Kabanata 10

6 2 0
                                    

Kabanata 10

"Thank you Ms. Clara Trevino!" nakangiting sabi ni Miss G.

Finally. I'm already done with 3 shoots for today. Nginitian ko siya at pinasalamatan din siya. Tinawag ko si Trase. Agad niyang kinuha ang aking bag. 

I still have 2 shoots on Saturday. Dalawang clothing brands iyon. Nakakapagod pero masaya ako.

Nagpaalam na ako sa mga staffs at kina Miss G. Busy sila sa pag-aayos kaya hindi na nila ako masyadong napansin. Uh, okay?

"Let's go?" he asked. Tumango ako at nagsimula na siyang maglakad. Sumunod agad ako sa kanya. 

Nagtipa ako ng mensahe para kay Apollo. Hindi naman required pero nasasanay na ako sa ganito.

Me:

Done na ang shoot. Pauwi na me. :)

Ngumiti ako habang inaantay na masend iyon. Nawala ang atensyon ko sa aking phone nang umubo si Trase. I looked at him and raised my eyebrow. 

Binuksan niya ang pintuan ng aming sasakyan at binalik ang tingin sa'kin.

"Get in." seryoso niyang sinabi.

I didn't noticed na nandito na pala kami sa parking lot. My gosh! I'm so busy texting Apollo kasi, e.

I rolled my eyes and pumasok na sa sasakyan. Nang makaupo, nagvibrate ang aking phone.

Apollo Migui:

Ingat ka. I'll call you later.

I smiled and put down my phone. Mamaya na lang siguro ako magrereply kapag nakauwi na. Sumandal ako at pumikit. I'm so tired. 

Habang nasa byahe, naalala ko si Daddy. I should text him pala.

Me:

Hi Dad. Pauwi na po kami.

It's awkward. Unlike before... hay. Simula nung nagkaaway sila ni Mommy dahil sa'kin, natuto na akong magsabi agad sa kanila bago ako tumuloy sa shoots. Nagpapaalam ako ng maayos pero si Daddy lang talaga ang walang imik. 

It's okay. I... I understand.

I hope dumating iyong time na maintindihan na ako ni Daddy. Na ito talaga yung gusto ko. I mean okay naman ang magtake ng business course pero sana okay din sa kanyang ang pagmomodel ko. I can handle it naman, e.

 Ang hirap kasing tumuloy sa mga gusto ko... lagi akong nakakaramdam ng takot sa tuwing pauwi or after ng shooting.

Lagi kong naaalala si Dad kapag ganoon. What if maulit yung nangyari noon? I don't know what should I do and say again.

Sa dami nang iniisip at pagod, nakatulog ako. When I woke up, nandito na kami sa bahay.

I looked at the rear-view mirror. Naabutan kong nakatingin si Trase sa'kin. His cold damn eyes is looking at me. Wow, yelo.

"Kanina pa ba tayo rito?" tanong ko habang inaayos ang aking buhok at kinuha ang bag. 

"Uhuh. 10 minutes na." walang emosyon niyang sabi. Ano bang meron sa lalaking 'to? Baka ayaw niya akong kausapin?

Kumunot ang aking noo. 

"Bakit 'di mo ako ginising? Nag-antay ka pa tuloy. Sorry..." sabi ko.

"Baka magalit ka at sampalin ako." aniya at tumawa.

"Hoy!" umirap ako. So mean! I'm not like that!

Mabilis lumipas ang mga araw at linggo na naman. Kakatapos lang ng misa and we're going to Leon's house to eat lunch with the familia.

"Sina Ver?" I asked Leon. Umiling siya at hindi manlang ako nilingon. Busy sa phone, eh?

Umupo ako at tumabi si Kuya Jandro sa'kin. Habang nasa harap naman namin sila Nica at Leon.

We just talked about random stuffs while waiting Ver and the food. While our parents, nagkwekwentuhan sa dining area.

Kinuha ko ang aking phone at pinindot ang Twitter. Natawa ako sa isang video. Napatigil din ako nang may maalala. Aish! Ano ba yan. Wala namang kinalaman sa video pero bigla kong naalala.

There was this day.. ah! It was yesterday pala. Muntikan nang hindi matuloy iyong shoot ko sa isang clothing brand. Ang saya ko pa that time kasi ang ganda ng dress na pinasuot sa'kin.

Because Trase said that it's too short and revealing. Natawa yung photographer at tinanong kung boyfriend ko ba. Baliw lang! Trase didn't wear his uniform yesterday because it's weekend.

Sobrang inis na inis ako sa kanya kahapon. Wala siyang nagawa kaya in the end, hindi niya ako kinakausap. Baliw talaga. Buti na lang at wala siyang binanggit kay Daddy about do'n.

Napawi ang ngiti ko nang maalala si Apollo. After namin magcall no'ng Wednesday, binati niya lang ako kinabukasan at hindi na muling nagmessage.

I'm trying to ignore it na lang pero nabobother talaga ako. Hindi naman siya gano'n, e. Or baka ganun talaga siya? Hindi ko lang siguro alam.

 I don't want to text him and flood him some messages kasi hindi ako gano'n. Unless, I'm close sa person and sobrang urgent.

And hindi pa naman ganun katagal iyong pag-uusap namin. I don't have the right to demand or what. Ang kapal naman ng mukha ko, 'di ba?

Hindi ko na rin siya nakikita sa school. Ilang beses ko nang nilibot ang buong campus at iba't ibang building pero ni anino niya hindi ko nakita. I don't know why.

I'm actually worried. Kahit sana i-update niya ako kung ano nang nangyayari sa kanya para hindi ako napapaisip ng kung ano-ano ngayon.

But there is one more thing na nabobother din ako. 

"Uy! Look!" si Elle at pinakita sa'kin ang kanyang cellphone.

Ig story ni Apollo. It was 3 minutes ago. Wala namang meron do'n. Picture niya lang na nasa loob ng kanyang sasakyan. I think?

Kinuha ko rin ang aking phone at tinignan sa aking account. Nagulat ako nang makita na wala siyang ig story.

"Bakit wala sa'kin?" I asked Elle. 

Ilang beses niyang niload ang account ni Apollo sa kaniyang phone. Meron sa kanya. Sa akin wala.

Bakit ganoon? Nakahide ba ako? 

Binaba ko ang aking phone at pinigilan ang sarili na imessage siya. Calm down, Clara. Forget it. Baka napindot lang. Baka aksidente lang.

------------------------------------

Sorry for the typos and wrong grammars.

Don't forget to vote and comment! 

Lies In His EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon