Geez." tinawanan namin siya at lumapit ako dito para pisilin ang pisngi niya. Nakapout kasi siya parang bata na walang makitang kakampi.
BINABASA MO ANG
Kissing Booth
FanfictionThis story is based on the movie that I watched. For me it's cute so I try to write a story about it. Binago ko lang po ang version ginawang GxG. Kung may wrong grammar, typhos and any kind of error please bear with me people! Hope y'all like this...