Kabanata 11

5 2 0
                                    

Kabanata 11

"Bwisit!" sabi ko at binaba ang pencil. Kanina pa ako nakauwi at inaabala ko ang aking sarili sa pagdradrawing. I tried painting too but I don't have any idea what should I paint. Iniisip ko masyado si Apollo.

Kinuha ko ang aking cellphone sa ibabaw ng lamesa at tinignan kung may bagong message na ba siya. Napangiti ako nang makita ang kanyang pangalan. After 1 week!

Apollo Migui:

I'm sorry. Something came up.  Can we talk?

Me:

It's okay! Sure :)

Nagulat ako nang tumunog ang aking phone. Akala ko magkikita, tatawag pala. 'Di manlang ako ininform.

"H-Hello..." mahina kong sabi. Ang bilis nang tibok ng puso ko. Pinagpapawisan din ako. Naramdaman ko rin ang panlalamig ng aking mga kamay. Natatae ata ako?

"Sorry ulit," aniya at huminga ng malalim.

I smiled even though he can't see me. 

"Okay nga lang po," sabi ko. Halata ata sa boses ko ang tuwa.

Hindi siya nagsalita. I didn't speak din tuloy. After a long silence, nagsalita na rin siya.

"Can we... uh, hangout? Gusto kong bumawi," he said. This week? 

"I'll check my schedule muna." sabi ko at sumandal sa upuan. I think wala naman ata akong gagawin ngayong week. Pero baka may biglang sumulpot na offer. Hmm...

"Oh... okay. Sabihan mo na lang ako kapag hindi ka na busy." aniya at humikab. I think he's tired na. Siguro sobrang busy niya.

He dropped the call after that. Magsusulat pa raw siya at gagawa ng mga tasks na inassign sa kaniya. Hinayaan ko na lang dahil mukhang nagmamadali at marami talaga siyang ginagawa.

I put down my phone and continue what I'm doing earlier. Gumuhit ako ng isang babae na nakatalikod at nakatingala sa kalangitan. She's wearing a baro't saya. 

Ilang buwan na lang at 2nd year college na ako. Mas magiging busy na ako at baka wala na akong time lumandi. 

Napatigil ako sa pagthothoughts ng kung ano-ano nang bumukas ang pintuan. Dire-diretso ang kanyang lakad patungo sa aking kama at binagsak ang kanyang sarili.

"Hi sister!" masayang sabi ko. I should chika her about me and Apollo.

I stand up and sit beside her. Magsasalita na sana ako ngunit narinig ko ang kanyang hagulgol.

"Veronica, w-what happend? Hey, tell me. Bakit ka umiiyak? Nica..." nag-aalala kong sabi.

Bumangon siya at niyakap ako. Sobrang higpit. Ang lakas din nang pag-iyak niya. Mas lalo akong nagworry dahil sa iyak niya. Parang... parang ang bigat ng mga problema niya.

"Shh, tell me... anong nangyari, Veronica?" tanong ko at niyakap din siya.

"A-Ate, they are bullying me. A-Ayoko nang p-pumasok.." her voice cracked. 

I stopped patting her back. Nanghina ako at naluha rin. While I'm happy and enjoying my thing, hindi ko manlang makausap nang maayos o kamustahin si Veronica. 

"Since when?" tanong ko at pinagpatuloy ang paghagod sa kanyang likod kahit nanghihina ako.

"Last month, ate..." aniya.

Pumikit ako nang mariin at pinunasan ang luha na lumabas mula sa aking mata. Bakit hindi ko manlang napansin? Hindi sana aabot sa ganito kung kinakausap ko siya lagi at kinakamusta. I'm such a bad sister.

When she stopped crying, pinakalma ko siya. I want to ask and talk to her.

She looks okay naman lately. But I noticed that she's changing. From being talkative person, tahimik at cold na siyang sumagot ngayon. Akala ko nung una, binabago niya ang kanyang sarili o 'di kaya ay gusto niya lang.

Ayun pala, may ganitong nangyayari na sa kanya. It breaks my heart lalo na nang maisip kung paano niya ito nahahandle at nakakatulog sa gabi. 

"Okay ka na?" I asked her. She nodded. I sighed.

"Anong ginawa nila sa'yo? Tell me." sabi ko at tinignan siya. Nag-iwas siya ng tingin at yumuko.

"Promise me, you won't tell to Mom and Dad about this? Hmm? Ate, please?" aniya at hinawakan ang aking mga kamay. Kumunot ang aking noo.

"Why? Veronica, kai-" 

"I-I'm scared, Ate. I don't want to tell them kasi alam kong mas ibubully nila ako kapag nagsumbong ako." sabi niya. Naramdaman ko ang panlalamig ng kanyang mga kamay.

Tumango na lang ako kahit na hindi sigurado kung susundin ko ang kanyang sinabi. Huminga siya ng malalim bago sabihin lahat ng mga nangyayari sa school nila. 

Kitang-kita sa kanyang mga mata ang sakit at lungkot habang nagkwekwento siya. Balnko ang kanyang ekspresyon ngunit makikita mo sa kanyang mga mata ang totoong nararamdaman niya.

Naalala ko ang batang Veronica. Laging nangungulit, madaldal at malikot. No'ng bata kami, we barely fight lang. Because of stupid reasons pa. 

Ngumiti ako ng kaonti nang maalala ang kanyang itsura na wala pang masyadong iniisip na problema. I don't mind if she thinks I'm crazy ngayon dahil nakangiti ako at mukhang tanga.

 Seeing her right now, makikita mo talaga na ang laki nang pinagbago niya dahil sa epekto nang pambubully sa kanya. Mukhang madalas siyang puyat dahil napapansin ko na ang pangingitim sa ilalim ng kanyang mga mata. Pumapayat na din siya.

She fell asleep after niyang magkwento. Hinayaan ko siyang matulog sa aking kama. Iniwan ko siya ro'n at pinuntahan si Mommy sa kanyang office.

I knocked twice before opening the door. Naabutan kong nagbabasa si Mommy sa kanyang notebook. 

"Mommy..." tawag ko para malipat sa'kin ang paningin niya.

Nilingon niya ako. I smiled and closed the door. Lumapit ako sa kanya at umupo sa couch. 

"Anong kwento, anak?" tanong niya at binitawan ang notebook na binabasa niya kanina.

"Mom, can you, uhm... transfer Veronica to another school?" sabi ko. 

Huminga siya nang malalim at sumadal sa kanyang swivel chair. 

"Plano ko na talaga 'yan. Hmm, I think last month pa. Hindi ko pa kasi nasasabi sa Daddy niyo kaya hindi pa nangayayari." sabi niya at humikab. Tumango-tango ako.

I wonder if she knows about Veronica's problems. But sabi ni Mommy, last month niya pa planong ilipat si Nica, e. Baka alam niya? Or the principal told her?

But! Sabi ni Nica, hindi naman daw alam ng principal and any teachers sa school nila. Hmm...

-------------------------------------

Don't forget to vote and comment! ♡






Lies In His EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon