CHAPTER THIRTY FIVE

3.4K 65 2
                                    


"Nathan anak, what happen?" My mom rushed.
"I don't know mom..I don't know." sabay sabunot ko sa sarili ko.

'Hindi ko alam ang gagawin ko ngayon. Alam kong kasalanan kong lahat ng ito kung hindi ko lang sana sinaktan si Cristina.'

"Everything will be alright son." Tapik sakin ni Daddy.
"We should call Cristina's parents anak."
"Natawagan ko na po." saad ko.

Maya maya lang nakarinig na kami ng nagmamadaling yabag. 
"What happen to my daughter?" Tita Alisa asked.
"Calm down Alisa." Pag-aalo ni Tito Nestor.
"How can I calm down Nestor! Asa emergency room ang anak mo!"
"Alam ko Alisa pero kasi baka ikaw naman ang mapano, hindi ko kakayaning kayong dalawa ang ma ospital."
Kumalma ang mommy ni Cristina dahil doon.

"Sino ang pamilya ng pasyente?"
Sabay sabay kaming lumapit sa doctor.
"I'm her mother. Okay na ba siya? What happen?"
"Okay na po ang anak niyo misis, hindi naman po malakas ang impact ng pagkabangga sakanya nilunasan na po namin ang sugat sa ulo niya. Nawalan lang po siya ng malay dahil sa pagod at stress. Kailangan niya lang po ng mahaba habang pahinga marahil gigising na po siya maya maya."
We all sighed in relief.
"Thank you doc." Pasasalamat ko.
"No problem, gotta go."
Tumango lang ako sakanya.

"Salamat naman at okay na si Cristina. Ano ba talagang nangyari Nate?" Pagtatanong ng mommy niya.
"Nag-away po kami..nasaktan ko po siya..hindi ko po sinasadya..hindi ko po talaga sinasadya..tapos po..tapos.."
Tinapik ni Daddy ang balikat ko napatingin ako sakanya dahil doon, sinenyasan niya kong ituloy ko ang kwento ko.
"Tapos po umalis siya..iiwan niya na daw ako Tita. Hindi ko po kayang mangyari yun." Ramdam ko nanaman ang pagpatak ng luha ko.
Nakailang iyak na ba ako ngayong araw.
Naramdaman kong may yumakap sakin.
"Magiging okay din ang lahat ijo, may tiwala ako sayo. Pagsubok niyo lang yang mag-asawa." Napayakap ako pabalik dahil doon.

'Do I still deserve this treatment from them? Sinaktan ko ang anak nila.'

Napatingin kami ng bumukas ang emergency room at nilabas si Cristina.

"Ililipat na po namin siya sa private room." sabi ng nurse.
Sumunod kami.

Lumabas ako ng kwarto ni Cristina, naiwan sa loob ang parents niya pati ang parents ko.

"Boss." Napalingon ako sa palapit sakin.
"Nakuha na po namin si Cruz. Ano na pong balak niyo?"
Napahinga ako ng malalim, dahil dito kaya kami nag-away dahil dito kaya siya nasaktan kaya nagpasya ako na..
"Pakawalan niyo na."
"Ho?"
Napatingin ako sakanya ng taimtim.
"Do I need to repeat myself?"
Bigla namang kinabahan si Diether dahil doon. I know they found me intimidating but wala akong magagawa ganto talaga ako.  I am short tempered.
"Copy Boss." Umalis na siya.

'I think I need to change. This is for our own good right?' Napahawak nanaman ako sa sentido kong nanakit.

"I need to take med." Umalis ako para pumunta sa malapit na botika.

Cristina

Bakit parang ang haba ata ng tulog ko? bakit parang ang sakit ng ulo ko? Nauuhaw din ako.
Napadilat ako ngunit nasilaw ako kaya napapikit uli ako, sabay dilat uli.

"Cristina! Thank God your awake!" My mom exhaled.
Ramdam ko naman ang paghawak ni Daddy sa kabilang kamay ko.
"I'm glad your now awake anak."
Nakita ko din ang parents ni Nathan na napatayo at lumapit sakin sabay bigay ng ngiti.
"Tito, Tita, Mom and Dad ano pong nangyari?"
"I'll call your Doctor." Tito Roderick said.
"Naaksidente ka anak."
Napahawak ako sa ulo ko na may benda.
"Si Nathan po?"
Bago pa nila masagot ang tanong ko may biglang pumasok.
"Kamusta ija? May masakit pa ba sayo?" My doctor asked.
"Medyo masakit lang po ang ulo ko doc."
"Ganyan talaga pero bibigyan ka namin ng pain reliever mamaya. Ang kailangan mo lang gawin ngayon ay magpahinga kailangan ka pa naming i observe ng ilang araw bago ka makauwi."
"Thank you doc."
"You are welcome."
Umalis na din siya pagkatapos non.

"Where is your son Roderick?"
"I'll call him." Lalabas na sana para tumawag si Tito Roderick ng..
"Cristina.."
"Nate.."
Dali dali siyang lumapit sakin sabay yakap ng mahigpit sakin.
"Thank you God." Ramdam ko ang pagkabasa ng balikat ko.
He is crying..again.
"You are crying." Binitawan niya ako sabay hawak sa magkabilang pisngi ko.
"I'm so sorry darling. This is all my fault."

"I know and..
Nate, nakakaalala na ko."
Nathan stiffened.

PSYCHO'S LOVE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon