Chapter 14- Road Trip

7 1 0
                                    

Hinatid namin sa airport si kuya Jack. It's already 8 in the evening. Gabi ang flight niya para mabilis daw. Hindi na sumama si nanay at tatay, madami kasi nilang ginagawa at hectic ang schedule.


I was stalking kuya from behind habang hila hila niya ang suitcase na dala niya, ang iba ay dala ni manong bert. I am getting sad already. Ayaw ko na sang ihatid siya dahil alam kong iiyak lamang ako kapag nakita ko siyang umalis but sayang din ang panahon na mag kasama kami. Baka matagalan nanaman bago siya makauwi dito. Napabuntong hininga ako.


"Okay Shainter, don't be sad. Tatawag na lang ako sayo okay? Videocall. And the moment I step in America, I'm going to buy you your skincare and stuffs. Is that clear?" sabi ni kuya nang humarap siya sa akin. I cleared my throat. Nagiinit na ang mata ko at ramdam ko na ang luhang gustong kumawala. In a short period of time. Nag bonding talaga kami ni kuya and I'll surely miss all his corny jokes and kakulitan.


"O-ok" utal at tipid kong sagot. Napabuntong hininga siya. Lumapit si kuya sa akin at niyakap ako. Causing me to let out the tears na kanina ko pa pinipigilan. "Wag ka nang umiyak. Just one year okay? One year and I'll stay here in the Philippines." pagpapaliwanag niya. Kumalas ako sa yakap at pinahiran ang pisngi ko, sabay tango sa kanya.


Napakinggan na namin na tinawag ang flight niya kaya dali dali na siyang pumunta doon. I was left. I waved my hand at him. Ngumiti naman si kuya at kinaway din ang kamay niya, hanggang humalo na siya sa maraming tao. Bumuntong hininga ulit ako at tumalikod na.


"Miss Hue, uwi na po tayo?" manong bert asked me. Hindi ko muna siya sinagot at malungkot kong kinuha ang phone sa bag na dala ko. I texted kuya and 'ingat' then he texted back with a smiling emoji. I was about to put my phone back in my bag when it vibrates again. Akala ko ay si kuya pero groupchat pala naming magkakabarkada.


Pamily

Gab: don't forget about the roadtrip tomorrow okay?

Bunny: San ba destination naten? Maybe we should add Cloud here? Kasama siya diba?

Missy: Kasama pala?


Nasapo ko ang ulo ko sa nabasa. Muntik ko nang makalimutan ang roadtrip na 'yon. Oo nga pala at naka plano yon bukas. Tapos na din kase ang school year, sadyang late lamang pumasok sina Kuya kaya kailangan pa din niyang bumalik sa America.


Hindi na ako nag reply sa kanila at tinago na ang phone ko. Nagpasama ako kay manong Bert sa mall para bumili ng mga dadalhin ko bukas. Nang matapos ako sa pag shopping at maka uwi sa bahay ay pabagsak akong humiga sa kama ko. Gusto ko na sanang matulog pero kailangan ko pang ihanda ang mga dadalhin ko.


I was putting my things in the bag when my phone vibrated. Binuksan ko ito at bumungad sa akin ang mga messages sa group chat. Naka add na si Cloud and actually, isa siya sa mga nagplano kung saan kami pupunta. Oo nga at naka plano na, but since it's a four days roadtrip nagdagdag pa sila ng destinations.


At first it's just Baler, Baguio and Banaue but since parang konti lang naman ang mga lilibutin namin, Cloud suggested na dumaan kami sa San fernando bago mag Banaue then Sagada and then Vigan will be our last stop. Nagkagulo pa nga sila sa group chat ng i suggest iyon ni Cloud. Saying that masyadong na yatang malayo ang Vigan but at the end nagka sundo na din sila.


Vigan, I think I never been there and may mga nakikita ako na magagandang tourist spot there. Kaya pumayag na ako. The last chat was their reminders sa akin. Lagi kasi akong late kaya they informed me agad na umaga ng gising para pag sinundo nila ako dito ay diretso na kami. I sent them a like. And their reaction! My goodness.


Lost Memory Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon