Chapter Thirty-One

402K 9.4K 2.3K
                                    

Pakiramdam ko ngayon lang ako nahalikan sa buong buhay ko. Ilang taon na rin yata ang nakakalipas nang huling beses na may humalik sa labi ko, at si Arken din 'yon. Pakiramdam ko mamamatay ako na si Arken lang ang nakahalik sa 'kin nang gano'n. Hindi ko alam, pakiramdam ko hindi masamang ideya 'yon.

Napailing na lang ako at napayakap sa unan at isinubsob ang mukha ko ro'n. Hindi ako makatulog kaiisip sa mga pinaggagawa ng Arken na 'yon. Imbis na si Vaughn ang isipin ko dahil sa pag-reject niya sa 'kin, si Arken ang naiisip ko dahil sa hindi ko malamang dahilan. Pero sa totoo lang, sa unang pagkakataon, nagpapasalamat ako na si Arken ang nasa isip ko ngayon. Masasaktan lang ako kapag hainayaan ko na mamahay si Vaughn sa isip ko.

Napabuntonghininga ako at tila wala sa sariling napahawak sa labi ko. Pakiramdam ko walang nagbago sa pakiramdam ng pagdampi ng labi ni Arken sa labi ko. Nakakatakot na ang komportable ng pakiramdam ko sa halik niya na para bang labi lang niya ang gustong mahalikan ng labi ko.

Impit na napatili na lang ako at sinuntok-suntok ang unan dahil sa mga naiisip ko. Hindi pala maganda na si Arken ang naiisip ko, nilalason niya yata ang isip ko.

Naiinis na bumangon ako at tumayo saka lumabas ng silid. Magpapahangin na lang ako, kahit ano'ng gawin ko, hindi ako makatulog.

Saan kaya natutulog si Arken? Komportable kaya siya?

Napailing na lang ako at umupo sa upuan na malapit sa railing saka tumingin sa langit. Napapikit ako at napayakap sa sarili ko nang maramdaman ko ang malamig na simoy ng hangin. Naramdaman ko ang lamig na umakyat hanggang leeg ko nang liparin ng hangin ang buhok ko.

"You look like a goddess."

Agad akong napadilat dahil sa gulat at napatingin sa pinanggalingan ng boses. Napakurap ako kasabay ng panlalambot ng mga tuhod ko nang makita si Arken na nakaupo sa itim na foldable lounge chair na hindi naman gaanong malayo sa pwesto ko. Napaiwas na lang ako ng tingin dahil sa matiim niyang titig sa 'kin.

Nag-init naman ang magkabilang pisngi ko sa sinabi niya. Nag-iwas na lang ako ng tingin saka tumikhim at napaismid upang hindi ipahalata na naapektuhan ako nang kaunti sa sinabi niya. Hindi ko napansin na nandiyan siya, itim din kasi ang suot niyang damit.

Naramdaman kong tumayo siya. Muli akong napatingin sa kaniya nang lumapit siya sa 'kin saka binalutan ng jacket ang katawan ko.

"Ahm, diyan ka ba matutulog?" tanong ko saka itinuro ang lounge chair na inuupuan niya kanina. Tumango naman siya saka umupo sa tabi ko. "Ang laki mo naman yata para matulog diyan."

Tipid na napangiti siya dahil sa sinabi ko, tila nagpipigil ng ngiti.

Aminado ako na ang guwapo niya.

"Will you let me sleep beside you?" tanong niya.

Agad naman akong napairap. "Asa ka."

Nanatili na lang kaming tahimik. Napakagat ako sa ibabang labi ko at mas ibinalot ang jacket sa 'kin. Mukhang kay Arken ang jacket na 'to, naaamoy ko ang pabango niya mula ro'n.

"Wala bang ibang kuwarto? Ang laki-laki nito, e. Hindi ka puwedeng matulog dito sa labas kasi malamig, sisipunin ka bukas," panenermon ko. Nanatili akong nakatingin sa dagat.

"I'm fine, I'm a bull," sabi na lang niya. Napakunot ang noo ko at tiningnan siya nang masama.

"Anong bull ang pinagsasasabi mo?" naiinis na tanong ko at hinampas ang matipunong braso niya.

"Toro."

Napakurap na lang ako habang nakatitig sa kaniya. Walang halong sarkasmo sa pagkakasabi niya n'on at seryosong nakatingin sa 'kin. Napakagat na lang ako sa ibabang labi ko at napabuntonghininga.

Call Me Mayor (SERIE FEROCI 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon