Chapter 19- I Don't Know Why

7 1 0
                                    

Lumipas ang ilang linggo simula noong nakilala ko este namin si Blake. At simula non, parang ewan ko. Yung pakiramdam t'wing kasama siya, yung ngiti at tawa niya. Para na akong mababaliw kung bakit ganon na lang ang nararamdaman ko. For pete's sake kakakilala lang namin imposible namang may gusto ako sa kanya diba?!

"Earth to to this beautiful lady" oo, isa pa 'to. Sa ilang linggo naming magkasama wala na yatang lumalabas sa bibig niya kundi sweet words kapag kausap ako. Baka may saltik 'to sa utak. Chos. Dahil sa pagtawag niya sa akin ay napatingin tuloy ako sa kanya. Ayan, nakangiti nanaman siya. Parang ang sarap lang dukutin nung puso ko tapos ikulong sa isang box tas ipaanod sa ilog para hindi ko na maramdaman 'tong kakaibang feeling na ito.

Simula din noong nakilala namin si Blake ay parang naging extra protective ang magulang ko which is tita at tito ko talaga at ang mga kaibigan ko. Hindi ko alam kung bakit pero may isang ideya lamang na pumapasok sa isip ko. Pero ewan ko, para kaseng ang layo. Na baka siya yung lalaking naalala ko sa Vigan. Pero bakit naman nila ako proprotektahan sa lalaking yon? At heto nanaman ako, akala ko tapos na ang problema ko nang malaman ko ang katotohanan tungkol sa tunay kong mga magulang at makaalala ng konting mga parts ng past ko pero meron nanamang bago, at sa tingin ko tungkol 'to sa bago naming kaklase.

Hindi naman kase ako shunga para hindi mapansin lahat ng nagbago simula nung dumating si Blake. Bumuntong hininga ako. "Ang lalim ng iniisip mo? Hindi mo manlang ako napansin?" sabi ni Blake habang naka pout pa. Bakit ang cute niya. Hay. Tinabunan ko na lang nang kamay ko ang mukha niya at bahagya itong tinulak. Tumawa naman siya.

"Blake, magkakilala na ba tayo dati?" pagka kuwan ay tanong ko dahil ayaw ko ng ganitong pakiramdam. Parang kinakabahan ako na na eexcite na inlove na ewan. Napatigil naman siya saglit. Tila nag iisip. Pero bigla niyang iniba ang usapan. "Kain na lang tayo?" tanong niya. "Don't answer me with another question. I'm asking you first." sagot ko naman at napabuntong hininga ulit.

Napatingin naman siya sa likod ko kung nasaan si Missy, vacant ngayon. Usually gumagala 'to kung saan saan na kahit iwan ako dati, pero ngayon daig pa ang bodyguard sa pagbabantay. Tinuon ko na lamang ulit ang pansin ko sa phone ko dahil parang wala naman siyang balak sagutin ang tanong ko.

Pero maya maya ay naramdaman kong may nakatingin sa akin kaya bumalik ang tingin ko kay Blake. Nagulat naman ako ng sobrang lapit ng mukha niya sa akin. I can feel my cheeks heated and my heart beats fast. He smiled at me bago magsalita ng mahina. "Come with me." sabi niya sabay hila sa akin. Hindi ko na din siya napigilan kaya lumingon na lamang ako kay Missy.

Nakatingin siya sa amin. Ngumiti ako lowkey asking her na kung pwede. She smiled back not reaching her ears. Kaya siguro okay na. "San ba tayo pupunta?" tanong ko kay Blake nang makalabas kami ng room. Hawak pa din niya yung kamay ko. I felt..... Secured. Yes, i felt secured and it felt like he's always doing this to me. Tumingin ako sa kamay namin na magkahawak. Nauuna kasi siyang maglakad.

"Kung saan tayo madalas pumunta." sagot niya pero hindi ko gaanong nadinig dahil sobrang ingay ng grupo ng mga freshies na kasabay namin sa paglalakad sa hallway. "Ha?" tanong ko. Pero imbes na sumagot tumakbo siya habang hawak pa din ang mga kamay ko. Napapangiti na lamang ako sa kabila ng sobrang daming bakit sa isip ko.

Sa malapit sa highschool building kami pumunta. Nakikita ko 'to dati pero minsan ko lang din puntahan. Pero sa t'wing nakikita ko
'to, wala sa sarili akong napapangiti. "Here we go." pag deklara niya. Umupo siya sa isang bench at tinapik ang tabi niya pagkatapos bitawan ang mga kamay ko. Umupo naman ako doon. The view is nice. Sobrang daming bulaklak at halaman. Siguro ginawa 'to para makapag relax ang mga stress sa acads.

"bakit tayo andito?" tanong ko sa kanya. Binubusog ang mga mata ko sa ganda ng mga bulaklak. "To know you more." sagot niya. "Ay ganon?" pabiro kong sagot. Bahagya siyang natawa. Pero nawala din agad yon kaya kinuha ko yong sign para magpakilala sa kanya. Tama din naman siguro dahil hindi pa niya ako talaga kilala.

Lost Memory Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon