Chapter One

727K 15.3K 13.1K
                                    

WARNING: Sobrang red flag ng male lead, sobrang rupok ng female lead, hindi maayos pagkakasulat, hindi pinag-isipang maigi, problematic, too unrealistic, lahat na ng negativity at reasons para hindi basahin, nandito na. Kaya wag na pong basahin kung hindi ma-take ang ganoon. You can read other Feroci installments without reading this one. Hindi ako proud dito.

Salamat pa rin sa mga nagbasa at na-appreciate ang story na 'to. I'm so grateful sa inyong lahat... but I was really hasty when I wrote this. Masyado akong nagmadali. I was a newbie and inexperienced when I wrote something like this. Kung ibabalik ako sa oras, I won't write this story like this. Gusto ko sanang i-edit at baguhin, pero gusto ko rin makita ang naging growth ko when it comes to writing, kaya hindi ko na rin binago. Kaya sana if hindi niyo ma-take, wag niyo na lang basahin.

Again, I really really really don't like the way I wrote this story. Kung maaari, lagpasan niyo na lang if hindi niyo rin ma-take. 


***

Jonalyn 'Ayen' Macarios

"Hoy, Ayen, may speech daw mamaya si Mayor Pogi."

Napailing na lang ako sa sinabi ng kaibigan kong si Wrena.

"Anong oras?" tanong ko habang binabasa ang paborito kong libro tungkol sa pulitika na hiniram ko pa sa city library.

I was not interested in taking Law or Political Science as my course; I was just kind of curious about politics and law.

"Maya-maya, wala rin naman akong pakialam sa sasabihin niya. Gusto ko lang siyang titigan," kinikilig na sabi pa niya.

Ako rin naman, pero siyempre interesado pa rin ako sa iaanunsyo niya. Baka tungkol iyon sa mga issue na kinahaharap ng Caloocan o baka naman sa mga bagong programa na ipatutupad niya.

"Inaagawan mo ako sa crush ko," pabirong sabi ko saka siya tiningnan nang masama.

"Huh, sorry na lang, girl, pero ako ang nauna kay Mayor. Charot. Bakit kasi wala pa siyang girlfriend, eh? Umaasa tuloy ako na may chance kami," sabi niya habang nakanguso. Napailing na lang ako.

"Sorry, my friend, I'm his real girlfriend. Bawal kasing i-announce sa media," pagbibiro ko pa. Wala namang masamang mangarap. Halos lahat naman yata ng babae rito sa lugar namin ay nangangarap na maging kasintahan ni Mayor Zaviere. Sino ba naman ang hindi?

"Hoy, pinagnanasaan mo na naman si Mayor sa maruming isip mo," sabi ni Wrena at binato ako ng unan.

"Shut up," sabi ko na lang at inirapan siya.

"Pa-shut up-shut up ka pa riyan, may part-time job pa tayo mamayang gabi sa convenience store," she said while putting liptint on her pouty lips. Nakakainggit, medyo manipis kasi ang labi ko, e.

"You want?" She offered me her liptint. Agad akong napangiwi saka umiling.

"Bakit mo inaalok ang personal mong gamit sa ibang tao?" tanong ko saka muling ibinalik ang tingin sa librong binabasa ko.

"Ang arte mo," sabi niya saka tinuloy ang pagme-makeup.

"Para saan ang makeup? Speech ni Mayor ang magaganap mamaya, hindi party," natatawang sabi ko.

"Hindi ka pa ba sanay sa 'kin? Kahit maglalaba lang, naka-makeup pa ako," sabi niya.

"Ewan ko sa 'yo," natatawang sabi ko na lang habang napapailing.

"Pero alam mo ba 'yung tsismis? May tinatagong anak daw si Mayor Arken," bulong ni Wrena sa 'kin. Napakunot na lang ang noo ko.

"Puro tsismis lang naman 'yon, saka kung sakaling totoo man 'yon, ano naman?" Napaismid na lang siya sa sinabi ko.

Call Me Mayor (SERIE FEROCI 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon