Kabanata 4
"Ouch!" I said. Napahawak ako sa aking ulo. Damn, hangover.
Bumangon ako at kinuha ang isang baso ng tubig na nakalagay sa mesa. After that, I opened my phone. I know I'm already late... I don't have a plan to attend my class naman talaga. Maiintindihan naman iyon nila Mom. Besides, it's my birthday yesterday!
Sumandal ako at binuksan ang aking Instagram account. Gosh! So many mentions and messages! Isa-isa ko iyong tinignan at nagreply na rin. Mabuti na lang at masipag ako pagdating sa mga ganito.
Nagpost si Elle ng aming picture. 'HBD to my bestfriend since grade 3!' Ang cute ng caption pero ang pangit ko sa picture. The fuck. Tinignan ko kung sino ang mga naglike. Nagulat ako nang makita ang pangalan ni Apollo. Shit! He saw my disgusting face!
Ang huli kong nireply-an ay ang mga pinsan ko. Pinindot ko ang IG story ni Kuya Jandro. Nanlaki ang mga mata ko sa napanood.
What the hell!!! Bakit niya inistory 'to?! Mukha akong lasinggera rito! Ang nandon sa kanyang story ay umiinom ako ng alak habang sumasayaw. Medyo magulo ang buhok ko ro'n at ang haggard ko na tignan. May nakalagay pa ro'n sa gilid ng, 'Happy 18th my lady :) ILY!' Napangiti ako.
Nagreact ako ng heart at nagtipa ng reply para sa kanya.
'Sweet mo talaga. Magstory ka na nga lang, mukha pa akong lasinggera amp haha tsk.'
Sent! Habang nagscroll ako, nagreply si Kuya Jandro.
jndrtrvno:
Where's my 'I love you too'? :P
Napairap ako at hindi na lang nagreply. Yuck! As if naman sasabihin ko 'no.
Maya-maya ay binitawan ko na ang aking phone at inayos na ang higaan. Pagkatapos non, kinuha ko ang aking laptop at bumaba na.
"Sila Daddy, Manang?" tanong ko nang makarating sa dining area.
"Maagang umalis, iha. Papasok ka pa ba? Anong oras na, ah?" tanong niya at nilapag ang pagkain sa aking harapan.
"Thank you po. Hindi na po, e.. bukas na lang po.." sabi ko at ngumiti ng kaonti. Tumango siya at iniwan ako.
I opened my emails and read some messages. Ohmygosh! May nag-email sa'kin na modeling agency! Agad akong nagreply at sinabi na payag ako sa Tuesday ng gabi.
Paano ko kaya sasabihin ito kay Mommy at Daddy? I mean... they support me naman pero.. aish! Bahala na nga. Ito naman talaga ang gusto ko.
Nagkibit balikat na lang ako at nagsimula nang maglagay ng pagkain sa aking plato. Kaonti lang 'yon at puro gulay. Habang kumakain ay tumutulala ako saglit para mag-isip ng kung ano-ano. Wala lang, me time. Nang ma-bored, nanood na lang ako ng mga vlogs sa Youtube.
After ko kumain, pumunta ako sa aming veranda. Umupo ako sa wooden chair at nagscroll lang sa aking phone.
'apollomigui started following you.'
Literal na napatayo ako nang mabasa iyon. Saan o kanino niya naman kaya nalaman ang username ko? Ah. Siguro sa post ni Elle. Nice, tag pa more.
Luminga-linga ako sa paligid. Baka may nakakita nang reaksyon ko kanina. Nang walang napansin na kakaiba, bumalik na muli ako sa pagkakaupo. I clicked his username. I'll stalk him first before following him back.
apollomigui
3 posts 15k followers 71 following
Apollo Migui De Vera
20. PH. I write stories.
Wow. So... he write stories? Writer siya? Bakit 'di ko alam? And oh, he's two years older than me. Hay! Age doesn't matter!
Ang daming followers?! 3 posts lang naman ang laman! Parang bilang pa ang following niya. Siguro 70 iyon kanina tapos naging 71 nang finollow niya ako. Wew, kahiya naman... parang sinira ko pa ata ang following niya. Tinignan ko iyon at shet! Tama nga ako nang naiisip.
