Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko at sumama ako kay Arken. Siguro nadala lang ako ng kagustuhan na makalayo nang pansamantala kay Vaughn, pero pinagsisisihan ko na 'yon ngayon.
"Bababa na ako!"
Hindi nagpatinag si Arken at tuloy lang sa pagmamaneho. Naiinis na napasabunot na lang ako sa sarili kong buhok at tumingin nang masama sa kaniya.
"I'm kidnapping you. Kidnappers don't listen to their victim," sabi na lang niya. Napapikit ako nang mariin.
"'Di ba sabi mo kanina hindi mo ako pipilitin kung ayaw ko?!" naiinis na tanong ko.
"Come to think of it, that's not kidnapping, right?" sabi na lang niya habang tuloy pa rin sa pagmamaneho.
"Saan mo ba ako dadalhin?" nakataas-kilay na tanong ko.
"Somewhere you can relax, forget that motherfucking Vaughn for a few days."
Napasinghap ako sa sinabi niya. Seryoso ba siya?
"Baliw ka ba?! Baka nakakalimutan mong may anak tayo?"
Halatang natigilan siya sa sinabi ko. Maski ako ay natigilan din nang mapagtanto ko ang sinabi ko. Napatikhim na lang ako at napakamot sa batok ko.
"I-ibig kong sabihin, baka nakakalimutan mong may anak ako?" sabi ko na lang at pinilit na iwaglit ang naunang sinabi ko.
"Sinundo ko na si Vander kanina," sabi na lang niya.
Napataas ang kilay ko at hinampas ang braso niya. Hindi ko alam kung saan ko kinuha ang tapang na gawin 'yon. Basta naiinis lang ako sa kaniya.
"Ang kapal naman ng mukha mo na kuhanin si Vander nang hindi nagpapaalam sa 'kin!"
"We had an agreement, right? You'll let Arkia and Vander have their quality time together. Of course, we'll join them. Don't panic. It'll be for a few days only."
Napapikit na lang ako nang mariin at napabuntonghininga. "Hindi pa ako nagpapaalam kay Vaughn," sabi ko na lang saka tumingin sa bintana.
"Fucking martyr," bulong niya.
Agad akong napasinghap at naiinis na hinarap siya. "Ano'ng sabi mo?!"
"Do you want to eat something?" tanong na lang niya habang napapatingin sa mga restaurant na nadaraanan namin.
"Ayokong kumain, basta dalhin mo na lang ako sa pagdadalhan mo sa 'kin," masungit na sabi ko saka inirapan siya. Pakiramdam ko tuloy nagkabaligtad na kaming dalawa. Ako na ang nagsusungit sa kaniya ngayon.
Tahimik lang kaming pareho. Hindi ko na alam ang sasabihin ko. Nakakaramdam ako ng kaunting konsensiya sa pagsusungit ko sa kaniya.
Dapat intindihin niya ako, brokenhearted ako.
Itinigil na niya ang sasakyan makalipas ang ilang minuto. Napaismid na lang ako nang lumabas siya ng kotse at pinagbuksan ako. Hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako palabas. Gusto ko sanang hilahin ang kamay ko at ialis sa pagkakahawak niya pero hindi na lang ako nag-inarte. Napagod na rin akong magalit at magsungit sa kaniya.
Napasinghap ako nang makakita ng malaking yate. Gulat na napatingin ako kay Arken. Wala naman siyang kibo at hila-hila pa rin ako.
"A-ano 'yan?" tanong ko saka itinuro ang yate.
"A yacht," tipid na sagot niya. Napasapo na lang ako sa noo ko. Sabi na nga ba at iyon talaga ang isasagot niya.
"I mean, bakit may yate? Saka 'yung mga yate na nakikita ko sa TV hindi naman ganyang kalaki," sabi ko saka muling napatingin sa malaking yate.
BINABASA MO ANG
Call Me Mayor (SERIE FEROCI 1)
Romance(COMPLETED) Arken Zaviere is the definition of a perfect mayor, he was the savior of Caloocan City. Aside from being strikingly handsome and intelligent, he was also known for being a competent mayor for providing the needs of everyone... saving eve...