Kabanata 9

5 2 0
                                    

Kabanata 9

"Dito na lang ako," I said. Hininto ni Trase ang sasakyan. Bumaba agad ako at hindi na nag-abalang magpaalam sa kanya. Why would I do that?

I'm a bit late today kasi inuna naming ihatid si Veronica. You know, traffic. Nang makapasok sa gate, nakita ko agad si Elle. She waved at me and smiled. Sabay kaming naglakad papunta sa aming building. 

Inayos ko ang aking shirt dahil medyo nagulo ito. I'm wearing violet pastel shirt and black pants. Nang makuntento, nilingon ko si Elle. Aba, kanina pa siya tutok na tutok sa phone niya, ah? 

"Hello? Wala ba me here?" sarcastic kong sabi. Lumingon siya sa'kin at malawak na ngumiti. 

"Alam mo ba! Ang ganda pala ng mga stories ni Apollo! Ang dami niya rin followers! He's famous pala!" nakangiting sabi niya at pinakita sa'kin ang account ni Apollo sa isang site. 

I smiled. I know that, of course. I'm always stalking him kaya. Minsan, binabasa ko rin ang mga stories niya. I can say that he's a great writer. 

After a long walk, nakarating din kami sa aming room. Late na nga talaga kami. Nagsorry kami sa prof at nginitian niya naman kami. 

Ang bilis talaga ang oras kapag may pasok, 'no? Tapos na ang second class ko and thank God we have a vacant period. 

Kinuha ko ang aking phone sa aking bulsa. Nagtipa ako ng mensahe para kay Apollo. 

Me:

What are you doing?

Nang masend, nagscroll muna ako sa Instagram. Hay! So boring! Maya-maya ay nagnotif ang message ni Apollo. Agad ko iyong pinindot at binasa ng mabuti.

Apollo Migui:

At your school. Kakain. Ikaw?

Napakunot ang aking noo. At our school? Anong ginagawa niya rito? Is it okay na nandito siya? Argh, I'm so nacucurious ha.

Napatigil ako nang magmessage siya ulit. 

Apollo Migui:

Tara kain. Libre ko! :)

Ngumiti ako at sinabing pumapayag ako. Agad naman niyang sinabi kung saan kaya nagpalaam ako kay Elle at pumunta na kung nasaan si Migui ngayon.

"Bumalik ka bago magstart ang klase! Baka mamaya magcut ka! Hoy Clara ha!" masungit na sabi ni Elle.

"Bitch, kailan pa ako nagcutting class? My dad will get mad, alam mo 'yan!" sabi ko at ngumiti.

"Promise?" tanong niya. Parang bata!

"Opo, Miss Elle!" sabi ko at kinurot ang kanyang pisngi.

I grab my bag at lumabas ng room. Naririnig ko pa ang sigaw ni Elle. Nagrereklamo dahil ang sakit daw. Sus!

Medyo near lang naman ang cafeteria kaya hindi na ako tumakbo. Mahahalata kasi na nagmamadali ako, e.

Pagkarating do'n, nilibot ko ang aking paningin sa kabuoan ng cafeteria. Even though hindi ko buong makita dahil it's too big and wide.

"Clara!" someone said. Nilipat ko ang aking mga mata sa sumigaw. It's him!

Lumapit ako sa kanya at ngumiti. He's wearing a navy blue polo and white pants. Ang... ang gwapo. Fitted pa ang polo na suot, kainis! Why is he so...

Inaya niya ako kung saan siya nakaupo. Walang masyadong tao ngayon dito dahil maaga pa at sa tingin ko, may mga class pa or nasa lib.

"What do you want to eat?" he asked. Nag-angat ako ng tingin sa kanya at agad din na nag-iwas. Ang hirap tignan ni Apollo nang matagal. Feeling ko magblublush ako.

"Salad na lang and water. Thank you!" nakangiting sabi ko. 

"Okay, I'll be back." he said and stand up.