Isa-isa kong tinignan ang mga pinost niya. Ang una ay ang isang sasakyan. Pink skies pa ang background, wow. May caption iyon na, 'Baby.' That post was 3 days ago. Tignan ko ang mga nagcomment. Ang dami niya pa lang baby? 'Baby, i miss you' raw, e.
Napairap na lang ako at pinagpatuloy ang pagtitingin sa mga pinost niya. Ang sumunod ay picture niya. He's wearing a black polo and black pants. Nag-init ang magkabilaan kong pisngi dahil sa nakita. Bakit ba mas lalong gumagwapo kapag fitted ang suot?! Argh.
Hindi na ako nag-abalang tignan ang mga nagcomment. Baka mainis lang ako. The last post was a photo of his school, I think? May caption iyon na, 'New home.' Sa isang sikat na university pala ang pinapasukan niya? Ay teka... medyo malapit ito sa school namin, ah!
Nang makontento sa mga nakita, pinindot ko agad ang follow back. I'm sure, malalaman niya agad iyon dahil magnonotif 'yon.
When afternoon came, napagdesisyunan kong magjogging.
"Manang, magjojogging lang po 'ko sa labas." paalam ko. Tumango siya kaya lumabas na ako ng bahay. Lalapitan na sana ng guard ang gate pero pinigilan ko siya. Kaya ko namang buksan ang gate kaya bakit ko pa ipapagawa sa iba?
Kinuha ko ang phone para pumili ng kanta. Sinuot ko ang aking airpods nang makapili na. After that, nagsimula na akong tumakbo nang mabagal.
Nakailang ikot din ako sa subdivision namin. Nang tumunog ang aking cellphone, tumigil ako at binuksan iyon. There's a notification from Instagram.
Pinindot ko iyon at lumabas ang message ni Apollo. He... what?! He sent me a message?
apollomigui: Hi!
Kinalma ko ang sarili ko. I rolled my eyes nang may naisip na hindi maganda. Siguro trip ako neto? Baka wala na siyang makalandian kaya ako naman ang pinagtutuonan niya nang pansin ngayon? Tsk.
I ignored his message and decided to go home already. Habang naglalakad, nakita ko si Veronica na naglalakad papunta sa bahay namin.
"Hoy!" sigaw ko. Napalingon siya sa'kin at tumigil sa paglalakad.
"Oh, ba't nakasimangot ka? Did someone make away to you again?" tanong ko at sinabayan siya sa paglalakad.
Hindi siya sumagot. Halata sa mga mata niya na kakaiyak niya lang. Gusto ko pa sanang magtanong... kaso baka mairita siya sa'kin. Hinawakan ko ang kamay niya at hinila siya papasok ng gate.
"Yuck! Ang pawis mo, ate!" she said. Ngumiti siya kaonti at inabutan ako ng towel. Iniwan niya ako sa pintuan at umakyat sa taas.
Napangiti ako nang makita siyang ngumiti. Kahit hindi malaki, at least napangiti ko siya.
Habang nagpupunas, tumunog muli ang aking cellphone. Inis kong binuksan iyon. Bumungad sa'kin ang panibagong message ni Migui.
apollomigui: Awit seen.
I sighed. Nagtipa ako ng mensahe at sinend iyon sa kanya na may halong pagkairita.
claratrevino: Hello haha
Hay! My gosh. Kanina lang, bet na bet ko pa siya. Ngayon, naiirita na 'ko sa kanya! Ang annoying. Porket nacucute-an ako sa kanya, ganyan na siya! I'm trying to be nice, ha!
apollomigui: Finally! You replied.
-------------------------------------
Sorry for the slow update :(
Don't forget to vote and comment! ♡

BINABASA MO ANG
Lies In His Eyes
RomanceTREVINO SERIES #2 [ ON-GOING ] It all started when Clara met him on her 18th birthday party. Her friend, Arthur, introduced his friend who's a writer, named Apollo. ••• book cover made by: @jihyoshighnote thank you po! ♡