CHAPTER THIRTY TWO

3.1K 62 4
                                    


Hindi ko parin maiwasang hindi mamangha sa interior ng bahay ni Jayson napakaganda kasi nito may pagka minimalist ang saamin kasi ni Nathan medyo dark ang theme yun kasi ang gusto niya.

"Ang aliwalas naman ng bahay mo." sabay sulyap ko sakanyang nakasulyap din pala sakin, binigyan niya ko ng isang matamis na ngiti.
"Bakit ganyan ka makatingin? May dumi ba ko sa mukha?"
Doon na siya natauhan.
"Ahh..e..wala naman, hindi ka parin kasi nagbabago ang ganda ganda mo pa din." sabay kamot sa batok niya.
"Gesture mo talaga yan pag binobola mo ko?" bahagya akong natawa.
"Ha? Hindi..Hindi a..maganda ka naman talaga." depensa niya.
"Salamat." Sinuklian ko din siya ng isang matamis na ngiti.
"Ano nga ba ang pinunta ko dito?"
Inaya niya kong maupo sa sala niya.
"May gusto kabang kainin? O inumin? Juice gusto mo?" Tila natataranta niyang turan.
"Relax okay?" ngisi ko.
"I'm good, just sit down and let's talk."
Napaupo siya dahil dun. Inantay ko siyang magsimula.
"Nathan..Nathan is your boyfriend..before."
"What do you mean before?" nagtataka na talaga ako.
"Hindi mo pa kilala ng lubusan ang boyfriend mo Ann."
Nais ko sana siyang itama dahil asawa ko na si Nathan pero hinayaan ko na lamang yun para magpatuloy siya.
"Nung nakilala kita sa school noon college schoolmates tayo nabighani mo na kagad ako kaso natuklasan kong may boyfriend ka at hindi din basta basta ang boyfriend mo." Sabay sulyap sakin.
Alam ko ang sikreto ni Nathan nasabi na saakin to ng Daddy niya bago kami makasal, alam niya kasing wala parin akong maalala. Pinili niyang sabihin sakin yun para mas maging maintindihin ako sa ugali ni Nathan.
"May sakit siya Ann at hindi basta bastang sakit yun." Halata ang pag-alala niya sa titig niya, napayuko ako dahil doon.
"Alam ko Jayson."
Ramdam ko ang gulat niya.
"A..Alam m..mo?"
"Oo." Umangat na ko ng tingin sakanya.
"Kailan mo pa alam?"
"Nasabi na saakin ng Daddy niya bago kami..bago kami ikasal."
Doon na bumagsak ang balikat niya. Saglit na katahimikan ang yumani saming dalawa.
"Totoo nga talaga yung nabalitaan ko." Napayuko siya dahil doon. Hindi ko na napigilan na hawakan yung kamay niya.
"Are you okay?" nag-alala kasi ako sa tinuran niya, para siyang binagsakan ng sampong sako.
"Oo Ann." tipid na ngiti niya.
"Pero hindi lang yun ang sasabihin ko sayo."
"Ano pa?"
"Nathan..Si Nathan sinaktan ka niya bago ka mawala."
Nawala ang kamay kong nakapatong sa kamay niya.
"Ano? Sinaktan?"
"He hurt you physically after you decided to broke up with him. Hindi lang yun bago pa kayo mag break ganyan na siya minsan napagbubuhatan ka na niya ng kamay alam kong hindi mo pa natatandaan pero malapit na Ann, malapit na wag mo lang iinumin ang mga sinasabi niyang gamot dyan sa amnesia mo."
"W..What?"
"Yung mga gamot na akala mo nakakatulong sayo ay hindi gamot para makaalala kana, yun ang mga gamot na pinasadya pa ni Nathan sa Amerika para lamang hindi mo maalala ang mga papanakit niya sayo."
Hindi ko pa naaabsorb lahat bahagyang nanghina ang katawan ko, napasandal na ko sa sofa.
"Ann, Nathan is not the man who you think. Ibang klase siyang tao makuha niya lang ang gusto niya. Alam kong matagal na kayong magkakilala simula palang bago ka mawalan ng alaala pero kahit gaano pa katagal yan hindi mo parin siya lubusang kilala kasi iba siya pag ikaw ang kaharap niya at iba din siya pag ibang tao na ang kaharap niya, alam mo bang nakapatay na siya?"
Doon na ko napalingon sakanya.
"At hindi lang isa..marami pa."
Dapat ba kong maniwala sakanya kakakilala palang namin pero meron saaking gustong maniwala, parang magbubulag-bulagan lang ako kung hahayaan ko lang ito.
"Paanong nakapatay? Hindi ganyan si Nathan, Jayson." Pagdidiin ko.
"Akala ko din." Napayuko siya.
"Kung hindi pa ako nag imbestiga hindi ko pa malalaman. Nagulat lang talaga ako na bigla kang nawala umpisa palang ng klase yun at isang araw din nahuli ko kayong nagtatalo ni Nathan na nauwi na sa sigawan. Pasensya kana napadaan lang naman ako nun gusto ko sanang tulungan kita pero may humarang saking mga lalaki at nakilala ko silang mga bodyguard ni Nathan kalat kalat sila Ann akala mo lang walang nagbabantay sayo pero meron baka nga ngayon alam na ni Jayson kung asan ka pero kailangan ko maging matatag at malakas masabi ko lang sayo ang katotohanan because you don't deserve someone like him. He's a lunatic."
At doon na ko nagulat sa pag ring ng phone ko napatingin kami doon ni Jayson.

Nathan calling..

PSYCHO'S LOVE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon