Chapter 20- Way

9 1 0
                                    


Mababaliw na ako, oo mababaliw na ako kakaisip at kakaalala kung ano ang pangalan nung lalaking nakilala ko sa Vigan. Bakit ba kase blur ang mukha niya? Ang malinaw lamang sa akin ay ang brown niyang mga mata. Gusto ko siyang maalala dahil parang may connection siya sa akin. Yung feeling na parang alam niya ang lahat nang nangyare?

Siguro dahil iniisip ko na naging close kami pagkatapos noong pagkikita namin sa mall dati. Kung pwede lang dugtungan yon. Ginawa ko na. Nagpaikot ikot ulit ako sa kama ko at saka sumigaw. "Arrghhhhhh!" kanina pa ako gising. Ni hindi ko nga alam kung anong oras na.

Nag check tuloy ako nang phone dahil doon. Alas kwatro na pala nang madaling araw. Hayyy. Pag nalaman ng doctor ko kung ano ang pinag gagawa ko sa sarili ko. Sandamakmak na sermon nanaman ang abot ko. I just went to my study table to read some notes, para na din ma divert ang utak ko. Pero parang wala namang pumapasok sa utak ko. Buti na lang talaga at walang quiz or exams.

Kinuha ko na lang ulit ang phone ko at nag check ng IG acc ko. Naisipan ko ding i stalk si Blake. Ni-hindi pa nga kami nag ffollowan sa IG or friends manlang sa Fb. Sobrang konti lang ng post niya. Maybe this was taken from England. Nag scroll pa ako nang ilang saglit.

Napatigil ako nang nakita ng mga mata ko ang larawan nang isang babae. Nakatalikod siya kay Blake at sa dagat nakaharap. May caption ito na "Baby" hindi ko naman maaniwagan kung sino 'tong babaeng 'to kase black and white ang picture. Pilit ko ding tinitingnan kung sino yon, mukhang nasa first year college pa lang yung babae. Ilang taon na din yung picture nang pinost.

"Swerte mo ate gurl" wala sa sarili kong sabi. Natampal ko naman ang bibig ko dahil doon. Aba loko 'tong utak ko ah. Kung ano anong sinasabi. Napagdesisyunan ko na lang na itulog 'to.

Hay kung sino man yung lalaki na nakilala ko sa Vigan. Sana makilala ko ulit siya ngayon. At kung si Blake man yon.

Hindi ko alam kung magpapasalamat ako na andito na ulit siya o kakabahan ako sa mga pwede kong malaman.

I woke up early in the morning. Parang pinikit ko lang ang mga mata ko at pagmulat ko ay kailangan ko nang pumasok. Bangag akong pumunta sa banyo ng kwarto at naligo. After that I faced my vanity table. Mukhang zombie yung nasa salamin. In short. Mukha akong zombie. Proud na proud ang eyebags ko. Nilagyan ko na lang ng concealer para hindi masyadong halata at pumasok na.

"Good morning Shainter" bati sa akin ni Blake. Ang ganda ng ngiti niya tapos ako mukhang shunga. "kilala ba kita?" barambadong sagot ko. Akala ko magugulat siya pero tumawa lamang siya. "Yes, if only you remembered every bit of me." sagot niya. At dahil kulang ako sa tulog hindi ko yon pinansin at inirapan siya. Padabog ko ding binaba ang bag ko at umupo sa upuan. Sumubsob agad ako doon.

"Hindi ka natulog?" tanong sa akin ni Missy. Umiling lamang ako habang naka subsob pa din. Hanggang dumating na si Prof. Leche wala akong naintindihan sa klase.


Nang mag vacant na ay naka subsob muli ako sa bangko. Nadinig ko na tinawag si Missy ng ka blockmates namin pero d ko na lang din pinansin. Gusto kong matulog. Yon lang naman ang gusto ko. Matulog pero bakit hindi ako makatulog?

"Moon river~" I heard someone singing. His voice it's so soothing.

"Wider than a mile~" hindi na ako nag abalang tingnan kung sino ang kumakanta dahil kilala ko naman na. Si Blake.

"I'm crossing you in style someday~" pagpapatuloy niya sa kanta. Habang nararamdaman ko na lumalapit siya sa akin.

"Oh dream maker, you heart breaker" I can feel his stares at me even though I cant see him.

Lost Memory Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon