Brokenhearted ako kahit wala pa akong boyfriend. Bakit naman gano'n?
"Okay ka lang ba, Mama?"
Napatingin ako kay Arkia na nag-aalalang nakatingin sa 'kin. Gusto ko sana siyang tuksuhin dahil tinawag niya akong Mama at concerned siya sa 'kin kaso wala ako sa mood.
"Pagod lang siguro," sabi ko na lang saka tinikman ang niluto kong adobo.
Hindi pa nauwi si Mayor. Hindi naman dapat ako magulat dahil palagi siyang late nauwi, pero iba ngayon. Napapraning ako dahil iniisip ko na kasama niya ang Mayor Paola na 'yon.
Napailing na lang ako at ipinaghain si Arkia. Tahimik lang siya pero ramdam ko ang tingin niya sa bawat kilos ko. Umupo na lang ako sa tabi niya at kumain na lang din.
Napabuntonghininga ako at uminom ng tubig saka kinuha ang cellphone ko para i-search si Mayor Paola Juancho. Napapabuntonghininga na lang ako sa tuwing nakakabasa ako ng positibong article tungkol sa kaniya. Nakaka-insecure.
"Mama, bakit ka nagse-cellphone habang nakain? Bad 'yon," sabi ni Arkia habang nakakunot ang noo. Napakamot na lang ako sa batok ko saka alanganing ngumiti sa kaniya.
"Sorry, may kailangan lang kasi akong i-search," pagdadahilan ko na lang.
"Si Mayor Paola Juancho po ang kailangan n'yong i-search?" tanong niya habang nakatingin sa cellphone ko.
Napatikhim na lang ako. Ipinakita ko sa kaniya ang isang picture ni Mayor Paola na akala mo fashion show ang pupuntahan.
"Sabi sa social media, bagay raw sila ng papa mo. Payag ka ba n'on? Ano ba'ng tingin mo sa kaniya? Gusto mo ba siyang maging mama?" sunud-sunod na tanong ko sa kaniya.
Napahawak si Arkia sa baba niya habang nakatitig sa picture ni Mayor Paola.
"Hindi siya mukhang mother material, mukhang mas may pakialam siya sa makeup niya kaysa sa bata," sabi naman ni Arkia.
Napangiti ako sa sinabi niya. May punto siya ro'n, hindi talaga mukhang mother material ang Mayor Paola na 'to. Hindi siya puwede kay Mayor Arken.
"Pero kung siya ang gusto ni Papa, wala naman akong magagawa kundi ang tanggapin siya na mama ko. Ganyang mga babae ang gusto ng boys," dugtong naman ni Arkia na nagpabagsak ng mga balikat ko.
"Hindi naman lahat ng lalaki ganyan ang type, 'no!" naiinis na sabi ko saka agad na pinatay ang screen ng cellphone ko.
"Bakit ka nagagalit?" nakangusong tanong niya.
Napakamot na lang ako sa batok ko saka napaiwas ng tingin sa kaniya.
"Hindi naman po ako nagagalit, nagpapaliwanag lang po, boss," sabi ko na lang saka pilit na ngumiti sa kaniya.
Napaismid na lang ako at muling sumubo ng kanin. Lalo lang akong nainis. Bakit ba kasi karamihan sa mga lalaki ay maganda at sexy ang type? Sa bagay, karamihan din naman kasi sa babae ay guwapo ang hanap, pero hindi naman palagi, 'no. May mga nakikita nga ako na magandang babae tapos hindi kaguwapuhan ang boyfriend.
Napailing na lang ako sa mga naiisip ko, masyado akong affected dahil sa nakita ko kanina. Siguro hindi ako puwedeng magka-boyfriend dahil mabilis akong magselos. Hindi ko pa nga boyfriend si Mayor, para nang sinasaksak ang puso ko dahil sa selos na nararamdaman ko ngayon.
"Papa!"
Napaupo ako nang tuwid nang agad na tumayo si Arkia at sinugod ng yakap si Mayor. Napakagat ako sa ibabang labi ko at napapikit nang mariin.
Bakit naman kaya ang aga niyang umuwi ngayon?
"Sumabay ka na po sa 'min, Papa. Nagluto po si Mama ng masarap na adobo!"
BINABASA MO ANG
Call Me Mayor (SERIE FEROCI 1)
Romance(COMPLETED) Arken Zaviere is the definition of a perfect mayor, he was the savior of Caloocan City. Aside from being strikingly handsome and intelligent, he was also known for being a competent mayor for providing the needs of everyone... saving eve...