Chapter Nineteen

383K 12.2K 5.2K
                                    

Hindi na yata normal ang tingin ko sa ilalim ng kama simula ngayon.

"Does your back hurt?"

Napatingin ako kay Mayor nang lagyan niya ng shampoo ang buhok ko saka marahang hinaplos 'yon. Napakagat na lang ako sa ibabang labi ko at umiling.

Pulang-pula na yata ang mukha ko ngayon. Nagpumilit siya na magsabay kaming maligo dahil baka raw masakit ang likod ko kahit ilang ulit ko nang sinabi na ayos lang ako.

"Mayor, n-nahalata kaya tayo ni Vierra kanina?" nauutal na tanong ko.

Laking pasasalamat ko talaga nang umalis din kaagad si Vierra kanina nang hindi kami nakita ni Mayor.

Hindi sumagot si Mayor at marahang sinabon ang leeg ko pababa sa balikat ko. Panay naman ang iwas ko ng tingin sa kaniya. Sa mga hawak pa lang niya, nakakaramdam na kaagad ako ng kuryente na dumadaloy sa buong katawan ko.

"M-Mayor, kaya ko namang sabunin ang sarili ko," sabi ko na lang at hinawakan ang kamay niya upang pigilan siya sa pagsasabon sa 'kin.

Medyo naiilang talaga ako, bukod sa parehas kaming wala ni isang damit ngayon, sinasabon niya pa ang katawan ko. Baka kung saan pa mauwi ito.

"I know," tipid na sagot na lang ni Mayor.

Napasinghap ako nang bigla ako nitong pinatalikod, napapitlag ako nang yakapin niya ang baywang ko. Napalunok na lang ako nang maramdaman kong sinasabon na niya ngayon ang likod ko.

"Relax, we won't do it here. Well, not yet," sabi na lang niya saka muli akong pinaharap sa kaniya matapos niyang sabunin ang likod ko.

Panay lang ang kagat ko sa ibabang labi ko habang sinasabon niya ang katawan ko. Kung saan-saan na napunta ang kamay niya pero hinayaan ko na lang, wala na rin naman siguro akong dapat ikahiya.

"Mayor, puwedeng ako ang mag-shampoo saka magsabon sa 'yo?" excited na tanong ko saka ngumiti nang matamis sa kaniya.

Natigilan naman siya at saglit na napatitig sa 'kin. Lumabas na naman yata ang tapang kong 'to. Gusto ko rin kasing sabunin ang katawan ni Mayor, para naman ma-experience ko rin. Parang nakaka-excite din kasi.

Tumikhim si Mayor saka umiwas ng tingin sa 'kin. Lumaki ang ngiti ko nang iabot niya sa 'kin ang sabon. Inilapag ko muna iyon, kinuha ko ang shampoo saka naglagay nang kaunti sa kamay ko. Napatingala ako sa kaniya, ang tangkad niya masyado. Mahihirapan akong shampoo-han siya.

"Mayor, ano, puwedeng yumuko ka nang kaunti?" sabi ko na lang saka alanganing ngumiti sa kaniya.

Napabuntonghininga na lang siya pero sinunod din naman niya ako. Napangiti na lang ako at agad na nilagyan ng shampoo ang buhok niya, malamang mangangalay siya sa pwesto niya ngayon.

Napangiti ako habang tinitingnan ang buhok niya. Bumaba ang tingin ko sa mukha niya, natigilan ako nang mapansing titig na titig siya sa 'kin. Napalunok na lang ako at alanganing ngumiti sa kaniya.

Bakit ganyan siya makatitig sa 'kin? Para na namang tinutunaw ng tingin niya ang pagkatao ko, nakakapanlambot ng mga tuhod.

Natigilan ako nang siilin niya ng magaang halik ang labi ko, pero lumayo rin siya kaagad at umayos ng tayo. Napatulala ako at napasapo sa dibdib ko dahil pakiramdam ko ay may kung ano na namang nagwawala ro'n, malamang puso ko na naman 'yon. Hindi na talaga nagiging normal ang tibok ng puso ko kapag nasa paligid ko lang si Mayor, lalo pa kapag malapit kami sa isa't isa, naghahalikan. Hindi na normal ang puso ko dahil sa kaniya.

Napatikhim na lang ako at napailing saka kinuha ang sabon. Napalunok ako at napatingin sa matipunong dibdib niya pababa sa abs niya. Magagawa ko bang sabunin ang mga 'yon nang hindi nanginginig?

Call Me Mayor (SERIE FEROCI 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon