Kabanata 13

6 1 0
                                        

Hi! I'm sorry for not updating these past few days. Exam week kasi so... anyways, here's my update for tonight! Enjoy reading! 

- AE.

Kabanata 13

Bumaba ako sa kanyang sasakyan nang tumigil ito sa tapat ng bahay. 

"Thank you sa paghatid." I said. 

Nag-angat siya ng tingin sa'kin at ngumiti. He really looks nice, huh?

"You're welcome. Pumasok ka na sa loob. Aalis na ako kapag nakapasok ka na." aniya at tinuro ang gate.

I nodded.

"Ingat ka!" nakangiting sabi ko at tumalikod na para buksan ang gate.

Pagpasok sa bahay, I immediately asked one of our kasambahay if my parents are already here. Tumigil siya sa pag-aayos at nilingon ako.

"Malalate raw sila ng uwi. Susunduin ata ng Daddy mo ang Mommy mo, e." sabi ni Ate at pinagpatuloy ang ginagawa niya kanina. 

Oh? Tumango ako at umakyat sa hagdanan nang nakangiti. I looked like tanga here but I don't mind. I'm just... happy! 

Hindi ako dumiretso sa aking kwarto. Dumiretso ako sa room ni Nica. I'll ask her if she's okay. I knocked twice and open the door. Naabutan ko siyang nagbabasa.

"Is that Consti?" I asked her. Hindi niya ako binalingan at tumango. 

Whenever she's reading, hindi niya talaga lilingunin iyong kausap niya. Buti nakakayanan niyang magbasa habang may nangungulit sa kanya. Like me, annoying her everyday.

Anyways, ever since she was a kid nahalata kong may interest talaga siya sa law or sa pagiging abogada. Naalala ko noon tuwing nanonood si Daddy ng movie about sa lawyer, si Veronica lagi ang kasama niyang manood. 

Nung naghighschool si Nica, she started buying some highlighters. I think it's color pink, blue, yellow and orange. Sa law books naman, binibilhan siya ni Daddy. 

One time, nasa sala kami tapos bigla siyang huminga ng malalim. Tinanong ko siya kung okay ba siya at sinabi niyang hindi raw. Naiinis daw siya sa ginagawa ng mga 'yon sa mga tao. Hindi raw iyon makatarungan. 

I was so fucking shocked. Pati sila daddy. Mom asked her what should they do ba. Veronica said na dapat daw pantay-pantay ang lahat at sinusunod kung ano ang nasa batas, hindi yung binabase sa kung ano ang estado sa buhay nung tao. Imagine, she's just 13 and she's already aware about those issues.

"I want to be a lawyer, Daddy." sabi ni Veronica.

Ngumiti ako nang maalala ang sinabi niya kay Daddy. I can see that she really wants to be a lawyer someday. Mukhang gagawin niya ang lahat para sa kanyang nasasakupan. 

"Can I sleep here?" tanong ko at umupo sa kanyang kama. 

"Hmm..." tumango siya. So, tumayo ulit ako para pumunta sa aking kwarto. I took a quick shower and changes my clothes. I'm wearing satin silk pajamas.

While I'm having my skin care, tumunog ang aking phone. Elle is calling me. Maybe she wants to chika na naman.

Sinagot ko iyon at pinagpatuloy ang ginagawa. 

"How's the date, bitch?" bungad niya. Natawa ako. 

"It's fun naman. Hindi siya boring kasama, unlike other boys. We watched a movie, gaga! Hindi manlang niya sinabi na manonood kami. Nakadress pa naman ako!" sabi ko. 

"Edi nanginginig ka na sa loob ng sinehan kanina? Kawawa ka naman! Ang harot mo kasi, e. Ayaw pa kasi magsuot ng pants, ayan tuloy!" pang-aasar niya. Umirap ako kahit hindi niya naman nakikita. 

"Okay lang! He gave his jacket naman 'no! He's so gentleman kaya," nakangiti kong sabi. 

"Omg! Siguro napansin niya na nilalamig ka na." sabi niya at tumili-tili pa. Jusko, ako nga kalmado lang. Itong kausap ko, akala mo siya yung kadate kanina, ah!

We talk about everything what happened earlier. After that, she ended the call. Buong tawag ay panay ang pagtili at pagsabi ng 'omg'. Naririndi na ako pero kinikilig din kasi ako kaya pinabayaan ko na lang.

I was about to put down my phone when Apollo messaged me. 

Apollo Migui: 

Goodnight, Ms. Clara! :)

Nag-init agad ang magkabilaan kong pisngi. I remembered our first talk. He called me 'Ms.' that time too!

Me:

Goodnight! Sleepwell.

Sasabihin ko pa sana na 'Thank you again for today.' kaso baka maumay na siya kakasabi ko no'n. 

Tumayo ako at lumabas na sa aking kwarto. Dumiretso ako sa room ni Nica. Matagal din akong nawala pero hanggang ngayon ay nagbabasa pa rin siya. Hindi ko na siya inabala at humiga sa kanyang kama.

One hour has passed, she finally stand up and fix her things. Matutulog na ata siya.

Humiga siya sa tabi ko. I put down my phone. Balak ko sanang tumingin sa kanya pero mas pinili ko na lang tumingin sa kisame.

"How are you?" mahina kong sabi. 

Walang sumagot. Maya-maya ay narinig ko ang paghikbi niya. Nakatagilid ang paghiga niya kaya hindi ko siya makita. Niyakap ko siya agad nang marinig ang kanyang pag-iyak.

"Do you want to transfer na? If hindi mo na kaya, I'll make a way para mailipat ka na ng school," sabi ko.

"I-I can do this, A-Ate..." nanginginig niyang sabi. 

Huminga ako ng malalim at hinayaan nang bumagsak ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Ang sakit makita na nasasaktan at umiiyak ang kapatid ko ngayon. My heart hurts so much.

"Ate is always here, hmm? You can always tell me your problems and thoughts, Nica. I will listen to you, okay?" I said while gently patting her shoulder. 

She didn't speak. Hinayaan ko siyang umiyak para mailabas niya lahat ng sakit na nararamdaman niya. Umiyak din ako ng tahimik kasabay niya. 

I also tried to talk but my voice is cracking. Pero hindi ko iyon pinansin at patuloy na kinocomfort si Veronica. 

My sister knows what is right and wrong. She's friendly and willing to help those people who are around her. 

So, I don't effing know why bakit ganito ang ginagawa nila sa kanya? She doesn't deserve those bad words that her 'friends' kept on telling her. Fake? Papansin? Malandi? Fuck them. Baka sila 'yon. Masyado silang insecure sa kapatid ko.

Hindi lang sila pinapansin ni Veronica dahil alam niya sa sarili niya na hindi naman iyon totoo. Sabi ko sa kanya noon, kapag pinatulan mo, mas iisipin nilang totoo ang mga sinasabi nila. Tsk. 

Napatigil ako sa pag-iisip ng kung ano-ano nang hinawakan ni Nica ang kamay ko.

"Thank you, Ate..." aniya.

------------------------------------

I'm sorry for the typos and wrong grammars.

Disclaimer lang, wala akong tinutukoy dito. You know what I mean. Hindi ito nakabase sa nangyayari sa bansa ngayon. Sinulat ko 'tong draft na 'to sa notebook, which is last last week pa so... ayun lang. Thanks!

Don't forget to vote and comment!









Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 18, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Lies In His EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon