Kabanata 2
"Finally! Ang tagal mo." bungad ni Kuya Jandro sa'kin. Binigay ko naman sakanya yung mga pinamili ko.
"Kung hindi ka sana nagpabili baka kanina pa 'ko nandito!" reklamo ko.
Niyakap naman niya ako at sinabi na ang sungit ko raw. Inirapan ko naman siya.
"Ew, you're too close!" I laughed.
Inakbayan niya ako at sabay kami umakyat sa terrace. Paakyat pa lang, rinig na rinig ko na ang mga tawanan nila Veronica.
Pag-akyat, tinanggal na ni Kuya Jandro ang pagkaakbay sa'kin. Hinila niya ako papunta sa katabing upuan ng kanya.
"Tagal mo, ate." si Veronica at inabutan ako ng baso na may lamang alak.
Nilagok ko iyon bago sumagot.
"Si Kuya Jandro kasi! Tss." ako at inirapan siya.
I glanced at Ely and Leoncio. Inagaw ni Leoncio ang baso kay Eleesha Benoite. Ely rolled her eyes.
"Bawal. You're not yet 18!" si Leoncio at ininom ang inagaw niyang baso kay Ely.
"Okay, boss." Ely said.
Hinalikan naman siya sa pisngi ni Leoncio at inakbayan. Ang lalandi!
"Ew, PDA!" si Ver at uminom ng juice.
Kahit pinapayagan na siya nila Tita Elen, hindi pa rin siya makakainom. Alam niyo kung bakit? Hindi siya pinagbibigyan ni Kuya Jandro. The eldest from our gang.
"Nice one, brotha!" si Kuya Jandro at nakipag-apir kay Leoncio.
Sana si Eleesha and Leoncio na hanggang dulo! I mean... dati ko pa napapansin na may crush si Ely kay Leon. Pakiramdam ko rin naman ay ganoon din si Leon sa kanya.
Noong bata pa lang si Ely, nakikita ko na panay ang titig niya kay Leon. One time nga, tinanong ko si Leon kung type niya ba si Ely. Hindi niya ako sinagot. I think that's a yes?
Looking at them right now makes me happy. She changed Leon. Dati, ang sungit-sungit ng batang 'yan! Panay ang irap at laging nakasimangot. But when he met Ely, lagi na siyang sumasama sa'min lalo na kapag narinig niya na kila Veron ang punta. Lagi na rin siyang nakangiti. Mas lumalaki nga lang kapag si Eleesha na ang kaharap.
"Sana all!" sabi ko at sumubo ng craklings.
Inakbayan naman ako ni Kuya Jandro habang umiinom.
"Ghoster pala ang nais mo, 'te." si Veronica. I looked at her and raised my middle finger. She laughed and raised hers too.
Napadami na ang kwentuhan at inom namin. Nag-iikot na rin ang paningin ko pero kaya ko pa naman. Ilang shot pa, Clara Hazel! Go girl!
Habang nagkwekwentuhan sila, napatigil ako sa pag-inom. Naluluha ako. Ang sakit ng puso ko. Lintek na Apollo 'yan, bakit ba kita laging naaalala?
Pinunasan ko ang mga luha na lumalabas sa mga mata ko. Wala rin namang sense yung pagpupunas ko kasi hindi tumitigil yung paglabas, e. Tumigil na rin sila sa pag-uusap nang mapansin na umiiyak na ako.
"Tangina naman... bakit kasi gano'n?" sabi ko at patuloy pa rin ang pagpupunas. Tumawa rin ako ng kaonti.
Tinignan ko sila at nakita na hindi na pala sila umiinom. Nakatitig lang sila sa'kin. Mukha silang nag-aabang sa chika ng broken hearted nilang friend!
"Ano ba kasing mali? May mali ba akong nasabi? Tangina.. Ando'n na, e.." I sobbed.
Lalo pa akong naiyak nang marinig ang isang kanta ng December Avenue. Wala naman yan kanina, ah? Sinong nagplay n'yan? Bwisit, lalo akong naiyak!
