Kabanata 5
Tuesday afternoon came. Narito ako ngayon sa aming sasakyan pauwi ng bahay. Sa sobrang pagmamadali kong lumabas ng school kanina, hindi na ako nakapagpaalam kay Elle. I think she knows that I have something very important to do today.
"Ma'am, aalis po ba tayo agad?" tanong ng aming driver. Sa gilid niya ay nakaupo ang aking personal bodyguard.
Hindi ko mapigilan na umirap sa tuwing nakikita ko siya. My parents said na kailangan raw namin ng bodyguard para sa safety namin ni Veronica. Tsk. Kaya ko naman ang sarili ko. Bakit hindi na lang kay Veronica? Bakit pati ako kasama? Sinusumbong pa kay Daddy lahat ng mga ginagawa ko!
"Yes po, Manong," sabi ko at nginitian siya. Tumango siya at ngumiti rin pabalik.
Pagkaparada ni Manong sa tapat ng bahay, bumaba agad ako. It's already 4 pm and my shoot is 7 pm. Medyo malayo pa naman ang place. Kaya nagmamadali na ako ngayon.
"Ano pa ba... hmm..."
After I got everything that I need, mabilis akong bumaba at pumunta kung nasaan si Manang. Nang makita siya sa kusina, nilapitan ko siya agad.
"Manang..." tawag ko sa kanya. She stopped wiping the table and looked at me.
"Aalis po ako. May gagawin lang po akong importante. I'll call mom later to inform her about this naman po. Ako na po ang bahala kay Daddy," sabi ko at nag-iwas ng tingin.
She sighed. Alam niyang papagalitan ako ni Dad sa gagawin ko. But I trust Manang na hindi niya ito sasabihin kay Dad unless sinabi kong sabihin niya.
"Mag-iingat ka." sabi niya at nginitian ako. Tumango ako at nginitian din siya pabalik. Tumalikod na ako at dire-diretsong lumabas ng bahay. Naabutan ko namang nakasandal ang aking bodyguard sa kotse. Umirap ako at nilapitan siya. Why the fuck... is he so mabango?
"Let's go." masungit kong sabi. Hindi siya sumagot at pinagbuksan ako ng pinto. Pumasok ako sa loob at bumuntong hininga. There's something sa kanya na kinaiinisan ko... and I don't know what is that.
Nilabas ko ang aking cellphone at tinawagan si Mommy. "Hi Mommy!" masayang sabi ko nang sinagot niya ang tawag.
"Hello darling. Bakit ka natawag? May problema ba?" sunod-sunod niyang tanong. Natawa ako kaonti. Si mommy talaga!
"Are you busy, My?" I asked. Tumingin ako sa rear-view mirror saglit at binalik ang tingin sa aking bag.
"Hmm, hindi naman masyado. I have a meeting later. Bakit?" mommy asked.
"Uhm... mom... papunta po a-" napatigil ako sa pagsasalita nang magsalita si mommy.
"I know, anak. May nag-offer ba sa'yo?" she said. Base sa tono nang pananalita niya, hindi naman siya galit at malungkot. I guess... it's okay?
"Yes, my. Okay lang po ba?" pigil hininga kong tanong.
"Of course, anak. I'll support you sa mga bagay na gusto mo." aniya. Napangiti ako. Nag-usap pa kami saglit at binaba na rin ang tawag.
Traffic! Hay! Nang mabored sa paghihintay, pinindot ko ang Instagram at nagscroll muna. Nagpost na rin ako sa ig story. Maya-maya ay nagreply si Apollo sa aking post.
apollomigui: Hi! You're going somewhere? :)
Creepy. Sineen ko lang iyon at pinag-isipan kung rereply-an ko ba siya o hindi. The more I'll reply, the more he replies too. Tsk!
Tumunog muli ang aking cellphone kaya inopen ko iyon. He sent a message again.. the fuck. Napairap ako at nagtipa ng mensahe.
apollomigui: Am I disturbing or bothering you? I'm sorry.
BINABASA MO ANG
Lies In His Eyes
RomanceTREVINO SERIES #2 [ ON-GOING ] It all started when Clara met him on her 18th birthday party. Her friend, Arthur, introduced his friend who's a writer, named Apollo. ••• book cover made by: @jihyoshighnote thank you po! ♡