Naiwan akong mag-isa ngayon dito. Nilabas ko ang aking cellphone at tinext si Elle.

Me:

I'm here na pala. Bumibili si Apollo ng kakainin namin ngayon.

She replied agad after kong masend ang message ko.

Elle:

OMG! Update me, ha! OMG OMG OMG!!!

Natawa ako. Ito talaga, kahit kailan! What a supportive friend!

Nagulat ako nang may naglapag ng pagkain sa aking harapan. I heard Apollo's laugh. 

"Sorry," aniya at umupo sa aking harapan. I looked at his food. Pesto pasta and iced tea.  Nagsimula na kaming kumain. 

"How's life? Your modeling? Studies?" tanong niya. I wiped my lips before answering him.

"Hmm, okay naman. Dumadami na pero I can handle it while I'm studying. Of course, ako pa ba?" biro ko. Ngumiti siya at pinagpatuloy ang pagkain. 

"Can I ask?" tanong ko. Tumango siya at tumingin sa'kin.

"Uhm, I'm just wondering lang kasi. Why are you here at our school? May imemeet ka?" tanong ko. 

"I'm studying here." he said. Nanlaki ang mga mata ko. He.. he's what? Studying here?

Tumawa siya. Maybe he's thinking na I'm too shocked about what he said. 

Bakit 'di ko siya nakikita here? I'm roaming around sometimes pa naman. Or maybe 'di ko siya napapansin? Sabagay, sa laki ba naman ng school namin.

"Akala ko ba sa UM ka nag-aaral?" I asked.

"Lumipat ako last sem. Ang pangit do'n, e. Ang gastos pa," sabi niya at ngumiti kaonti. Tumango-tango ako. Kaya pala.

"By the way, what's you course?" he looked at me.

"Something na about sa business." sabi ko. A course that my father forced me to take. But it's okay. I understand him.

"Oh! I thought it was related to your stuffs. You know, modeling..." kinamot niya ang kanyang ulo. Cute.

Umiling ako at ngumiti ng pilit.

"Nah, my dad won't allow me." tumango siya.

Tumigil na siya sa pagtatanong at tinapos na ang pagkain. I did the same too. After we eat, nagsalita muli siya. Light topics na lang ngayon. I think this is getting to know, huh?

"Kapatid mo ba si Jandro?" he asked. Natawa ako.

"No. He's my cousin. Si Veronica lang ang sib ko," sabi ko at tumawa muli. 

"I really suck sa pagstalk!" aniya. 

"Ops, you're stalking me pala, ha?" biro ko.

"Hmm, when I'm not busy. Iyon ang ginagawa ko." dire-diretso niyang sabi. Grabe, ang straight forward!

Nagkwentuhan pa kami at tumigil nang malapit na ang next class ko. We both stand up and get out na sa cafeteria. He said na ihahatid niya raw ako sa building namin. Hindi ako pumayag ngunit mapilit siya kaya wala akong nagawa.

Mabilis kaming nakarating dahil sabi ko nga, hindi naman iyon malayo sa cafeteria na pinuntahan namin. 

"Thank you ulit!" 

"Thank you rin. I'll text you later. Alis na ako, Clara." aniya at tinuro ang kanyang cellphone. I nodded. Tumalikod na siya at nagsimulang maglakad.

I took out my phone. Pinicturan ko siya at clinick ang IG app. Nilagyan ko iyon ng caption bago i-ig story.

'Thank you for today @apollomigui !'

That was my caption. Ngumiti ako at tumungo na sa hagdan para umakyat papunta sa aming room.

He's a nice guy, huh? Ang daming kwento. Gentleman din. Pala-ngiti. Ganito pa rin kaya siya kapag nagtagal? 

-------------------------------------

Sorry for the slow update :( Medyo busy sa online class. I'll update again! Sorry for the typos and wrong grammars!

Don't forget to vote and comment! ♡


Lies In His EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon