Kabanata 8

11 3 0
                                        

Kabanata 8

Lumayo muna ako kay Kuya Jandro para makapagreply sa dalawang lalaking 'to. Nagtipa ako ng mensahe para kay Trase. 

Me:

Ihahatid kami ni Kuya Jandro. 

After that, binuksan ko naman ang mensahe ni Apollo at nagtipa. 

Me:

Sorry, you can't. I'm with my cousins.

Binaba ko ang aking cellphone at bumuntong hininga. Hay! Maya-maya ay nagvibrate ito at tinignan ko kaagad kung sino ang nagtext. Nawala ang ngiti ko nang makita kung sino iyon.

Apollo:

Okay. Have fun :)

I rolled my eyes. Of course! Kailan pa ba ako hindi naging masaya kapag kasama ko ang mga pinsan ko? Duh, masaya talaga 'no!

Bumalik ako sa conversation namin ng aking bodyguard. Kumunot ang aking noo dahil hanggang ngayon ay wala pa rin siyang sagot. It's been 5 minutes, huh? Teka nga, ano naman ngayon?

Umiling-iling ako at kinalma ang sarili. Ano bang nangyayari sa'yo, Clara Hazel? Tinago ko ang aking phone at nakisali sa mga pinsan kong nagbibiruan ngayon. Para na rin mawala sa isip ko yung dalawa. 

The next one is Ely. Leoncio is the one na magtatanong. 

"Oh!" si Kuya Jandro at tumawa. Siniko ko si Kuya Jandro at sinabi na manahimik muna siya. Nang wala nang nagsasalita, Leoncio looked at Ely.

"Do you like angels?" seryosong tanong nito. Natigilan ako. What the hell is that question, Leon?!

Nabasag ang katahimikan nang tumawa si Ver. Sunod-sunod na kaming tumawa at si Leoncio naman ay napayuko. While Eleesha is blushing. Ang korni ng tanong amp. 

"Mukha ka raw kasing anghel." sabi ni Kuya Jandro at ngumiti. Ngumiti si Eleesha at nag-iwas ng tingin. 

Habang nagtatawanan sila, kinuha ko ang aking cellphone. Wala pa rin message si Trase. I sighed. Okay, fine. Stay calm, Clara.

 While I'm looking at my phone, kinalabit ako ni Ver. Lumingon ako sa kanya at nagtaas ng isang kilay. Tinuro niya ang bote. Oh, it's my effing turn!

Si Kuya Jandro ang magtatanong. I don't know why but I'm kinakabahan. I think he knows something.

"Dala mo po ba ang sasakyan mo?" I asked. Kumunot ang kanyang noo sa aking tanong. Dahan-dahan siyang tumango.

"Why?" he asked. 

Gumaan ang pakiramdam ko sa kanyang sinabi. Yes!

"Hmm, wala lang. Is it masama to ask?" sabi ko. Mukhang hindi siya naniwala sa sinabi ko.

"Fine! My bodyguard is asking me kung anong time raw niya kami susunduin," I said. Nag-iwas ako ng tingin dahil ayokong bigyan niya iyon ng malisya. 

"Susunduin pala kayo, e." aniya at nagkunot ng noo. 

"Don't want. Hatid mo kami, ah?" sabi ko at nagpacute. 

"You're weird. Hmm, something is..." he said and smiled na mapag-asar. 

Hinampas ko siya at tumalikod. 

"Shut up, Kuya!" 

"Wala pa nga. Okay, Clara Hazel," aniya at inakbayan ako. 

"May crush na, hmm..." bulong niya. Hindi ko na iyon pinansin dahil baka mag-away lang kami. 

Pinili ko ang truth. Dumoble ang kaba na nararamdaman ko ngayon dahil sa tingin ni Kuya Jandro. Damn, this is not good. 

"Anong mas type mo? 2 years older or 7 years older?" natatawang sabi niya. Umirap ako. This guy! Hindi na lang manahimik, tsk! 'Di ba pwedeng magkunwari na wala siyang alam about dun?

They started teasing me. Panay ang irap ko kay Kuya Jandro. Habang siya naman ay tawang tawa pa.

"Anong meron? Ikaw Ate, ah!" asar ni Veronica. Mga baliw! Isa rin 'to, nakikisali pa!

Nang masagot ko ang tanong ni Kuya, tumayo na ako at umalis do'n. My gosh! Nakakahiya! Hindi ko napansin na sinundan pala ako ni Kuya Jandro. Tumabi siya sa'kin. 

"I'm sorry. Are you mad?" tanong niya. Umuling ako at hinampas muli siya. 

"Nakakainis ka!" sabi ko. Ngumiti siya kaya napangiti rin ako. 

"It's not funny ah! Tsk!" sabi ko ulit.

"Sorry na nga," aniya at umakbay. Maya-maya ay nanahimik siya at seryosong tumingin sa'kin. Huminga siya ng malalim at nagsalita. 

"So it's true, huh?" tanong niya. Hindi ako sumagot. Kahit naman itanggi ko, alam kong nararamdaman niyang totoo. 

"It's too obvious, Clara." sabi niya. I sighed. Nakailang buntong hininga na ako, ah. 

"But... why?" tanong niya. 

Hindi ako umimik. Mismong ako, hindi ko rin alam. Bigla ko na lang iyon naramdaman at kahit balewalain ko iyon, hindi effective. Totoo pala 'no? The more na pinipigilan mo, mas lalong lumalala. 

"I-I don't know." sabi ko. He nodded.

Hindi naman masama, 'di ba? He's a nice person. He makes me smile. Crush lang naman, e. Promise, 'di 'to aabot ng 'mahal'. Hindi pa ako handang masaktan. At ayokong maranasan iyon. I've seen my friends cried so hard because of that damn love. I don't want to experience it. 

I don't want to see myself crying and begging to a guy. Okay na siguro sa'kin iyong masaktan dahil hindi niya ako nirereplyan o ano. Hay!

I'm being too serious because of that, huh?! I'm still young for a relationship. Gusto ko munang i-enjoy ang buhay single. At least, malaya at masaya kahit walang boyfriend. Atsaka magagalit si Daddy. 

Tumayo kami ni Kuya Jandro at bumalik sa loob ng bahay nina Veron.

-------------------------------------

Sorry for the typos and wrong grammars.

Don't forget to vote and comment! ♡




Lies In His EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon