CHAPTER THIRTY THREE

3.3K 68 7
                                    


I decline his call, napatingin ako kay Jayson.
"What are you planning to do Ann? Hindi mo ba siya ico confront?"
"Hindi ko alam, Jayson. Hindi ko alam ang gagawin ko." Napasabunot nalang ako sa sarili ko. Hinawakan ni Jayson ang kamay ko.
"Everything will be alright Ann." Pinagsiklop niya ang mga kamay namin. Kumalma ako dahil doon.
"Tandaan mong andito lang ako lagi sa tabi mo. But first you need to talk to him at sabihan mo lang ako kung anong magiging desisyon mo you have my number diba." Pagpapakalma niya sakin.
"Yes, thank you Jayson." Binigyan ko siya ng isang matamis na ngiti.
"You're always welcome Ann."

Binook ako ng grab ni Jayson at maya maya lang andito na. Hinatid niya ko palabas ng bahay niya.

"Text or call me if anything happens please?" Pakikiusap niya.
Napangiti ako dahil doon.
"I will Jay." Sinuklian ko siya ng ngiti bago sumakay sa kotse.

Nakaramdam ako ng kaba ng mapansin kong malapit na ako sa bahay namin nila Nathan.
"Manong dyan nalang po sa tabi."
Tinabi ni manong ang sasakyan at nagbayad ako bago bumaba. Napahigpit ang hawak ko sa dala kong bag bago buksan ang gate.

Nadatnan kong madilim ang buong bahay.
'Wala pa kaya si Nathan?'
Aakyat na sana ako sa kwarto namin ng..
"Where have you been Cristina?"

Naestatwa ako sa aking kinatatayuan dahil doon.

"I.said.where.have.you.been!?" Nagulat ako sa pagsigaw niya. Ito ang unang beses na sumigaw si Nathan sakin simula ng magising ako sa coma. Napaharap ako sakanya.
"N..Nate?"
Tumayo siya at binuksan ang ilaw sabay lapit sakin.
"Saan ka galing? Mahirap ba sagutin yun?"
"I..I..met a..a..friend."
"Whose friend?" Mabilis na tanong niya.
"Sa pagkakatanda ko ako lang ang naging kaibigan mo sa tanang buhay mo Cristina so don't you fucking lie to me!"
"Nate..wala naman akong ginagawang masama..may nakilala kasi akong bagong kaibigan may nagdoorbell kasi kanina yung bagong lipat pala dyan malapit satin." Sunod sunod kong turan.
"What?" Hindi makapaniwala niyang tanong.
I crossed my fingers.
"BAKIT KA NAGBUBUKAS NG GATE SA HINDI MO KILALA!?" Nagulat ako sa sunod niyang sinabi. Ibig sabihin ba nun kumagat siya sa palusot ko?
"SOBRA ANG KABA KO KANINA NUNG HINDI KITA NADATNAN DITO SA BAHAY TAPOS HINDI MO PA SINASAGOT YUNG PHONE MO! PINAPATAYAN MO PA KO NG TAWAG!"
"So..Sorry Nate." Napayuko ako.
Niyakap niya ako.
"That's okay baby, please lang wag mo ng uulitin sabihan mo ko kung aalis ka. Buti nalang nakahire na ko ng mga bagong bodyguards para sayo."
"Bodyguards?"
"Yes, nakapili na ko kanina at puro babae ang pinili ko magaganda ang background nila kaya alam kong mapoprotektahan ka nila habang asa trabaho ako."
"Hindi naman kailangan, malaki na ko kaya ko na ang sarili ko Nathan."
"I insist! My decision is final."
"Pero???"
"No more buts Cristina."
Magdadahilan pa sana ako ng biglang nag ring ang phone ko na hawak ko pala.

Jayson calling..

"Who is Jayson, Cristina?"
At doon na ko nakaramdam ng kakaiba, malakas ang kutob kong tama si Jayson. Habang tinitingnan ko ang mata ni Nathan parang hindi siya ang Nathan na minahal ko parang konting galaw ko lang sasaktan niya na ko.

Bigla nalang nawala ang tiwala sakanya.

PSYCHO'S LOVE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon