Chapter 18- Moments

8 1 0
                                    

Hindi ko alam kung bakit ko 'to nararamdaman, pero bakit parang sobrang bigat ng tensyon sa pagitan nila? Bago pa lang si Blake dito pero bakit ganoon?


Napatingin ako sa kamay ni Blake at Gab na naka shakes hand pa din. Titig na titig naman sila sa mata ng isa' t isa. Parang wala ding balak magsalita ang iba kong kaibigan kaya tumikhim ako. Nagbitaw sila ng kamay saka napatingin silang lahat sa akin. Binigyan ko sila ng tipid na ngiti. Gusto kong magsalita pero wala namang lumalabas sa bibig ko.


Nang nag try akong bumuo ng usapan at binuka ang bibig ko ay siya namang pagsasalita ni Bunny. "Oh diba! Sabi ko sa inyo eh may transferee!" sabi niya sabay tawa. Nakitawa na din naman ako at napangiti din si Blake. Samantalang yung iba nanatiling blangko ang mga mukha nila. Ano bang problema ng mga 'to.


"Uhmm, ano Blake nagugutom ka ba?" tanong ko sa kanya para kahit papa ano ay mawala ang tensyon. Tumingin siya sakin at ngumiti. I felt my heart sank for a moment. "May alam ka bang malapit na restaurant? I didn't eat my breakfast earlier." sagot niya. Tumango ako sa kanya at ngumiti.



"Kami hindi mo tatanungin?" pagsingit ni Clarence sa usapan. This time, seryoso siya, eh lagi naman yang nagbibiro. Ano ba ang nakain ng mga 'to, o hindi pa sila kumakain? Dahil don pabiro ko siyang hinampas sa braso. "Syempre, given nanaman na kasama kayo!" sabi ko sabay tawa.



Hindi na siya sumagot o tumawa manlang. Nadinig ko namang nag tsk si Missy, kasabay noon ay ang pagkuha niya ng bag niya at naglakad na palayo. Binigyan ko sila ng tingin na nagtatanong. Napailing lang si Clarence at sinundan si Missy. Naiwan kami dito. Magtatanong na sana ako kung anong nangyare pero nagsalita naman si Gab. Leche na ano ba ang nangyayare kase?



"Sunod na lang kayo sa parking, dala ko yung van." maikli niya sabi at naglakad na, sumunod din naman si Mapolz pagkatapos kaming bigyan ng apologetic smile. Bat ba kase sabay sabay silang tinotopak? "Hayahay!" pag sigaw ni Bunny. Napatingin tuloy ako sa kanya.



"Wag mo silang alalahanin Hue, wala lang siguro sa mood saka Blake, pasensya na." pagkakausap niya na parang mag kaibigan na agad sila ni Blake eh kakakilala lang nila kanina. Pero si Bunny 'to eh friendly naman kase yan. "Kausapin ko sila mamaya?" tanong ko kay Bunny. Tumayo na siya at kinuha ang bag niya. "Wag na, okay lang yung mga yon." pagkukumbinsi niya atska nauna na din sa amin.


Kami na lang tuloy ni Blake ang natira dito. Napatingin ako sa kanya at hindi ko inaasahang nakatingin din siya sa akin kaya napaiwas ako. Bakit ang awkward? Tumikhim na lamang ulit ako saka nagsalita. "Tara na?" tanong ko at nagsimula nang maglakad kahit hindi pa siya nakakasagot.



"You're really walking fast." halos mapa igtad ako nang nadinig ko ang boses niya. Akala ko kase hindi na siya sumunod sa akin. Napatingin tuloy ako sa kanya dahil parang hinihingal siya. "Tumakbo ka?" tanong ko. He just gave me a smile. "Kinda? To catch you up." sabi niya. Englishero pala 'to. Kanina kase nag tatagalog siya. "Sorry, Akala ko kase hindi ka na sasama." sabi ko at binagalan na ang paglalakad. I just heard him chuckle. And freak that, my heart beats not on it's normal state. Hindi ko na lang siya pinansin.




Nang makarating kami sa parking ay sinabi niya sa akin na may kotse siyang dala. Sinuwestyon ko naman na wag niya na yung dalhin at makisabay na lang kayna Gab. "I don't think it's a good idea." sabi niya nang marinig ang suggestion ko. "Bakit naman?" tanong ko sa kanya. Sinagot niya ako ng nothing. Kaya hinila ko na lang siya sa kung nasaan sina Gab.




Hindi ko din alam kung bakit kahit bago ko pa lang siyang kakilala, parang close agad kami. Yung tipong alam ko na mapapagkataiwalaan siya. Siguro dahil mabait naman talaga siya at friendly lang talaga ako?



Lost Memory Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon