Note:
Hello! I finally decided to start updating :) Enjoy reading po!
READ FIRST, His Angel's Last Words before reading this. Baka ma-spoil kayo haha.
thanks.
AE.
Kabanata 1
"Break!" sabi ni Lucas, ang photographer ng shoot na ito.
Umalis ako ro'n at dire-diretsong naglakad papasok ng dressing room na nakaassign sa'kin.
"Schedule for today, Reese?" I asked my assistant.
"Hmm, wala ka ng ibang shoots after nito. But for next week.. uhm.. Monday, you'll be attending an event. 3 pm sharp!" sabi niya habang nakatingin sa kanyang notebook na kulay pink at maraming glitters. Ew.
"What kind of event is that?"
"Nakalagay dito ay celebration ng unang nag-offer sa'yo ng sexy photoshoots? It's their 10th anniversary. Maraming models ang pupunta at invited ka, madam!" she said.
I rolled my eyes. Naalala ko na. Muntikan pa akong hindi payagan nila Mommy pero syempre... mautak kasi ako. At ayon, pumayag na rin naman. They know that this is my thing. Not business thingy..
"Nga pala, madam! Pinapasabi ng kaibigan mo na pupunta rin sa event na, 'Tell her that her ex kalandian will be there! Oh my gosh!'" si Reese at ginaya niya pa kung paano magsalita ang kaibigan ko. I bet it's Elinelle.
"Si.. Sino ba 'yon? Ah! Si Mr. Apollo Migui De Vera!" sabi ni Reese. Mukha pa siyang kinikilig habang binabanggit ang pangalan ni ghoster.
Napatigil ako sa pagscroll sa aking Iphone nang marinig ang pangalan na 'yon. My heart hurts.
"That fucking ghoster!" ako at binato ang lipstick.
"Yung lipstick, baks! Ano ba!" sabi ng baklang nagmamake-up sa'kin.
Tumingin ako sa sahig at narealize na ang favorite kong lipstick ay naibato ko! Oh no! Kasalanan 'to ng De Vera na 'yon!
"Pak shet!" sabi ko at pinulot ito. Binuksan ko 'yon at nakita na putol na. Napairap agad ako. Pagbabayaran mo 'to Apollo!
Sumulyap ako sa assistant ko at nakitang umirap siya. Tinaasan ko naman siya ng isang kilay at agad siyang ngumiti.
Reese has been my assistant since I started my modeling. She's one of my close friends too. I like her because she's honest and sarcastic, sometimes.
"So... are you still going?" she asked.
"As if pwedeng tumanggi, duh!"
After the shoot, hinatid ko na si Reese sa sasakyan niya. Pagkaalis niya ay dumiretso naman ako sa kotse ko.
Nang makapasok ay nagscroll muna ako sa phone ko. I don't want to go home yet. Nagpicture ako at agad na nag-ig story. My caption was 'WTG?' with heart emoji.
@verontrvn replied to your story
Dami alam ate
This bitch! Nireplyan ko siya. Sineen niya na lang ako pagkatapos. Ay bastos na bata!
Nagreply naman si Kuya Jandro ng heart emoji. Buti pa 'to!
Binaba ko ang phone ko at pinaandar na ang kotse. Napatigil naman ako nang tumawag si Kuya Jandro.
"Yes?" tanong ko.
Nilagay ko ang phone sa lap ko. Nakaloud speaker naman ito kaya hindi ako mahihirapan.
"Punta ka rito.." his voice was husky.
"Why?" ako at nagsimula nang magmaneho.
"Andito si Ely at mga pinsan natin. Let's hang-out," sabi niya at naririnig ko sa background ang mga tawanan. Sila siguro 'yon.
"Okay.." sabi ko at binaba niya na ang tawag.
Tumigil ako kasi traffic. Hay! Pilipinas nga naman.
Tumatawag ulit si Kuya Jandro kaya may halong inis na sinagot ko ito.
"What?!" inis kong tanong at umirap pa kahit hindi niya naman nakikita.
"Buy some liquors. Snacks too! Baka magkulang, e. Alam naman namin na ano.. broken ka." maingat na sabi niya at tumawa pa. Siraulo!
"Whatever! Fine!" sabi ko at inaantay na patayin niya ang tawag.
"Hmm.. ingat ka." mahinang sabi niya.
Lumayo ata siya kila Leon kasi humina ang mga tawanan, e.
"Yes! See you!" sabi ko.
"See you too, sweetie." sabi niya at pinatay ang tawag.
Napangiti naman ako ro'n. Kuya Jandro is the sweetest person when it comes to me. Sina Veron, Veronica at Leoncio kasi ang susungit. Kanino kaya nila namana 'yon? Bakit ako? Ang bait ko naman?
Tumigil ako sa malapit na convenience store. Bago ako pumasok, kumuha ako ng mask sa aking bag at shades.
Baka kasi may makakilala sa'kin kahit madilim na. May mga nakasunod na bodyguards naman sa sasakyan ko pero you know...
Lumabas ako ng sasakyan at nagsimula nang maglakad papasok. Binati ako ng guard. Kumaway naman ako sakanya.
Pumunta ka agad ako sa mga alak. Kumuha ang ng 2 hard liquors. Marami namang alak sa bahay nila Kuya Jandro, bakit pa kasi magpapadagdag? Ano 'ko? Uhaw sa alak?
Bumili rin ako ng iilang mga snacks. Like junk foods and more. After non ay dumiretso na ako sa counter. Hindi naman ganoon kahaba ang pila kaya hindi ko na kailangan pa tumayo ng matagal.
"430 pesos, Ma'am." sabi ni ate. I gave her my blue money. I don't have 500 pesos so...
"Thank you!" sabi ko at nginitian siya.
Lumabas na ako ng convenience store at dumiretso na sa kotse ko. Bago ko istart ay tinawagan ko muna si Kuya Jandro.
"Hey, papunta na 'ko.." sabi ko at tsaka nagstart ng engine.
"Don't drive too fast, okay?" sabi niya.
"Yes, master." I said. Tumawa naman siya.
"Love you."
"Yuck! Magdridrive na 'ko. End the call na. Love you too!" sabi ko at tumawa. Sweet naman!
"Arte!" sabi niya at pinatay ang tawag.
Nagsimula na akong magmaneho papunta sa bahay nila Kuya Jandro. Hindi naman ito malayo sa convenience store na pinuntahan ko kaya mabilis din akong nakarating sa subdivision nila.
Finally! A night hang-out with the gang!
-------------------------------------
Don't forget to vote and comment! ♡

BINABASA MO ANG
Lies In His Eyes
RomanceTREVINO SERIES #2 [ ON-GOING ] It all started when Clara met him on her 18th birthday party. Her friend, Arthur, introduced his friend who's a writer, named Apollo. ••• book cover made by: @jihyoshighnote thank you po! ♡