Chapter 6- Sneakers

8 1 0
                                    

Our hell week is finally over! Buti na lang at naka survive pa kami. Grabe din ang mga exams namin. Last sem na kase namin ito at 4th year college na kami! Oh my goshhhh!


It's saturday today pero maaga akong nagising dahil kagabi pa lamang ay nag text na si Cloud na wag ko daw kalimutan ang game nila ngayon. Though mamaya pa naman 'yon after lunch, kailangan ko pa din maghanda ng maaga. Knowing myself sobrang tagal ko mag prepare.


Bumaba na ako sa first floor pagkatapos kong magligpit ng higaan at mag hilamos. Magpapaalam din kase ako kayna nanay kung pwede manood. Bawal kase akong lumabas ng mag isa lang pero kasama ko naman sina Missy kaya siguro papayag naman sila. Dumiretso na akong dining table dahil dinig ko ang usapan nila nanay doon. Nang makarating na ay umupo ako sa pwesto ko.


"Good morning po!" masigla kong bati sa kanila. They greeted me back. "Kain na anak." pag aanyaya sa akin ni Nanay. I nod at her. Kumuha na ako ng pagkain ko at kumain na. Mamaya na lang ako mag sasabi.kinakabahan kasi ako. Baka hindi ako payagan.


Nang nasa kalagitnaan na ng pagkain ko ay nagsalita naman si Tatay. I immediately looked at him the moment he called my name. "Hue, may pupuntahan ka ba ngayon?" he said still looking at his food. I stopped eating at uminom ng tubig.


"Yes po, manonood po sana ako ng basketball game." i said politely. I am not close to my father. Kahit naman kay nanay. Naguguluhan din nga ako minsan. Lalo na kapag tuwing napapanaginipan ko yung memory ko dati with them. Hindi naman kase ganito.


Tumikhim si nanay dahil doon sa sinabi ko. Alam kong hindi nila ako papayagan dahil baka ang akala nila ay ako lamang mag isa. "I'm with my friends po. Missy and Bunny." dugtong ko sa sinabi ko kanina. They just continue eating at maya maya ay nagsalita si nanay.


"Are you sure it's safe saka okay lang sayo?" she said. Tumango ako at uminom muli ng tubig. Tumango lamang din naman si nanay. Sign na pwede akong pumunta. Permission na lang ni tatay ang kailangan ko and I'm all good! Pinagpatuloy ko na laamng ang pagkain habang iniintay ang desisyon ni tatay. Sana naman payagan ako!


When I finished eating, tapos na din sila. I just wait sa sasabihin ni tatay. Ang tagal naman! Joke hehe. Nagkwentuhan pa muna kami ni nanay. Tinanong niya kung kamusta ako and as usual ang sagot ko. I'm fine. Nang makalipas ang 30 minutes din siguro. My father cleared his throat.


"You can go." maikli niyang sabi. I was smiling ear to ear because of that! I'm really happy! Minsan lang ako payagan and yes! Makakanood din ako ng basketball game live! I thanked them and gave them a kiss on the cheeks and then I immediately went upstairs to get ready na!


I handed my phone na nasa bedside table ko para ma inform sina Missy at Bunny. Chinat ko sila sa GC na pinayagan ako. They're so happy nang nabasa na nila.


It's already, 10pm when I decided to take a cold shower para maraming oras pa ang malalaan ko para makapamili ng susuotin. Nang matapos maligo ay humarap ako sa closet ko. Actually madami naman akong damit. May nakikita din akong iilan na designers dress dito sa wardrobe ko pero minsan ko lang suotin. I have no idea of what should I wear sa games kaya kinuha ko ang phone ko at nag chat sa gc.


GIRLS

;I don't know what to wear



Agad namang nag seen ang dalawa at pareho pa ng reply. Napatawa na lamang ako dahil sa kanila.



GIRLS

Missyrit: Otw

Bunnyow: otw


Lost Memory Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon