18

1.1K 59 2
                                    

"K-Kanina k-ka pa?" Nauutal kong tanong. Parang nanlamig ang buong katawan ko nang makita ko ito at lalo na nang lumapit ito sakin.

"Sakto lang." nag angat ako nang tingin dito at tumingin din siya sakin. "Sakto lang para makita kong hinalikan ka niya."


Pakiramdam ko ay binuhusan ako nang isang bucket na tubig na puno nang yelo. Hindi ko alam kung anong isasagot ko.

"Are you in a relationship?" Seryoso ang pagkakasabi niya kaya naman hindi ko na napigilang tumango nang marahan.

"I-I see. Sige na mauna na ako may class na rin ako." Tatalikod na sana ito pero natigilan din nang tawagin ko siya.

"Jhonvic!" Sigaw ko sakanya. Humarap siya sakin at nababasa ko ang lungkot sa mga mata niya.

"P-Pwede bang wag mong ipaalam kahit kanino yung nalaman mo?" Kita ko ang pagkagulat sa mukha niya. Hindi siguro niya inaasahan na yun ang sasabihin ko. "Please.. w-we dicided to make it lowkey kaya sana..."

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang magsalita na siya.


"Your secret is safe wag ka mag alala. Sige na pumasok kana rin." Sabi nito sabay talikod. Sinigawan ko pa siya nang "thank you."

At tsaka ako pumunta sa klase ko. Buong oras wala ako sa sarili naiisip ko kasi yung nangyari. Ayokong makarating kay Bei kasi mas gusto kong ako sana mismo ang magsabi sakanya kaya lang wala akong lakas nang loob.

Matapos ang class ay naka received ako nang text mula kay Bei na iniintay na nila ako ni Jho sa parking area kaya naman binilisan ko na ang pag lalakad papunta don. Pagkarating ko parking nandon na silang dalawa.

Naunang maupo si Jho sa shot gun kaya naman sa likod na ako naupo. First time ko dito maupo pero hindi ko na inalala yon dahil lumilipad ang isip ko dahil sa kanina. Tahimik ang byahe namin hanggang makarating sa mall. Bumili kami nang meryenda bago pumunta sa arcade.

Naka tayo ako sa may gilid nang dance machine pinapanood ko si Bei at Jho.

"Hey bro ang tahimik mo ah?" Tanong ni Bei habang nagsasayaw at ang mata ay nasa screen.

"Inaantok kasi ako."

"Ayoko na Bei ang hirap naman nito. Pwede bang sa iba nalang tayo?" Huminto na si Jho sa pag sayaw pagod na pagod siya. Hindi kasi niya masabayan ang nasa screen nagbubuhol buhol na ang mga paa niya kakaapak sa mga arrow sa baba.

"Eh kakastart lang natin." Kamot ni Bei ang ulo niya habang pinapanoorang bumaba sa may dance machine si Jho. Bumaba din siya at kinuha ang palapulsuhan ko. "Bro halika tayo ang maglaro."


Tiningnan ko pa si Jho at ngumiti ito sakin tsaka sumenyas na sumunod ako kay Bei. Nang mga sandaling yon ay medyo nawala ang nasa isip ko nakakatuwa kasi ang dalawa bangayan nang bangayan. Tiklop parati si Bei pagdating kay Jho.

Umuwi na ang dalawa habang ako ay nandito sa may entrance nang mall. Nagpaiwan kasi ako at idinahilan na may bibilhin pa at magpapasundo ako kay Dad kaya pumayag si Bei. Ang totoo ay hinihintay ko si Deanna para siya ang maghatid sakin pauwi.

Maya maya ay dumating na din siya. Huminto siya saglit sa tapat at doon na rin ako sumakay at tsaka namin tinahak ang daan pauwi.


"Baby bakit ang tahimik mo? Nakakapanibago ah, may problema ba?" Sumusulyap sulyap siya sakin habang nagmamaneho.

"May nakakita satin kanina sa labas nang cr." Seryoso kong sagot habang nakatingin sakanya na tutok sa pagmamaneho.

"And?" Parang hindi manlang siya kakikitaan nang pag aalala.

"Nakita ni Jhonvic na hinalikan mo ko kanina sa lips!" Dirediretsyo at medyo pasigaw kong sabi sakanya. Tumingin siya at nangunot ang noo.


"Ano ngayon? Pakialam ko ba sa Jhonvic mo." Pinalo ko siya sa braso niya. "What the.."

Inis niya akong tiningnan dahil sa ginawa ko. Napapahiya naman akong tumingin sakanya dahil alam kong mali din ang ginawa ko.

She sighed at tsaka inabot nang kanan niyang kamay ang kaliwa kong kamay. "Don't do that again baby baka kasi mabangga tayo." Mahinahon niyang sabi sakin kaya naikagat ko ang pang ibabang labi ko.

"I'm sorry." Sabi ko. Hinawakan niya ang chin ko para iangat at ipaharap ako sakanya. Pasulyap sulyap siya sakin at sa daan.

"I love you don't be sad na baby." Ngumiti siya nang pagkatamis tamis kaya naman napangiti na rin ako at niyakap ko ang kanang braso niya.

Buong byaheng magkahawak ang kamay naming dalawa. Hanggang sa hindi ko namalayang nasa tapat na kami nang bahay namin.

Bababa na sana siya para pagbuksan ako pero pinigilan ko siya. Alam niyo na baka makita ni Dad.

"Thank you sa paghatid." Nakapout na naman siya kaya napabuntong hininga ako at lumapit sakanya at tsaka ko siya hinalikan sa pisngi. "Happy?"


Nagthumbs up siya at ngumiti ulit nang malawak. Hayy nako kung ganit siya palagi mas lalalim ang pagmamahal ko sakanya.

Kissing BoothTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon