Chapter 28

117 4 0
                                    

#A2DoYouReallyLoveMe

Habang nagmamaneho si Bhryle ay hindi ko mapigilan ang sarilli ko na hindi magsalita. Tahimik lang ako mula nung nagsimula na kaming bumiyahe. Nilalamon ako nang isip ko. Minsan mapapatingin ako kay Bhryle at mapapaisip: "Mahal mo ba talaga ako?"

Nagsimula akong mag-brainstorm sa mga panahon na palaging andito si Bhryle sa tabi ko. Dapat kasi kapag nag-ooverthink, you should know how to cope up. Kasi kung hahayaan mo ang sarili mo na mag-isip ng mga negative, baka ma-manipulate nito ang decisions mo. Dapat hindi padalos-dalos.

Nagsimulang mag-flashbacks ang mga nangyayari sa nakaraang buwan. Ang bilis pala talaga ng pangyayari. Pero matagal ko nang nagustuhan si Bhryle. Pero bakit hanggang ngayon ay pakiramdam ko ay hindi pa din totoo ang lahat ng ito? Na para bang kagaya lang ng fiancee thing, kahit hindi pa kami magkajowa nun. Bakit andami na naming mga kasinungalingan? Kaya ngayon, natatakot ako na pati itong namamagitan sa aming dalawa ay hindi rin totoo.

"Amelie..."

Napatingin ako kay Bhryle and figured na kanina pa siya tumatawag sa pangalan ko.

Kaagad niyang ipinark sa gilig ng kalsada ang kotse niya.

Inabot niya ang noo ko at saka tinignan ako ng maigi.

"Tama si Dad. I should have let you rest." Sabi niya. "I'm sorry."

Napailing ako.

"Okay lang."

Oo, gusto kong tayo lang magkasama Bhryle.

Tapos mag-uusap tayo ng seryoso tungkol sa atin.

Ang selfish ko na ba pakinggan?

Napatango si Bhryle.

"Let's go home." Sabi ni Bhryle at saka nagsimula na ulit na magmaneho. Bigla siyang nag-U-turn.

"Ihahatid mo ko pauwi?" Sabi ko.

"Bakit? Gusto mo na ba umuwi?"

Napailing ako, "Gusto pa kitang makasama." I said.

Napangiti siya.

Napasandal ako sa balikat ni Bhryle habang nagmamaneho siya.

He pressed some button sa car at biglang may tunog akong naririnig. It was something like a country song.

Napapikit tuloy ako ng mga mata ko.

Naramdaman ko ang kamay ni Bhryle na hinahawakan ang braso ko to make me lean closer to him. Isinubsob ko naman ang ulo ko sa leeg ni Bhryle.

I felt him kissing my hair.

"Pagod na pagod ang mahal ko." Sabi ni Bhryle.

God, it feels so real.

Bakit ba ang lungkot ko? Yung tipo nang lungkot na mapapaiyak ka. Makakaramdam ka nang kirot sa puso. Parang nilalagnat.

I felt the car stopped moving.

Nakatulog pala ako.

Nagising akong nakayakap kay Bhryle.

Akala ko nakatulog rin si Bhryle but he wasn't.

He was awake and he was just watching me sleep.

"Ang cute mo matulog." Sabi ni Bhryle.

And that is the first time na nakatulog ako habang yakap ko si Bhryle.

Umalis ako sa yakap at saka nag-unbuckled si Bhryle sa seatbelt. Ganun din ako. Lumabas na ako at saka ko napansin na wala kami sa bahay napunta. I don't know where this is.

AMOROUS 2: Bhryle Steven James (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon