"Ano'ng gustong almusal ng baby ko?"
Gusto kong matawa nang makita ko kung paano pasimpleng napangiwi si Arkia sa tanong ko. Ang satisfying talaga kapag naiinis ko siya.
"Kahit ano pong iluto mo, okay lang po sa 'kin," sagot naman niya saka ngumiti nang matamis.
Napatigil si Mayor sa pagbabasa ng diyaryo at napatingin sa 'min ni Arkia. Yumakap naman ako kay Arkia saka pinisil ang malambot na pisngi niya.
"Ang sweet mo talaga, Arkia. Bakit ba ako nagkaroon ng anak na kasing sweet mo?" tanong ko saka ngumiti.
Napairap siya sa 'kin nang muling ibinaling ni Mayor ang tingin nito sa diyaryo.
"Sweet ka rin po kasi, Mama," plastik na sabi niya habang todo ismid.
"Magluluto na ako!" kunwaring excited na sabi ko saka binuksan ang ref upang maghanap ng mailuluto.
Pakainin ko kaya ng tortang sili itong si Arkia? Ang cute niya kasi, e.
"Arken."
Natigilan kami ni Arkia nang mapaubo si Mayor. Agad ko siyang inabutan ng tubig. Ano naman kayang problema ng isang 'to at paubo-ubo pa?
"Arken, gusto mong ipagluto rin kita?" tanong ko saka ngumiti nang matamis sa kaniya.
Napatikhim na lang siya at muling ibinaling ang tingin niya sa diyaryo. "Just make a coffee for me," sabi na lang niya. Tumango na lang ako at nagsimula nang magluto ng pancake.
Ipinagtimpla ko na rin ng gatas si Arkia, sunod ang kape ni Mayor, buti na lang talaga at inaral ko ang paggamit ng coffee maker, pinipindot lang pala 'yon.
"Pancake at gatas para kay Arkia, kape naman para kay Yorme," sabi ko saka ipinaghain sila.
"Yorme?" sabay na tanong nina Arkia at Mayor. Natawa na lang ako.
"Yorme, mayor 'yon. Nako, palibhasa wala kayong alam na mag-ama sa mga ganyang word, e. Saka Mayor—este Arken, meron kang Facebook page, saka sikat ka kaya sa social media," sabi ko saka umupo sa tabi ni Arkia at ininom ang kape na tinimpla ko para sa sarili ko.
"I don't handle my social media accounts, I let my secretary handle those," masungit na sabi niya saka uminom ng kape niya.
Ang guwapo talaga ni Mayor, mukhang bagong ligo siya. Ang bango niya pa, amoy na amoy ko. Kahit parang pasan niya ang mundo, ang guwapo niya pa rin. Kapag ngumiti siguro siya sa 'kin kahit isang beses, siguradong malalaglag ang dapat malaglag.
"Ah, kaya pala gano'n 'yung reply ng page sa ibang comments, puro kalokohan. Hindi pala ikaw ang nagha-handle n'on." Sa bagay, busy siyang tao. Malamang wala na siyang time mag-Facebook.
Hindi na lang siya nagsalita at inubos ang kape niya. Tumayo na siya at nagtungo sa kuwarto niya para siguro mag-toothbrush at magpalit ng damit. Napaismid na lang ako, ang sungit naman n'on.
"Palagi ng nasabay si Papa na mag-almusal," nakakunot-noong sabi ni Arkia pagkaalis ni Mayor. Ngumiti na lang ako nang matamis sa kaniya.
"Baka na-fall siya sa charms ko," pagbibiro ko. Napairap naman siya sa sinabi ko.
"To be honest, wala ka pa sa kalingkingan ng mga nagkakagusto kay Papa," tila nang-iinis na sabi niya.
Kinagat ko ang ibabang labi ko upang pigilan ang sarili ko na hilahin ang buhok niya. Dapat kong itatak sa isip ko na bata pa siya at sadyang matalas lang ang dila niya.
"Grabe ka naman. Maganda kaya ako, hindi lang ako nag-aayos," sabi ko saka pasimpleng humawak sa pisngi ko.
Napairap naman siya saka uminom na lang ng gatas. Naku, kaunti na lang at madudukot ko na ang mga mata ng batang 'to.
BINABASA MO ANG
Call Me Mayor (SERIE FEROCI 1)
Romance(COMPLETED) Arken Zaviere is the definition of a perfect mayor, he was the savior of Caloocan City. Aside from being strikingly handsome and intelligent, he was also known for being a competent mayor for providing the needs of everyone... saving eve...