"Bakit walang katao-tao rito?"
Kanina pa ako paikot-ikot sa malaking bahay na 'to, pero bukod sa 'ming tatlo nina Mayor at Arkia, wala ng ibang tao. Bakit kaya wala man lang katulong o kaya guard dito?
Gusto ko sanang tumakas, kanina ko pa binabalak tumakas, pero natatakot ako na baka biglang sumulpot si Mayor o ang tauhan niya. Buti sana kung buhay ko lang ang nakasalalay, pati pamilya at mga kaibigan ko ay madadawit kaunting maling galaw ko lang.
Ibig sabihin mag-isa lang si Arkia dito? Grabe, kawawang bata naman. Mayaman nga ang papa niya kaso mukhang hindi siya naaalagaang mabuti.
"Mama!"
Natigilan ako sa paghahalungkat ng pagkain sa ref nang marinig ko ang boses ni Arkia. Yumakap siya sa baywang ko habang tumatalon-talon. Napangiti na lang ako.
Sobrang cute niya. Kung anak ko lang 'to, baka ginawa ko ng kikay 'to. Pero sa bagay, kahit ano'ng isuot niya ang cute niya pa rin. Idagdag pa na kamukha niya si Mayor Arken. Sana lang talaga ay 'wag siyang magmana sa papa niya kapag lumaki na siya. Mala-anghel pa naman siya.
"Good morning, Arkia," bati ko sa kaniya saka bahagyang ginulo ang buhok niya.
"Mama, ang pretty mo po ngayong morning, a," nakangiting sabi niya. Aba, marunong mang-uto ang batang 'to, a.
"Arkia, morning man, madaling-araw, tanghali, hapon o gabi, maganda talaga ako. Saka ikaw rin maganda ka, siguro dahil ako ang mama mo," sabi ko na lang habang nakahawak sa baba ko.
Nakikita ko na agad na lalaki siyang maganda, pero good luck na lang sa magkakagusto sa kaniya. Mala-demonyo pa naman ang papa niya. Namamaril.
"Sabi na nga po ikaw talaga ang mama ko," sabi niya saka muli akong niyakap. Natigilan ako.
Hindi ko namalayan na nasabi ko pala na ako ang mama niya, pero iyon naman talaga ang dahilan kung bakit ako nandito, 'di ba? Magpanggap muna raw ako na mama niya sabi ni Mayor. Kung ako ang papipiliin, ayaw ko talaga, kaso ayoko namang mamatay nang maaga.
"Ano'ng gusto mong kainin, Arkia? Kaso kaunti na lang ang laman ng ref," sabi ko saka napakamot sa batok ko.
"Kahit ano po, Mama, kahit milk na lang po at toasted bread," sabi niya habang nakayakap pa rin sa 'kin.
Napahawak ako sa baba ko habang nakatingin sa laman ng ref. Hindi ko siya puwedeng pakainin ng tinapay lang at gatas. Breakfast is the most important meal of the day.
Ano ba 'tong naiisip ko? Pakiramdam ko tuloy mama talaga ako ni Arkia, e.
"Gusto mo ng scrambled egg tapos ipapalaman sa tinapay? Masarap 'yon," sabi ko saka nagtaas-baba ng kilay. Lumaki ang ngiti sa labi niya.
"Opo, Mama, gusto ko po 'yon!"
Kinurot ko ang cute na pisngi niya bago nagluto ng itlog saka nag-toast ng tinapay. Nagluto na rin ako para sa sarili ko dahil hindi ako nakakakilos nang maayos kapag hindi ako nag-aalmusal.
"Mama, ano po ang name mo?" tanong niya. Natigilan ako, hindi niya pala alam ang pangalan ko.
"Jonalyn Macarios, Ayen ang nickname ko," sagot ko naman.
"Wow, ang pretty po ng name mo, Mama."
Napangiti na lang ako sa sinabi niya. Pakiramdam ko tuloy maganda talaga ang pangalan ko. Hindi ko talaga kasi masyadong gusto ang pangalan ko dahil common na.
"May kape ba rito ang papa mo, Arkia?" tanong ko habang naghahanap sa cabinet.
"Meron po riyan si Papa na coffee beans, may coffee bean grinder din po si Papa. Kaso mapait po ang iniinom niyang kape, baka po hindi n'yo gusto."
BINABASA MO ANG
Call Me Mayor (SERIE FEROCI 1)
Romans(COMPLETED) Arken Zaviere is the definition of a perfect mayor, he was the savior of Caloocan City. Aside from being strikingly handsome and intelligent, he was also known for being a competent mayor for providing the needs of everyone... saving eve...