"Oh baka ako lang nakaramdam ng lahat? Bakit ko ba.. b-bakit ko ba kasi binigyan lahat ng meaning? Ayon tuloy, biglang.." hindi ko na maituloy kasi sobra-sobra na yung pag-iyak ko.
"B-Biglang hindi nagparamdam ang gago, e.. Grabe lang! P-Pumangit ba 'ko? Ano bang mali? May mali ba sa'kin? Fuck.. ilang taon.. ilang taon akong naghintay.." patuloy ko at nagpunas ng luha.
"A-Ate..." si Veronica at akmang lalapit sa'kin. Umiling ako sakanya at ngumiti.
"Ganun pala 'yon.. kahit ilang taon ka pang maghintay.. In the end, talo ka pa rin. Hindi ka pa rin pala pipiliin. Kahit anong gawin mo, wala.. walang epekto 'yon sa kanya.." sabi ko.
Andaming tanong sa utak ko, e. Ang daming sakit dito sa puso ko.. Bakit ba kasi? Okay naman kami, ah. Nagkakamabutihan na nga kami, e. Bakit biglang.. nawala? Bakit biglang hindi na nagparamdam? Hindi ba pwedeng aminin na lang na ayaw na niya akong makasama? Makausap? Yung gano'n?
"Ang tanga ko. Ang tanga-tanga ko! Nahulog ako sa gagong 'yon? Omg! I'm so tanga, talaga?!" ako at uminom ng alak.
Fuck it. Sabi ko sa sarili ko, hindi ko na siya iiyakan. Kasi tangina siya, e. Hindi niya deserve ang mga luha ko! Pero wala.. kinain ko pa rin mga sinabi ko. At the end, iiyak at iiyak pa rin ako lalo na kapag naaalala ko siya. Hirap kalimutan, tangina.
Naramdaman ko ang yakap ni Kuya Jandro. Pinapatahan niya ako pero walang silbi. Hindi ako matigil. Patuloy pa rin ang pagbagsak ng mga luha ko.
"Lasing na lasing na ata ako.. shot!" sabi ko at tumawa.
"Clara..." si Kuya Jandro at sinubukan na agawin ang baso na hawak ko. Iniwas ko 'yon sa kanya.
"Tangina! Tangina lang! Tangina Apollo! Ano pa bang kulang? Putangina, ang sakit!" sabi ko at humagulgol.
Hindi ko na kaya. Gusto kong magwala! Gusto kong ilabas lahat ng sakit na nandito sa puso ko!
Do I fucking deserve this? Nagmahal lang naman ako. Bakit kailangan gano'n pa ang isukli sa'kin? May kulang pa ba sa'kin? Baka may mali? My gosh, I can't believe that this is happening to me... oh damn..
"Shh, sweetie. Tama na.. please stop crying.." bulong ni Kuya Jandro at niyakap ako ng mahigpit.
Bumuhos lalo ang mga luha ko. Hinayaan niya lang ako na umiyak sa bisig niya.
"Ayusin niyo na yan.. ihahatid ko na siya sa guest room.." utos ni Kuya Jandro sakanila.
"Clara? Can you walk?" bulong sa'kin ni Kuya Jandro. Tumango naman ako at humiwalay sakanya.
Tumayo kami at nagsimula nang maglakad. Hindi na gano'n kaayos ang paglalakad ko kaya hinawakan niya ako sa bewang para maalalayan.
"You don't deserve this.. you don't deserve him.." bulong niya sa'kin bago ako mawalan ng malay.
----------------------------------------
Grabe iyak ko sa chapter na 'to. Ramdam ko yung hinanakit ni Clara! Arghhh. Sobrang saket mamiiii.
Don't forget to vote and comment! ♡

BINABASA MO ANG
Lies In His Eyes
RomanceTREVINO SERIES #2 [ ON-GOING ] It all started when Clara met him on her 18th birthday party. Her friend, Arthur, introduced his friend who's a writer, named Apollo. ••• book cover made by: @jihyoshighnote thank you po! ♡