Hindi sa paglipas ng panahon ka natututo kung hindi sa mga karanasan na pinagdaanan mo. Nakadepende na sa 'yo kung habambuhay kang matatakot at magtatago o matututo kang tumayo sa sarili mong mga paa at labanan ang sarili mong emosyon at takot.
"Pretty doctor, kumusta na po ang pusa ko?" nag-aalalang tanong ni Lina, ang batang may-ari ng pusa na nasa tauhan ko ngayon. Sinisipon kasi ang pusa niya, dinala nila sa 'kin dahil may lumalabas na ring dugo sa ilong ni Lian, ang pusa niya.
"Kailangan niya pang mag-stay dito para sa ilang tests, pero 'wag kang mag-alala, gagamutin ko siya," sabi ko na lang saka ngumiti sa kaniya.
Isang taon pa lang akong veterinarian, pero marami na akong karanasan sa paggamot sa iba't ibang hayop. Madalas abala ako at talagang maraming napunta dahil ito lang ang nag-iisang vet clinic sa lugar na 'to, tapos dalawa lang kaming veterinarian ng kasama kong si Dr. Orlando.
"Doc! 'Yung aso ko po, hindi nagalaw!"
Napatingin ako sa biglang pumasok sa clinic. Dalawang bata sila na may bitbit na maliit na aso na hindi nagalaw. Agad ko silang nilapitan, dahan-dahan kong kinuha ang aso mula sa kanila at inihiga sa hospital bed.
Marahan kong pinakiramdaman ang tiyan ng aso, naninigas ang tiyan nito. Napabuntonghininga ako at inutusan ang tauhan na tawagin si Doc Orlando.
Sa tingin ko ay may problema sa paghinga o digestion ang aso, masyadong sensitibo ang ganito.
"Doc, magagamot po ba ang aso niya?" walang emosyon na tanong ng bata at itinuro ang kaklase niya na mukhang nag-aalala sa aso nito.
"Magagamot ang aso niya, pero teka, bakit dok na naman ang tawag mo sa 'kin?" natatawang tanong ko at hinila siya para yakapin.
Pakiramdam ko natanggal ang lahat ng pagod ko nang mayakap ko siya. Isang yakap lang talaga galing sa kaniya, okay na ako.
"You're my mother but you're still a doctor. We're in a vet clinic, I should address you properly," seryosong sabi nito habang nakatitig sa 'kin.
Palaging nagtatayuan ang mga balahibo ko kapag nakatingin siya sa 'kin nang ganyan, pakiramdam ko hindi bata ang kaharap ko at kaedad ko lang.
"Van, tinulungan mo ba ang kaklase mo?" tanong ko sa anak ko saka napatingin sa kaklase niya na panay ang tingin sa glass wall sa silid ng aso niya na chine-check up na ngayon ni Doc Orlando.
"Hindi po, pinilit niya lang ako," walang emosyon na sabi pa nito. Napangiwi na lang ako, sabi na nga ba.
"Okay lang, very good ka pa rin dahil tinulungan mo siya kahit pinilit ka lang niya," sabi ko na lang saka napakamot sa batok ko.
"Babalik na po ako sa school," sabi ni Vander saka humalik sa pisngi ko at lumabas na ng clinic.
Napabuntonghininga na lang ako at hinabol ng tingin ang anak ko. Malapit lang ang clinic namin sa school ni Vander kaya napunta ako minsan doon para silipin siya.
Anim na taon pa lang si Vander Alair Macarios, pero mas matured siyang mag-isip kaysa sa mga kaedad niya. Noong anim na taon ako, ni hindi ako makapagbasa ng Ingles nang ayos, pero siya matatas na magsalita ng Ingles sa panonood lang ng English movies at pagbabasa ng mga libro na walang drawing at hindi naman dapat binabasa ng mga bata sa edad niya.
Sa totoo lang pinoproblema ko ang ugali niya na palaging tahimik at walang emosyon. Sa pagkakatanda ko nga ay isa lang ang kaibigan niya na nakakapagtiyaga sa kaniya. Madalas din siyang magkaroon ng mga kaaway sa school dahil nami-misinterpret ang mga sinasabi niya, kaya minsan umuuwi siya nang may galos. Nag-aalala na talaga ako sa batang 'yon. Sinubukan ko siyang panoorin ng makukulay na cartoons pero nakakatulugan niya. Mas gusto niyang manood ng documentaries, mystery, o murder cases.
BINABASA MO ANG
Call Me Mayor (SERIE FEROCI 1)
Romance(COMPLETED) Arken Zaviere is the definition of a perfect mayor, he was the savior of Caloocan City. Aside from being strikingly handsome and intelligent, he was also known for being a competent mayor for providing the needs of everyone... saving eve...