26

1K 70 3
                                    

"Dad gusto ko lang maexplore yung iba kong options okay?"

Sinundo ako ni Dad sa airport. Kaya heto kami ngayon nasa daan pauwi sa bahay namin. Sinabi ko kasi sakanya na nag aapply ako sa harvard.

"Jema, it's not about any of that." Pasulyap sulyap si Dad sakin habang nagmamaneho "It's about you asking yourself if you think a relationship with Deanna's gonna last. And if it's worth changing all of your plans for her."

Napabuntong hininga nalang ako. Sapul na sapul kasi ako sa sinabi ni Dad nababago na ang plano ko for my college kasi gusto ko siyang makasama.

"Do you?" Pahabol pa nito.

"I'm not sure Dad."

Noong gabi ay tahimik akong nag lalaptop nagpapaantok kasi ako. Biglang nag ring ang phone ko. Saglit kong tiningnan ang caller at tsaka buntong hiningang inisip kung sasagutin ko.

Nakailang ring na nang mapagdesisyunan kong sagutin.

"Hey." Panimula ko.

"Hey." Namiss ko kaagad ang boses niya samantalang magkasama lang kami kagabi at kanina. "Naisip ko lang na dapat tayong mag usap."


Tahimik lang ako para ipagpatuloy niya ang sasabihin niya "Bakit ka nagalit kanina nung umalis ka?"


"Well uhm.. I guess I was looking at this whole life that you have out there without me and I'm..." napabuntong ako pinipili ko kasi ang tamang salitang sasabihin sakanya. "Hayy..hindi kasi ako sanay na nakikita kang kasama ang ibang babae."

"Jessica, I told you na kaibigan ko lang si Hannah." Napaisip ako paano niya nasabi na si Hannah ang tinutukoy ko? May mga babae din naman siyang kaibigan di ba?

"O-Okay."

"Mm..parang hindi ka convinced sa sinabi ko." She really know me.

"I wanna believe you."

"Wala kang rason para hindi" talaga ba? I have one reason .

"If you're telling me that nothing has happened..." bumuntong hininga ulit ako. "Then I believed in you."

"Good." Sandaling tumahimik sa parehong linya namin "You know I love you"

"I love you more."

"I'm glad na nakapag usap tayo. I'll call you tomorrow okay?" Sabi niya.

"Okay." Binaba ko na ang tawag. Matutulog na sana ako nang tumunog ang phone ko kaya chineck ko ito.

Nakaon kasi ang notif ko sa tuwing may ipopost o mag iistory si Deanna sa kanyang IG. Kaya chineck ko ito at nakita ko sa notif sa phone kong Deanna recently added to her highlights.

Clinick ko ito para mapunta sa highlights na inilagay niya sa IG niya at laking gulat ko nang ilagay niya doon ang mga picture naming dalawa. May pangalan itong "Jema&Me" . Napapangiti ako habang tinitingnan ang bawat picture na naroon hanggang sa makatulog ako.

———-

Matapos ang klase ay nasa bahay ako nang mga De Leon nakahiga ako sa kama ni Bei habang naglalaro nang maliit na bola niya. Pinapupunta kasi niya ako dito dahil may sasabihin daw siya sakin.


Napabangon ako nang biglang bumukas ang pinto nang kwarto niya, hirap na hirap na lumapit sakin si Bei. May saklay ito na nakaipit sa magkabila niyang kilikili gawa sa sprain na natamo niya noong practice namin.

Kissing BoothTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon