Chapter 16

98 5 0
                                    

#A2ContactName

"I can't believe he is using the doctor's phone to call me!" I said, talking to myself.

Kaagad akong napatayo.

Hindi ako mapakali.

'Can I call?'

OO NAMAN SYMPRE.

Ilang minuto bago ako naka-reply.


To: Doctor James
From: Amelie Sandross
Message: Yes, bhryle



Matapos kong ma-click and send button ay kaagad akong napayakap sa phone ko. Oh my god. Bakit ang daming mga nangyayari today? Mixed emotions are really holding my soul right now. Ano naman kaya ang sasabihin ni Bhryle? Nag-expect lang talaga ako na medyo closer na kami ngayon matapos ang mga nangyari, e.

After that epic Fiancee thing, talagang na pin-point pa ni Enver na I intentionally pretended to cover up him para maka-build ng connection. Parang si Enver lang naman ata napapaisip ng ganoon. Sa tingin ko hindi naman obvious masyado if it was Bhryle.

Ilang segundo ay nag-ring kaagad ang phone ko.

Napatingin ako sa caller ID.

It was still Dr. James's phone number. Kaagad ko itong sinagot.

"Bhryle?" I said.

I heard a cough from the other line.

"I just called to say that..."

I just called to say I love you.

"...that you shouldn't mention me or Dustin to your brother or the company."

Napasinghap ako ng hangin.

Oh my god, sobra akong nag-expect na kukumustahin niya ako at-- ano pa bang gusto mong uri ng katangahan Amelie? You should stop na.

"O-okay, I didn't," I said. "Even about the hideout house."

Hearing his voice over the phone is making me bit my lip.

Dear Bhryle,
This would be the first time that we are talking over the phone. Isn't this kind of a level-up? I am fluttered.

"Oh, that's good. I just called to say that." He said.

"But you're using your Father's phone to call me," I said.

Napatahimik siya bigla.

"Bhryle?"

"Yeah, I'll delete the history. I'll save your number to my phone then. Is it okay?" He said.

Nailayo ko ang phone ko sa bibig ko kasi halos mapapatili na ako sa kilig.

A call.

And now getting my phone number.

Ako na yata ang may pinakamababaw na kasiyahan sa buong mundo.

Tapos tanga na rin.

Aware na aware ako pero na-enjoy ko naman yung katangahan ko slight kaya gora.

"Yeah, sure." I said. And covered my mouth to stop myself from making noise. Mahirap na baka marinig ako ni Bhryle.

"And uh..." I started. "I wanted to thank you pala. It's a big big thing. And I want to treat you something." Sabi ko. Ohoy, galawang Amelie.

"It's actually okay, Amelie. It wasn't a first time."

It wasn't a first time.

I froze.

I frowned.

Nga naman.

Maybe he did more saving before me.

I sighed with the thought of Bhryle saving any girls and cried when they're hurt. Sana all.

"Oh, okay," I said.

"Bye." He said and hang up the call.

Napatingin ako sa call history ko.

That was a 1-minute call.

And he told me that I am not just the only one he saved.

Of course, Amelie.

Sino ka ba sa buhay niya?

Coincidence lang talaga na nalaman niyang kapatid ka nang CEO.

Kaya nangyari lahat yun.

Ganun lang.

Tulog nalang ako. May duty pa ako bukas. Tapos kailangan kong gumawa ng mga rason kung bakit absent ako for days. Padabog kong nilagay sa side table ang phone ko. Ganito nalang talaga palagi no. Yung expectations lang din ang sasaksak sayo.

Matutulog na sana ulit ako nang bigla na namang mag-beep ang phone ko.

Tamad kong chini-check kung anong notification naman yun.

But when I saw the message from the unknown number, napangiti ako.


From: Unknown Number
Message: hi amelie, it's bhryle.


Napahigit ako ng hangin.

"Oh my god!" Itinaas ko ang phone ko. "FINALLY!!!!"

Magkakaroon na kami ng conversation ni Bhryle simula ngayon. Funny how my mood changed after this. That escalated rather too quickly. Napayakap na naman ako sa phone ko. Mabilis kong ini-edit ang Contact Name ni Bhryle.


Contact Name: MY BHRYLE STEVEN
Contact Number: 0975*******


Oh, my heart, my soul.

I replied to MY BHRYLE STEVEN.


To: MY BHRYLE STEVEN
From: Amelie Sandross
Message: saved hehe



Ang oa ba nang reply ko? Bahala na. Basta ayokong maiwan sa delivered zone si Bhryle. Dapat siya lang mag-seen sa akin. Hindi ko kasi kaya na hindi siya replyan. Dang it, we just exchanged messages.

Naghintay ako ng ilang minuto kung magrereply pa ba siya pero wala na kaya I decided na matulog nalang. Masyado na akong haggard tapos gusto ko na munang mag-relax. Baka busy ako masyado simula bukas. Babawi ako sa absences ko. Okay.

Let's calm down first, Amelie.

Nakatulog ako habang hawak-hawak pa ang phone ko.

Oh, Bhryle.

AMOROUS 2: Bhryle Steven James (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon