Kabanata 6

11 3 0
                                    

Kabanata 6

"Saan tayo?" Elle asked. Tumingin ako sa kanya at tinuro ang library. She nodded and followed me.

Pagpasok ay binati namin si Ms. Golez at umupo sa palagi naming pwesto. Kung saan malapit ang aircon. 

"Hay! It's so hot talaga!" sabi ko at nilabas ang aking kulay pastel green na panyo. 

Elle started reading her notes so nilabas ko na rin ang mga notebooks ko at nag-aral para sa susunod naming klase. Even though I don't want my course, nag-aaral pa rin ako at sinisigurado na hindi babagsak kada sem.

"Okay na ba kayo ni Tito?" tanong niya habang naghihighlight ng kanyang notes. I sighed.

"I don't know," simpleng sagot ko at pinagpatuloy ang pagbabasa.

The real answer is no. Ang cold sa'kin ni Daddy sa tuwing magkakasama kaming apat. I tried to talk to him but it feels like he can't hear or see me. My mom is trying to break the ice between me and Dad but I guess it's not working. 

"How about Apollo? Kumusta naman kayo?" tanong niya. Napatigil ako sa pagbabasa at umirap. Sumandal ako sa upuan at binaba ang librong binabasa.

"He still keeps on messaging me but I barely reply lang," I said. Napatigil ako sa pag-iisip ng kung ano-ano nang tumunog ang aking cellphone. Luminga-linga muna ako sa paligid bago ito kunin sa aking bulsa.

Speaking of... nagmessage nanaman. Wala ba siyang klase? Ang daming time nito, ah?

Tumingin ako kay Elle. Nakatingin din siya sa'kin at nagtaas ito ng isang kilay. I showed her my phone. Automatic na napangiti ito. Luh?!

"Try it. Wala namang mawawala kung susubukan mo. Malay mo... magwork," aniya at kumindat. Ang landi ng babaeng 'to! Ay... mas malandi pala ako.

Hmm... why not?

apollomigui: 

Goodafternoon! How are you? :)

claratrevino:

Hi! I'm fine, thank you hahaha how about you?

And he didn't stop. Syempre, nirereplyan ko na rin. Ilang araw din kaming nag-uusap simula umaga hanggang sa pagtulog. He's nice though. Minsan ay tumatawag siya bigla pero hindi ko iyon sinasagot. Sabi ko sa kanya ay magsabi muna siya bago tumawag.

Aish! One time, we're having a dinner and he damn called me on Instagram! Nakita iyon ni Mommy at nginitian ako. Mabuti na lang at hindi iyon napansin ni Dad.

"Goodmorning!" masungit na sabi ng aming prof. Hay! 

Habang nagsasalita si Miss sa harapan, biglang nagvibrate ang aking cellphone. I'm seating at the back kaya hindi naman siguro ako mapapansin. Kinuha ko iyon at binuksan. A text message from Apollo!

Dahil malandi ako, hiningi ko ang kanyang number. Hindi na uso ngayon na ang lalaki 'yong nagfifirst move 'no! Tsaka hindi porket babae ka, hindi mo na pupwede gawin iyong mga bagay na ginagawa ng mga lalaki! Like giving something, doing the first move and etc.

Apollo Migui:

Are you busy?

Me:

May klase ako rn hahaha

Apollo Migui:

Oh shit, sorry! Text you later.

Me:

Wala ka bang klase?

Apollo Migui:

Kakatapos lang. May pupuntahan ako. Sige na, mamaya na lang.


Napatigil ako sa pagtitipa nang sikuin ako ni Elle. Lumingon ako sa kanya. She said na itigil ko raw at baka makita ako. I just smiled and nodded.

Thursday came, it was raining so I decided to text my bodyguard. Magpapasundo na lang ako dahil maulan ngayon. Dapat magcocommute at gagala ako ngayon pero wrong timing!

While waiting him, I saw Apollo. I blinked twice to make sure if he's really here. And oh my gosh! It's fucking real?! Bakit siya nandito? Anong ginagawa niya sa school namin? Lalapitan ko na sana siya ngunit tumunog ang aking cellphone kaya napatigil ako. 

BD Trase:

I'm already here.

Sumulyap ako saglit kay Apollo at tumalikod na. Naglakad ako papunta ng parking lot at sumakay sa aming sasakyan. I keep on checking my phone and waiting for his message.

Tahimik lang ako habang nagmamaneho si Trase. Ang awkward. Maya-maya ay bigla itong umubo at nagsalita.

"Susunduin ko muna si Veronica bago tayo umuwi," seryosong sabi niya. 

I looked at the rear-view mirror. Nakita kong nakatingin si Trase sa'kin kaya napaiwas agad ako ng tingin. What the... 

Kinalma ko muna ang sarili ko bago magsalita.

"Bakit ngayong oras pa lang siya uuwi?" tanong ko nang hindi siya tinitignan. 

"May practice raw sila." aniya. Tumango lang ako at sumandal. 

Tinext ko si Veronica at tinanong kung tapos na ba sila. Sabi niya naman ay hindi pa kaya naisipan kong magdrive thru muna kami sa McDo. 

"What's your order?" tanong ni Trase at bumaling sa'kin. Nag-iwas agad ako ng tingin at sinabi ang gusto kong kainin. 

Iaabot ko na sana ang bayad ko pero naunahan niya ako. Huh? Pagkatapos no'n, binigay niya sa'kin ang pagkain na gusto ko at ang pagkain para kay Veronica. 

"Why did you do that? I have money naman ah!" pagsusungit ko. I know it's bad but hmp!

"Keep your money. I'm sorry about what happened last time." he said. Napatigil ako at umayos sa pagkakaupo. I don't know why I suddenly can't speak. Am I crazy? 

Nag-init ang magkabilang pisngi ko. What the hell?

Nang makarating kami sa school ni Veronica, lumabas siya agad para sunduin ang kapatid ko. Doon ako napahinga ng malalim at napasigaw.

"My gosh! This is bad!" sigaw ko at ginulo ang aking buhok.

Hindi naman ganito dati, ah? Hays! Nakakabaliw! Maya-maya ay dumating na rin sila. Mukhang pagod ang kapatid ko kaya nakatulog siya agad habang nasa byahe. Habang ako naman ay kumakain ng fries. I actually gave my burger to Trase. Hindi niya ako pinansin kaya nilagay ko na lang iyon sa gilid niya.

Pagkarating sa bahay, bumaba agad ng sasakyan si Veronica. Naiwan pa ako dahil inaayos ko pa ang mga gamit ko. It's a bit awkward because Trase is still here.. waiting ata na lumabas ako.

"Thank you." aniya. 

"Y-You're welcome.." utal-utal kong sabi at nagmamadaling lumabas ng kotse. Damn!

-------------------------------------

Don't forget to vote and comment! ♡



Lies In His EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon