CHAPTER THIRTY FOUR

3K 58 4
                                    


"WHO IS JAYSON?" Ramdam ko ang lamig ng titig sakin ni Nathan.
"J-Just a f-friend." kandautal utal kong saad.
"Wala akong maalala na may Jayson kang kaibigan. Kakasabi ko lang na AKO lang ang naging kasa-kasama mo simula mga bata palang tayo. Now tell me the truth Cristina, hindi mo gugustuhing magalit ako."
Hindi nag-alis ng tingin sa akin si Nathan parang sinusubukan niyang basahin ang isip ko.
Napatingin ako ng diretso sakanya.
"I met him kanina."
Napatiim bagang siya dahil doon.
"Sinungaling ka!" sabay sampal sakin.
Napahawak ako sa pisngi ko dahil doon.
"Nate, did you just slap me?" hindi makapaniwalang tanong ko sakanya.
Bigla namang umamo ang mukha ni Nathan.
"Baby..baby i'm sorry..ikaw kasi e ginalit mo ako." sabay hawak sa magkabila kong braso.
Winasiwas ko ang kamay niya sabay hakbang patalikod.
"I hate you Nate. Tama nga si Jayson hindi pa kita kilala!"
Mas lalong sumiklab ang mata ni Nathan, napakuyom na siya ng palad.
"Diether."
Bigla namang may lumapit sakanyang lalaki malaki ang katawan halatang batak sa gym at halos magkasingtangkad lang sila ni Nathan.
"Yes boss."
"Find that Cruz." sabi niya dito habang hindi inaalis ang tingin sakin.

'Cruz?? Sinong Cruz? Hindi kaya si Jayson ang tinutukoy niya?' sa isip ko.

"Yes boss." bigla nalang may sumulpot na lima pang lalaking armado ng baril sa tabi nung Diether.
"And you my dear, let's go to our room. Alam kong pagod kana." Sabay lapit sakin at hawak sa bewang ko.
"NO! HINDI NA KO SASAMA ULI SAYO! AYOKO NA SAYO! MASAMA KA! UUWI NA KO SAMIN!"
"My patience has a limit Cristina." tila pagtitimpi niyang saad.
"SINABING HINDI NA KO SASAMA SAYO!" Padabog na tinanggal ko ang kamay niya sabay takbo sa labas.
"CRISTINA!!! COME BACK HERE!!"
Hindi ko pinansin ang tawag niya dire-diretso lang akong lumabas ng gate. Mabuti na lamang at nakaalis na yung mga tauhan niya.
Takbo lang ako ng takbo hanggang sa makapunta na ako sa kalsada medyo malayo ang bahay ni Nathan sa kalsada na dinadaanan ng mga sasakyan.
Hingal na hingal na ko ng biglang mapansin ko ang paparating na SUV kilala ko kung kanino yun. Bumilis ang takbo ko ngunit 'di hamak na mas mabilis yun.

Pagod na pagod na ko hindi ko na kaya napahinto ako dahil ramdam ko na ang sakit ng paa ko at ganon din ang paghinto ng SUV malapit sakin. Dali daling bumaba si Nathan napatingin ako sakanya ramdam ko ang galit niya at napatakbo ako dahil doon.

BEEP BEEP!!!

"Cristina!!!"

Katapusan ko na ba? Ramdam ko ang pagbagsak ko sa lupa at ang pag-agos ng dugo saking noo at tila mga larawan ng nakaraan ang pagtakbo ko din kay Nathan noon ang pag-aaway namin sa sasakyan lahat ng yon ay tila nanumbalik.

Ramdam kong may nag-angat sakin.

"Baby hold on okay. I'll take you to the hospital. Please don't leave me." Mangiyak ngiyak niyang saad.

Napahawak ako sa kanyang pisngi dahil ngayon ko lamang nakitang umiyak si Nathan.

Bago pa ko mawalan ng urat narinig ko pang sinabi niya na

"I love you Cristina."

THE END IS NEAR.

PSYCHO'S LOVE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon