Chapter 15

102 6 0
                                    

#A2CanICall

Hindi ako makatulog habang patuloy pa din akong kinakain ng iniisip ko.

I tried processing everything that had happened.

Nakahiga akong nakatingin lang sa ceiling.

Iniisip ko yung ang kalma lang naman ng buhay ko noon. Masaya na ako kapag nakikita ko si Bhryle na pumupunta sa Hospital. Yung makikita ko siyang nagmamaka-awa sa Papa niya na tutulongang ligtasin yung babaeng mahal niya. Si Irina tapos si Elsie.

It's been years pero parang kailan lang.

Nakikita ko sa isipan ko ang mga nangyayari sa nakaraang araw.

Namula ako sa mga naiisip ko.

Sumakay ako sa motorbike ni Bhryle habang halos nakayakap na ako ng sobra-sobra sa kanya. Tapos palagi kaming nag-uusap. Hindi lang usap kundi nagbabangayan din one time kasi galit na galit ako. Ang daming nangyari na noon pa man ay hinihintay kong mangyari. Katulad nang makausap siya palagi at makasama siya. Pero bakit hindi ko na masyadong na-appreciate yun nang palagi na kaming magkasama?

One time, na-down ako sa mga attitude an pinapakita ni Bhryle.

And there I realized na hindi ko pa talaga kilala ang crush ko.

Pero Bakit ko ba iniisip na kilalanin siya nang bonggang-bongga? Hangang crush lang naman ito diba?

Pero when Bhryle approached me one-time sa hospital lobby?

I can say na sobrang nawindang ako nun.

His eyes were locked on mine tapos naglalakad pa siya towards me. I felt so in love at that time. Pero ngayon? I feel a little weird. Kasi masyado akong distracted sa mga nangyayari. Pero knowing that Bhryle and Dustin saved the whole company and my whole family? I feel so thankful.

Bhryle, bakit sa maraming dahilan na dapat hindi kita magugustuhan ay may isa pa ding reason kung bakit gusto kita.

Grabe ka magbigay ng care.

Pero hindi mo iyon pinapahalata.

He cared so much for Dustin.

Oo nga.

Si Dustin naman talaga ang reason kung bakit nagsimula siyang kumausap sa akin, kung bakit dinadala niya ako ng kahit saang lugar na akala ko ay hindi nag-eexist ngayon, o sa mga bagay na akala ko impossible na mangyayari sa aming dalawa. The connection.

Si Dustin naman ang reason. The main reason kung bakit determinado siya. Hindi naman ako yung reason niya kung bakit kailangan niya i-save ang family ko. He just feels responsible for Dustin. And in that way, he feels obligated to be responsible to me as well.

Kaya nga.

Kaya dapat hindi ko iisipin na ginagawa niya iyon lahat para sa akin.

Pero one time sabi niya he needs to protect me kaya palagi siyang nakadikit sa akin instead of chasing Dustin.

Ang gulo.

Ganito ba talaga si Bhryle parati?

Curious talaga ako.

I sighed.

"Salamat Lord," I said when I remembered my family.

Iba talaga basta family na ang pag-uusapan.

Yung may parte sa iyo na dapat ma-poprotect mo yung mga taong mahal mo kasi yun ang dapat mong gawin.

Hindi mawawala ang mag-aalala.
Hindi mawawala ang magiging masaya matapos na makita mo silang safe at happy.
I always admire my family so much.

Bahala nang hindi mag-'Ate' si Andre sa akin basta safe siya and well.

Yun lang naman ang mga bagay na pangarap ko.

Ang makitang masaya sila.

Yun lang.

Napangiti ako.

Nga pala, hindi ko ba pasasalamatan ng bongga si Bhryle at Dustin? Except for kay Meg at Magsy na iniinis lang ako. Ganun pala talaga nila ako ka-hate? Ganun din ba treatment nila sa mga babaeng nagdaan kay Bhryle? Sino-sino pa kaya ang mga babae na dinadala ni Bhryle sa hideout nila?

I sighed and get up from bed.

Nauuhaw ako kaya pumunta ako sa kusina.

Uminom ako ng tubig.

After that, I yawned and went back to bed.

I positioned myself in a comfortable way possible para mas madali akong makatulog. I switched off the lights and sighed again.

My phone suddenly beeps.

Ilang segundo bago ko tinignan ang mensahe. Kasi balak ko sanang hindi maggamit ng phone basta madilim na. Masama kasi sa mata.

I turned the lampshade on.


From: Doctor James

Message: it's me bhryle, can I call?


HOLY SHIT

AMOROUS 2: Bhryle Steven James (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon