"Bakit kanina ka pa tahimik?" tanong ko kay Arkia.
Hindi siya sumagot at napatungo na lang habang nagbabasa ng Bible. Napakamot na lang ako sa batok ko, bakit naman kaya hindi ako pinapansin ng batang 'to?
"Alam ko na kung bakit. Galit ka siguro sa 'kin dahil pinahiya kita sa school, 'no?" tanong ko pa.
Hindi pa rin siya nagsalita at pinagpatuloy lang ang pagbabasa niya. Mukhang seryoso siya no'ng sinabi niya na mahilig siyang magbasa ng Bible. Bakit hindi siya bumabait?
"Bahala ka, 'wag mo na lang akong pansinin. Balak pa naman kitang isamang maggala sa labas dahil pinayagan tayo ng papa mo, pero 'wag na lang pala," pagpaparinig ko.
Natigilan naman siya at agad na napatingin sa 'kin. Pinigilan ko ang pagngiti ko nang mapansing napangiti siya sa sinabi ko.
"'Wag kang ngumiti riyan, nagbago na ang isip ko," kunwaring masungit na sabi ko.
"H-hindi naman ako galit sa 'yo, hindi ko lang alam ang sasabihin ko," naiilang na sabi niya saka napaiwas ng tingin sa 'kin.
Kinuha ko ang Bible na binabasa niya at inilapag 'yon sa mini table. Hinawakan ko ang balikat ni Arkia at pinaharap siya sa 'kin. Humarap naman siya kaso nanatili siyang nakatungo. Napailing na lang ako.
"Ano ang nararamdaman mo kung hindi ka galit sa 'kin?" seryosong tanong ko.
Hinawi niya ang kamay kong nakahawak sa balikat niya saka muling kinuha ang Bible. "'W-wag ka na ngang magtanong nang magtanong," sabi na lang niya.
Natatawang napailing na lang ako. Malakas ang pakiramdam ko na kaunti na lang, magiging close na kami ni Arkia nang totoo.
Worth it naman pala ang pagkapahiya at pambubugbog na natamo ko sa amazonang babae kahapon. Hanggang ngayon masakit pa rin ang mga sugat na natamo ko kahit maliliit lang ang mga 'yon.
Napatingin ako sa magazine na nasa mini table. Napaismid ako nang makita ang sikat na artista na nasa front cover ng magazine.
"Angel Mendoza? Sa bagay, mukha talaga siyang anghel," bulong ko habang nakatingin sa magazine.
Mukha siyang sopistikada at talagang maganda, ganitong babae kaya ang mga type ni Mayor? 'Yung tipo ng babae na luluwa ang mga mata mo kapag nakita mo.
Napabuntonghininga na lang ako at padabog na inilapag ang magazine sa mini table. Natigilan kami ni Arkia at napatingin kay Mayor na mukhang kalalabas lang ng kuwarto niya. Naka-three-piece suit na siya at mukhang handa nang magpunta sa munisipyo.
Agad akong lumapit sa kaniya. Grabe, ang bango talaga palagi ni Mayor. Parang ayoko na lang siya paalisin, kaso hindi ko naman siya boyfriend.
"Mayor."
Natigilan ako nang tingnan niya ako nang masama. Napatakip ako sa bibig ko. Bawal ko na nga pala siyang tawaging Mayor sa hindi malamang dahilan.
"Arken, 'di ba pinayagan mo kaming lumabas ni Arkia kagabi?" tanong ko saka ngumiti nang matamis sa kaniya.
Excited na kasi akong ilabas si Arkia, masyado na siyang maputla. Halatang hindi siya nasisinagan ng araw.
"When did I say that?" masungit na tanong niya habang inaayos ang necktie niya.
"Ang daya mo naman, kagabi pumayag ka, e. One hundred times kasi kitang kinulit," sabi ko naman.
Hindi ko talaga siya pinatulog kagabi hangga't hindi siya pumapayag, antok na antok na siya no'n. Tinutukan niya pa nga ako ng baril para tumahimik na ako pero hindi ako nagpatalo hanggang sa pumayag siya.
BINABASA MO ANG
Call Me Mayor (SERIE FEROCI 1)
Romance(COMPLETED) Arken Zaviere is the definition of a perfect mayor, he was the savior of Caloocan City. Aside from being strikingly handsome and intelligent, he was also known for being a competent mayor for providing the needs of everyone... saving eve...